Chapter 34

39 3 0
                                    

"Then, what happen next Julian?" sabi ni Abby. Nahiga na siya sa kama niya. She yawn.

There we start all over again. And we never wish pero binigyan kami ng blessing ni God. Magulo, maligalig kong hinarap si Loise.

Hindi ko akalain na ang Amber na magulo at napakahirap pakisamahan ay nagawa kong paamuin pero si Loise na alam kong mabait ay siya palang mas magulo na kapag nakasama.

Napaka-sungit niya sa akin habang pinagbu-buntis ka niya. Hindi pa din siya pumayag na magpa-kasal. Marami pa daw siyang kailangan gawin.

Nagbago na nga si Loise, sa sakit na naranasan niya sa akin natuto siyang maging manhid, matigas. At kahit mahal niya ako hindi niya sinunod ang puso niya. Pagka-panganak niya may tawag siya ulit sa Australia para sa isang trabaho.

Hindi ako pumayag dahil 60 days old ka pa lang non but she never listened to me. Sabi niya babalik siya pagkatapos ng contract niya.

Five years contract but she never came back. Wala na akong naging balita sa kanya.

"Do you think she has her own family there?" tanong sa akin ni Abby.

Ngumiti ako pero aaminin ko sa sarili ko na hanggang ngayon naghi-hintay pa din ako.

Siya lang ang babaeng minahal ko mula noon pa pero kung masaya na siya kung nasaan siya ngayon, tatanggapin ko yon.

"Maybe..."

"Do you still love her?"

Hindi ko alam kung sasagutin ko yon at buti na lang nagtanong pa ulit siya.

"You said god gave you blessing. That's me right?"

I nod malungkot ang mukha niya.

"I thought it's like happily ever after, but there's no happy ending after all."

Ngumiti ako sa kanya at hinawi ko ang buhok sa may noo niya. 

"There's one thing I forgot to tell you."

"What is it?" sabi niya na kumunot ang noo.

Siguro iniisip niya na tapos na ang kwento ko so what's happy about that? 

"The happy ending."

"And what's the happy ending?"

Hinalikan ko siya sa noo. "I've got you!"

Ngumiti siya sa akin at pumikit. "Good night Julian."

There nakatulog na siya. Pinagmasdan ko ang anak ko. Kamukhang kamukha siya ni Loise. Paano ko makaka-limutan ang Mommy niya kung tuwing makikita ko si Abigail ang Mommy niya ang nakikita ko?

Tuwing ginigising niya ako sa umaga, tuwing siya ang mga nasusunod at nagco-complain sa mga bagay-bagay, at tuwing she toss her hair like her Mum always did.

Paano ko makakalimutan ang kaisa-isang babaing minahal ko?

Bumalik na ako sa kwarto ko. Nakahiga na ako. Nasaan na nga kaya si Loise? Naisip niya kaya kung gaano na kalaki ang anak namin?

Maaga akong nagising at gaya ng dati, maaga akong bumangon para pumasok. Marami pa kaming aayusin at pagka-hatid ko sa School kay Abby nakausap ko si Teacher Ada.

"Professor, susunduin ko ang kapatid ko mamaya sa Mitchel, kung ok lang po sa inyo ihahatid ko na din don si Abby."

"Ok lang ba?"

"Opo, behave naman si Abigail eh."

"Sige if you insist kasi marami pa talaga akong gagawin eh."

Kaya naman laking pasalamat ko. Ngayon ang simula ng Foundation at siguradong aabutin ako ng gabi don.

Pagdating ko sa Office ko nakita ko ang papel sa mesa ko. Yon ang speech na gagawin ko mamayang opening.

Nagpunta na ako sa venue at ayos na ang lahat. Nakita ko si Aldrin at naka ready na din siya.

"Aldrin?"

"Yes Professor Evans?"

"I'm just wondering kung naayos mo na ang special guest natin sa last night ng foundation?"

"Actually Professor may nag contact sa akin at mukhang interesado sila."

"Good. That's good. Baka naman hindi yan pasok sa budget."

"No Sir, actually ang maganda nga po libre ang performance na gagawin nila. Ang problema nga lang po baka hindi umabot sa last night dahil nasa ibang bansa ang kasama nila pero yon pong contact ko sinabi na wag ko daw po yon problemahin kasi pinag-handaan din po nila ang substitute kung sakali."

Napaka consistent naman ng inimbitahan nitong si Aldrin.

"Sino ba ang nakuha mo?"

"Hindi ko pa po nakuha sa contact ko eh basta po i-me-meet ko po sila sa Saturday ng umaga. Nakausap ko na din po ang Head ng staffer at ang naka budget po para don ay ginamit ko na lang for room accomodation ng mga bisita. Sir I have to go po." 

I just nod to Aldrin sana lang ay maging ok ang lahat. Dumating ang hapon at nag-speech na ako. Aircondition ang Gym namin pero ang pawis ko ay walang humpay sa paglabas sa aking katawan.

Nag-gagandahan ang mga candidates. Unang gabi pa lang pero nagpa-talbugan na sila sa kani-kanilang costume.

Napalingon ako sa kumublit sa akin. Tiningala ko yon at si Abby. Si Manang Dolor na ang kasama niya.

"Hi Dad."

"Hello Sweety." at bago pa ako makapag-salita ulit at nagsalita na si Abby.

"Daddy can we stay to your office it's so noisy here and can I use your laptop. I wanted to invite Jem here on Saturday. Can I?"

I just smile and nod at tumakbo na siya palayo. Natapos na din ang unang gabi. Napaka-daldal talaga ni Abby, nagdrive tru na lang kami dahil gabi na para magluto pa si Manang.

Abby was just telling me about her friend Jem at pupunta daw ito sa last night ng foundation.

Naisip ko buti na din yon para may kalaro siya. Kinukwento rin niya na kinuwento daw niya sa friend niya ang kwento ko sa kanya.

"I asked her opinion."

"And she said?" tanong ko.

At sabi ng anak ko. Baka naman daw kahit malayo ang Mommy niya hindi naman daw sila nakaka-limutan. Siguro daw ay naduwag lang ang Mommy niya na bumalik agad kaya hindi na bumalik.

But for sure daw Abby's Mum loved her kasi daw wala namang Mommy na hindi mahal ang anak.

Naisip ko lang bakit ba ang mga bata ngayon kung magisip parang matatanda. Hindi lang pala ang anak ko ang matanda mag-isip kung hindi pati ang kaibigan niyang si Jem.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon