Chapter 65

13.4K 286 5
                                    





Isabelle's POV




Wahh! Grabe nakakainis yung mga professors namin. Ay hindi, yung management pala ng school. Hindi man lang sinabi na wala kaming pasok ngayong araw. Sayang effort >.<




"Tiniis ko kahit hirap na hirap akong gumising kanina. Tapos ganito lang ang mangyayari. Pumasok tayo sa wala. Grabehan."




"Kala mo ba ikaw lang, Amber. Ako din kaya no. Naligo pa ako ng pagkalamig-lamig na tubig para lang magising ang diwa ko."




"Pwede naman natin ituloy ang klase e. Kayong dalawa ang magturo. Kesa reklamo kayo ng reklamo."




Hay. Nako heto na naman ang tatlong ito. Kaya nakaka panibago din pag wala si Amber, Cleo at Sebastian eh. Itong kasing si Flare pansin ko lately ang tahimik niya.




"Ang tahimik mo?" Siniko ko si Flare para mapatingin siya sa akin. Kaming lima nalang ang nandito sa room. Hinihintay ko kasi si Brayden para sabay na kaming pumunta sa bahay ni Mommy Hailey hanggang ngayon kasi ayaw niya pa din pumayag.




Walang ganang tumingin sa akin si Flare at bigla nalang nagdukdok sa arm chair niya "Wahh!" Gulat kaming napatingin sa kanya. Yung tatlo inilapit pa ang upuan nila kay Flare. Bali naka paikot kami sa kanya.




"Girl anyare? Nag-break na ba kayo?" Patukoy ni Sebastian kay Caleb. Na hanggang ngayon ini-stalk pa din nitong si Flare.




"Gaga. Hindi man nga sila. Tapos break agad. Tsk." Sabay batok sa kanya ni Cleo. Nagtatalo na naman ang dalawang ito.




"Napano ka ba bes? May problema ka ba?"




"Mamimiss ko kayo."




"Ha?!" Gulat na sambit naming apat. Ano naman kaya ang pinagsasabi ng babaeng ito.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now