Chapter 13

27.1K 620 2
                                    


Kahit na nag-review naman ako, parang sobrang hirap pa din ng exam. Bakit gano'n?

"Sakit sa utak ng exams natin bes." Sambit ni Flare at hinihilot-hilot pa ang sintido.

Ay nako. Sakit talaga sa utak.

"I-kain nalang natin 'to" Kinuha ko na ang bag ko at tumayo.

Pagka-dating namin sa cafeteria ay agad na kaming nag-order ni Flare. Pahirapan pa kami sa pag-hanap ng bakanteng table, dahil puno na ang cafeteria.

"Flare, Isabelle. Over here!" Hinanap namin ni Flare kung saan nanggagaling ang boses, at nakita naman namin si Amber, Cleo at Sebastian a.k.a Samantha. Lumapit kami sa kanila.

"Hai." Nakangiti ko'ng sambit sa kanila. Inilapag ko ang hawak ko'ng tray at naupo. Gano'n din si Flare.

"Ano ba'ng meron, at puno ngayo'ng araw 'tong cafeteria?" Tanong ni Flare.

"Yung mga 4th year students kasi, ginawang 1 day lang yung exam nila." -Amber.

"Buti pa sila, eh tayo apat na araw papasok." Sagot ni Flare.

"That's life haha. Hayaan mo na, kasi malay niyo pag fourth year na rin tayo gawing 1 day nalang ang exams." Sabi ni Amber.

Nag-umpisa na kaming kumain dahil malapit na rin mag time para sa last exam namin ngayong araw. Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni Sebastian, kahit kailan talaga napaka-daldal niya at the same time ang dumi din ng utak. Pati tuloy ang inosente naming utak nababahiran ng mga malalaswang salita dahil sa kaniya.

"Gusto ko sa lalaki eh yung mga 10 inch ang kanyang---" Hindi na natapos ni Sebastian ang sasabihin ng kuritin siya sa tagiliran ni Cleo. Mag-katabi lang kasi sila.

"Ouchy." Maarteng daing ni Sebastian.

"Hoy Sebastian, umayos ka kung ayaw mo'ng ipalamon ko sayo ng buo 'tong saging." Matalim ang tingin ni Cleo, habang ang saging ay tinututok 'kay Sebastian.

"Oh, sure why not. Basta ang gusto ko ipakain mo ng dahan-dahan sa akin 'yang saging ha." Malandi na sabi ni Sebastian.

Grabe 'di ko na 'to ma-take. Yung mga buhok ko sa buong katawan nag-sisitayuan dahil sa pinag-sasabi niya. Tapos ang nakakaloka pa ay grabe ang tingin niya sa saging, na animo'y--Ay nako basta 'yun na 'yun. Gets niyo naman ako siguro, di ba? Ang laswa kasi ng tingin niya sa saging.

"Ugh! Bwisit ka talaga!" Nagulat nalang kami ng biglang tumayo si Cleo at umalis.

"Ay nako beks. Pina-init mo na naman ang ulo ni, Cleo." Naiiling na sambit ni Amber.

Minsan ang hirap din mag-karoon ng kaibigan na gay. Pero for me, kahit na malakas silang mang-asar o mag-sabi ng kung ano-ano'ng 'di magandang salita ay napaka-sarap pa rin nilang kasama. Am I right or am I right?

"Ang pikon naman kasi ng babaitang 'yun." Sabi ni Sebastian. Kinuha nito ang saging na kanina'ng hawak ni Cleo tsaka ito binalatan at kinain.

Agree naman ako 'kay Sebastian. Pikunin talaga si Cleo. Kahit na hindi kami laging nakaka-sama ni Flare sa grupo nila, ay nakikita namin na ang hilig pag-tripan ni Sebastian itong si Cleo. Hanggang sa mapikon ito at mag-walk-out, katulad nalang ng nangyari ngayon.

Natatawa nalang ako'ng bumalik sa aking pag-kain.

"Kyaahhh!!" Pare-parehas kami'ng napatingin ng mag-sigawan ang mga kababaihan sa cafeteria. Hindi namin makita kung sino ang sinisigawan nila, dahil bukod sa nakaharang sila ay naka-upo pa kami.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now