Chapter 35

54 3 0
                                    

Lumipas pa ang ikalawang araw at sa wakas ito na ang huling araw ng foundation. Makakapag-pahinga na din, isa pa pabalik na rin naman si Toby.

Naka pants ako at t-shirt na pula hindi kasi ako ang tipong nag-a-Amerikana. Madalas nga sabihin ng mga studiyante ko na napaka bagets ko daw. Naka-sanayan ko lang kasi lalo na at nami-miss ko na talaga ang tumugtog. 

Nasa pinaka-likod ako ng upuan ng mga tao. Pabalik-balik ako don dahil ang bisita ni Aldrin ay wala pa. Malapit ng matapos ang mga intermission number ng iba't ibang department bago ang coronation.

Abby was also complaining na hanggang ngayon wala pa din ang friend niya. Nagpaiwan sila sa office dahil don daw niya hihintayin si Jem. Madilim ang buong paligid at ang stage lang ang maliwanag.

Nagstage play ang isang grupo at patapos na yon napansin ko naman si Manang Dolor na kasunod ng isang babae at kahawak niya si Abby.

Napa-kunot ang noo ko at baba sana ako para lapitan sila pero biglang namatay ang ilaw. I heard a commotion pero may nag-annouce na ilang minuto lang yon. Boses yon ng spearker.

What the hell is going on? Sinabi ko ng maghanda ng generator para kung magka-problema handa. Then someone grab my shoulder.

"Professor si Aldrin po ito. I need you po to the stage right now."

Tinutulak niya ako at hindi naman ako makakita kaya sinundan ko na lang ang pag-alalay niya sa akin.

"Aldrin didn't I tell you na ihanda ang lahat ng kailangan?"

"Sir everything's undercontrol."

Makikipag-talo sana ako pero hindi ko na ginawa. Biglang bumukas ang ilaw at naitakip ko pa ang braso ko dahil nasilaw ako. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao.

Nasa harapan na ako mismo at taas ng stage. Tiningnan ko ang host namin. Siya ang nasa gitna ng stage at sa nakikita ko mukhang sa wakas ay dumating na ang band na inimbitahan ni Aldrin dahil nakaset-up na ang mga gamit nila. Napahinga ako ng malalim.

Pinalapit ako ni Aldrin sa halos katabi ng Host namin na nagsasalita. Pagkatayo ko sa gitna tiningnan ko kung nasaan si Abby, wala na ang babaeng kasama niya.

The light become dim at nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ko kasi napansin ang mga sinasabi ng Host dahil ang anak ko ang iniisip ko. Iniwan ako ng Host sa gitna at napalingon ako sa likuran.

Tatlong lalaki ang lumabas sa likod ng stage lahat sila ay naka sombrero kaya naman hindi makita ang mukha. Ano ba naman mga bata ito. Hindi na naisip na pwede namang hindi cap ang props.

Papalapit sila sa akin at ang isa ay naupo na sa harap ng drum. Pinukpok niya yon at teka--

"Handa kana ba Bunso?"

Tinapik ako ni Kuya James sa balikat. Para naman akong napetrified sa pagkagulat na makita sila. Hindi ko pinansin si Kuya Ellie na nasa harap ko at nilingon ko ay ang lalaki sa drum.

Baka kasi yon ang sinasabi ni Aldrin na pinaghandaan ang kapalit? Pero nilapitan ko yon at si Kuya Reg. Tumayo siya at niyakap ako. Tumalikod ako para si Kuya Ellie naman ang makita.

Andito sila, parang bumalik lang ako sa panahon na college pa lang ako. Ang saya. Narinig ko ang speaker na may sinasabi at muntik ko ng makalimutan na nasa stage kami.

Tinuro sa akin ni Kuya Ellie ang gitara at siya naman ay lumapit sa keyboard ng piano. Si Kuya James naman ay sinasabit na sa leeg niya ang guitar base niya.

Hindi ko alam, ano nga pala ang kakantahin ko. Pero ang tanong ay nasagot ko dahil sa pagsimulang tumogtog ni Kuya Ellie.

Even though it's been so long

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon