Chapter 54

15.1K 307 6
                                    



Isabelle's POV



"Uhm...ano po ba yung pag-uusapan natin?" Inilapag ko sa lamesa yung tinimpla ko'ng juice at naupo sa kabilang upuan.



Hindi ko nga expect na pupunta ulit dito sa bahay si Ms. Parker--my real mom. Well nagulat ako kanina pero inisip ko na magandang pagkakataon na din 'yon. Ipinakilala ko si Brayden sa kanya. At ang nakakagulat ngumiti siya kay Brayden. Parang hindi siya yung Ms. Parker na una ko'ng na meet. Yung galit na galit kay Brayden. Kaso hindi ko alam kung totoo ba yung ipinakita niya kanina. Pero parang totoo naman. Aish! ang gulo ko.



Kaming dalawa nalang dito sa bahay dahil si Brayden ay umuwi na. Mukhang napaka importante daw kasi ng pag-uusapan namin ni Ms. Parker. Si Flare naman, ewan ko ba dun bakit biglang nawala.



"I'm really sorry, Anak..." Nagpanic naman ako ng makita ko na paiyak na siya. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at kinuha ang tissue na nasa sala.



Pinunasan ni Ms. Parker yung mga mata niya at huminga ng malalim "Hindi ko alam kung magkakaroon ba ng saysay ang pagpunta ko dito. Hindi ko alam kung kaya mo ba ako'ng patawarin o hindi. Pero Anak, gusto ko lang humingi ng tawad sa'yo. Patawad sa hindi magandang asal na ginawa ko sa'yo. Sorry kung masyado ako'ng nagpadalo-dalos. akala ko kasi...akala ko 'yun ang makakabuti sa'yo. Masyado ako'ng nagpadala sa mga nalaman ko..." Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng makita ko siyang umiiyak. Naalala ko tuloy yung mama ko--Yung mama ko na nagpalaki sa akin.



Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang tumayo at lumuhod sa harap ko "I'm really really sorry, Anak. I'm sorry for everything I did. Wala ako'ng isang kwentang ina." 



Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at itinayo siya. Alam ko hindi tama yung ginawa niya noon. Sobrang nagalit talaga ako sa kanya. I even said that she will never be my mother. Hindi ko naman talaga gusto sabihin yun eh. Nadala lang ako ng emosyon ko. 



"Huwag na po kayong umiiyak. Pati po ako naiiyak na eh." Actually naiyak na talaga ako. Mama ko nga na nagpalaki at nag-aruga sa akin ayaw na ayaw ko'ng nakikitang umiiyak. Ito pa kayang tunay ko'ng nanay. Wala naman sigurong anak na gustong nakikita 'yong nanay niya na umiiyak 'di ba?



Pinunasan ko yung mga luha ko "Huwag niyo po'ng sabihin na wala kayong kwentang ina. Hindi po basehan yung ginawa niyo noon sa akin para masabi niyo po'ng wala kayong kwenta. Alam ko po na dahil lang iyon sa emosyon niyo. Minsan hindi na po natin kasi alam ang ginagawa at nasasabi natin kapag nadadala na tayo sa emosyon na nararamdaman natin...At huwag po kayong mag-alala. Matagal ko na po kayong napatawad." Sabi ko at ngumiti.



Ang saya sa feeling pag napapatawad mo yung isang tao. Yung bigat nararamdaman mo sa puso mo ay biglang mawawala tapos mapaplitan ng saya. Basta ang sarap sa pakiramdam. Yung galit ko kay Brayden nawala na at ngayon naman ay yung sa nanay ko. Ang saya lang.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now