Chapter 37

21K 456 14
                                    

Thank you pinkishian sa pag-gawa mo ng magandang book cover para dito sa story ko. Hihi ☺☺Really appreciate it 😘😉


Dahil agad ako'ng naka-uwi. Here's my UD for you guys.


~❤~❤~❤~


Seraphina's POV


"Bullsh*t! What the hell is this!" Bulalas ko ng pagbukas ko ng aking facebook ay picture ni Isabelle at Brayden na magkayakap ang aking unang nakita.


Scroll lang ako ng scroll. Puro pictures at tungkol sa kanila ang nasa newsfeed ko.


Lumapit ako sa grupo ni Shania na nandoon sa higaan ko. Ibinalibag ko sa harap nila ang phone ko para ipakita ang mga pictures "Tell me, what is the meaning of this!"


Kinuha ni Shania ang phone ko "No Idea." Sabi niya at nagkibit balikat.


"Me too." Sabi ni Alexandra at Rita.


"Hindi niyo alam? Doon kayo nag-aaral sa ekuwelahan ko pero hindi niyo alam kung ano'ng ibig sabihin ng mga letrato na 'yan!"


"FYI, Seraphina. Hindi kami pumasok sa school kahapon dahil inutos mo at hanggang ngayon nandito pa din kami sa pamamahay mo. Kaya paano namin malalaman kung ano'ng meron diyan sa mga pictures." Sagot ni Devine habang nakatingin doon sa mga pictures sa newsfeed ko.


"Patingin nga." Inagaw ni Kyla ang phone kay Devine "Hmm. Well according here. Nililigawan na ni Brayden si Isabelle, or lets just say liligawan palang." Kampanteng sambit ni Kyla.


Darn! Inuubos talaga ng Isabelle at Brayden na ito ang pasensya ko. At ang Brayden na ito, mas pipiliin niya pa ang walang kwenta niyang asawa kaysa sa kumpanya nila.


Now I'm done. Magbabayad silang dalawa!


-


Isabelle's POV


No!No!No! Late na akooooooooo!


7am ang klase ko pero 6:30 na ako nagising. Patay ako nito sa professor ko. Ayaw pa naman ng late 'non.


Sa sobrang taranta ko hindi ko na nagawang maligo ng ulo. Katawan nalang ang binasa ko. Tapos sinuot ko na 'yong uniform ko at nag-ala-flash na sa paglabas ng bahay. Mag-aayos pa ba ako. Eh late na late na ako. Ni-lock ko na 'yong pinto ng bahay at tumakbo na. Bahal na kung madapa ako.


Pagbukas ko ng gate nakita ko si Brayden na naka pamulsa habanag nakasandal sa kotse niya.


This is kinda weird. Pero bakit sobrang pogi niya ngayon? Parang gusto ko'ng pisilin 'yong mga mga muscles niya sa braso. Tapos 'yong mga abs niya bakit parang nakikita ko? Eh naka damit naman siya.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon