Chapter 6

54 3 0
                                    

Di gaya sa Ancient History, maliit lang ang room na ito at mga plastic arm chairs ang upuan. Naupo kami ni Red sa gilid sa bandang gitna.

Nakita ko naman na pumasok na si Amber at sa kanya nakatingin halos lahat karamihan na ang mga kaklase naming lalaki.

Konti lang kaming lalaki sa course ko at kahit sa course nila Amber, sampo lang 'ata sila. Naupo sila sa gitna ng crowd.

Ang dalawang kasama niya at parang mga body gaurds na laging nasa magkabilang tabi niya. Pinagmamasdan ko siya. Mukhang ok naman talaga siya pero bakit parang there is something about her na hindi maganda.

Bigla akong lumingon sa unahan ng bigla siyang tumingin sa akin. Sakto naman dumating ang Professor namin na napaka kapal ng salamin.

Natapos ang buong maghapon ko at pauwi na ako. Nagtext na ako kay Loise at sasabayan ko siya sa pag uwi. Malapit lang sa Pad niya ang inuupahan kong kwarto.

Naka-simangot ito habang papalapit sa akin .

"Nilukot ba ng Professor ang mukha mo? Bakit ka naka ganyan?"

"I hate Monday."

"Bakit naman?"

Tanong ko at naglakad na kami para pumara ng Jeep ayaw ni Loise magjeep may taxi naman daw. May sasakyan siya pero ayaw niya gamitin dahil alam niyang hindi niya ako makakasabay.

Pumara ako ng Jeep at pinauna ko siyang sumakay. Dumukot ako sa bulsa ng pera. Nilahad ko ang kamay ko kay Loise.

"Ano yan?"

"Penge ng pamasahe mo. Anong akala mo ililibre kita?"

Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang wallet. "Kuripot ka talaga."

"Mayaman ka naman kesa sakin eh." inabot ko sa Manong ang pamasahe at nilingon ko si Loise.

"Bakit ka nga naka-ganyan?"

Tumingin siya sa akin na naka-nguso.

"Paano lunes na lunes wala manlang schedule na pwede kitang makasabay kahit isang meriyenda at lunch manlang."

Binuksan niya ulit ang bag niya at kinuha ang schedule. Binukalat yon at pinakita sa akin.

"Ayan oh. I checked it and Saturday lang ang maraming schedule na pwede tayong magkasama. Wala akong pasok ng Wednesday and Thursday. Thursday wala ka din pasok kaya lang may pictorial naman ako."

Kinuha ko yon. "Saan mo nakuha ang schedule ko?"

"Pina photocopy ko."

Naka-simangot pa din siya kaya I wipe her face. Ngumiti naman siya at yumakap sa braso ko.

Tama si Kuya Li, masungit at brat nga itong si Loise pero malambing naman. Simpleng bagay madali lang siya pangitiin. 

***

"You like her. I like her too but you've got curious about that Amber."

Nakadapa na si Abby sa kama at ako din magkatabi kami. Nginitian ko siya.

"You think so?"

"Hmmm... I don't know maybe-- ah... go on."

***

Dumaan ang buong isang linggo at wala namang pagbabago. Halos magtago lang ako madalas kasi kahit saan ako mapadaan, mga babaeng nagtitilian ang nakaka-salubong ko kapag nakikita ako.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon