Chapter 45

16.5K 340 1
                                    



Isabelle's POV


After ko'ng mag-ayos at mag-breakfast ay pumunta na ako sa school.


**School**


Yung iba undecided na pumasok sa school dahil tamad silang pumasok, pero ako undecided na pumasok sa school dahil iniisip ko 'yong pwede na gawin sa akin.


"Lord, please guide me po. Amen." Nilakasan ko na 'yong loob ko na pumasok sa loob ng school.


Para ako'ng isang pulis na sobrang alisto kung maglakad. Baka kasi mamaya hindi ko mapansin na sinusugod na ako ni kamalasan.


"Isabelleee!" Napatigil ako sa paglalakad at nakita ko sa may right ko si Amber, Cleo at Sebastian na tumatakbo papunta sa akin.


Problema ng mga 'to? Parang hinahabol ng halimaw.


"Isabelle, you need to go with us." Hinawakan ni Amber ang left hand ko at sa right hand naman si Cleo. Tapos si Sebastian doon sa likod ko at tinutulak ako.


May kamalasan ba na dadating sa akin kaya ganito sila? Baka inilalayo lang nila ako sa kapahamakan.


"Sige, saan niyo ba ako itatago?" Sabi ko. Pero kunot noon nila ako'ng tinignan.


"Ha?" Sabay-sabay nilang sabi. Ang ewan naman ng mga 'to. Parang hindi alam ang tinutukoy ko.


"Eh kaya niyo nga ako hinila para itago 'di ba? Para itago doon sa mga may balak na gumawa ng hindi maganda sa akin...So saan nga tayo magtatago?" Parang ewan pa din sila na nakatingin sa akin.


"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Ano'ng itatago? Naka high ka ba ngayon, girl?" Tanong ni Sebastian. At ako pa ngayon ang naka-high? Eh sila nga 'tong mukhang naka high.


"Ako ba pinagloloko niyo ha?" Sabi ko tas hinila ang mga kamay ko "Eh bakit niyo ako hinihila kung hindi niyo alam kung ano'ng sinasabi ko." Nakakasira ng bait 'tong tatlo na 'to ah.


"Dahil pupunta tayo sa president's office ngayon. Magsusumbong na tayo sa ayaw at gusto mo. Ano ba 'yong pinagsasabi mo'ng itatago ka namin?" Takang tanong ni Amber.


"Wow. Ang o-OA niyong mag-react kanina tapos iba naman pala ang iniisip niyo sa iniisip ko." Kay Flare palang mukhang masiraan na ako ng bait. Tapos dumagdag ng tatlo.


Speaking of Flare. Wala siya ngayon dito.


"Nasaan si Flare?"


Nagkibit balikat lang silang tatlo.


"Mamaya mo na hanapin si Flare, tara na sa President's office." And again, hinila na naman nila ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя