Chapter 31

31 3 0
                                    

Tatlong taon pa ulit ang mabilis na lumipas. Busy man si Amber sa paglibot sa iba't ibang lugar dahil sa trabaho niya hindi siya nawalan ng oras sa akin. Halos tatlong beses siya kung tumawag.

Masaya ang relasyon namin ni Amber sa loob ng siyam na taon, hindi kami nagkaroon ng higit pa sa tampuhan. Ang buong effort ng pagmamahal ni Amber para sa akin ay hindi mapa-pantayan.

Sa katunayan may binili ako. Pero hindi pa ako sigurado kung ibibigay ko na ba sa kanya.

Isang taon na akong nagtuturo sa Mitchel at hindi naman pala ganon kahirap. After all Dad's always guiding me in every details.

Dalawa na ang pamangkin ko kay Justin. Si Red, ayon naka kuha na ng lisensiya at sa States niya sinubukan ang pinag-aralan niya.

Si Kuya Reg, wala na akong balita sa kanya. Paminsan-minsan na lang din akong maka-balita kay Kuya Ellie at ninong ako ng three years old son ni Kuya James na Derrick ang pangalan.

Isang Linggo ang bakasyon ni Amber at nakapag-plano na kami na sa bahay lang kami mag stay.

Pero magkikita kami ay sa mall mamaya dahil may bibilhin daw siya.

Naglalakad-lakad ako habang hinihintay ko ang text ni Amber. Nasa may food court ako naupo at tiningnan ko ang cell phone ko wala pa din text pero nagiwan ako kay Amber ng message na nasa food court lang ako.

May dalawang teenager sa bandang unahan ko. Mukhang hindi naman sila magbf/gf dahil hindi sila kagaya ng mga magkarelasyon na nakikita ko.

I can't help myself but to looked at them. Na-confirm ko na mag-kaibigan lang sila ng may isang babaeng dumating at humalik sa lalaki. Tumayo sila at kinuha ng lalaki ang bag ng dalawang babae pero ang bagong dating ang hinawakan niya.

I miss-- but wait si-- si Eloise ba ang babaeng yon? Kakalabas lang mula sa powder room. Tumayo ako pero isang kisap mata ko wala na ang babae.

Hinabol ko pa din pero hindi ko na talaga nakita mukhang namalik mata lang talaga ako sa nakita ko at nagulat ako sa biglang paghawak ni Amber sa braso ko.

"Hey, I thought you're goin' to wait me there?" turo niya sa food court na hindi nalalayo sa kinatatayuan ko.

"Ah, Yeah! I just thought I saw--"

"You saw what?" she drag me pabalik ng food court at naupo kami

"Anyway I have alot of things to tell you."

Pero halos hindi ko na narinig ang sinasabi ni Amber. Nilamon ng mukha ni Loise ang isipan ko. Hindi ako nagka-kamali si Eloise ang nakita ko. Napatingin lang ako ay ng may sinabi si Amber.

"-and Kuya Li told Ate Peige that Eloise was here na sa Philippines. Atlast we can make up. Isa pa you owe her at para makapag thank you kana din."

Tumayo ako ulit at lumabas sa food court lumingon lingon ako sa paligid pero wala na talaga ang babae. Si Loise nga ang nakita ko.

Sumunod sa akin si Amber na naka-kunot ang noo.

"I saw her just before you--" sabi ko at hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa yon kay Amber.

"You saw her?" at lumingon- lingon din siya.

Hinawakan ko siya sa braso at dinala ko na siya sa pina reserve kong Restaurant. Tahimik lang kaming naka upo at hinihintay ang order namin. Tahimik lang akong pinagma-masdan ni Amber nakatingin ako sa labas at nakikita ko sa akin lang siya nakatingin.

I can't help myself but to think Loise. Hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya. Pero masaya ako.

Tahimik na natapos ang dinner namin. At inilabas ko ang isang maliit na box. Inilabas ko ang isang diamond ring.

Alam kong nagulat si Amber at halos hindi siya makapag salita. Matagal na niya itong hinihintay dahil in our Six years, she ask me why hindi ko siya inaalok ng kasal.

Hindi pa kasi ako handa non. Pero handa na ba talaga ako ngayon? Kinuha ko ang daliri niya at inilagay ang sing sing. Hinaplos ko muna ang kamay niya bago ulit ako tumingin sa kanya.

Nare-herse ko na ang sasabihin ko at alam ko na ang dapat kong sabihin.

"Amber, will you be my wife?"

Hinintay ko ang sagot niya. She was speechless. Ilang minuto na pero hindi pa din siya nagsasalita at ngumiti siya. May luha ng pumapatak mula sa pisngi niya.

Tumayo siya at lumapit para yakapin ako. Niyakap ko din siya at sa pagkaka-intindi ko ay 'Oo' ang sagot niya. Humiwalay siya sa akin at lumapit sa bag niya. She was smiling and wiping her face.

"Sasabihin ko sayo, after I think about it."

Umalis na siya patakbo. Hindi ko alam ang nagyari pero hindi ko siya sinundan? Ang alam ko at nagflash na sa utak ko kanina habang pina-praktis yon ay 'Oo' ang sagot niya.

Were going home together and announce the engagement, but what's happened? Sinigurado ko na nakauwi na sa pad niya si Amber at sumagot naman ang kasamahin niya. Naroon na nga daw at nasa kwarto na.

Paikot-ikot lang ako sa kwarto ko. I'm thinking about Amber-- and Eloise. Tama bang tinanong ko siya habang narito at gulong gulo pa ang utak ko?

Weekends. Walang pasok at nasa bahay lang ako. Nasa tabi ako ng pool nagba-basa. Doon ako tuma-tambay at tatlong libro ang dala ko para magbasa. Nilingon ko si Manang Dolor bago siyang katulong sa bahay namin at siya ang nag-aasikaso sa lahat ng kailangan ko.

"Julian? Narito si Amber."

Tumayo ako agad at hinanap si Amber nasa likod siya ni Manang at sinalubong ko siya ng mahigpit kong yakap.

"I'm sorry about last night." sabi niya na nakangiti. \

But I notice her eyes it was still puffy na parang kakatapos lang niyang umiyak?

"What's happened Honey?"

Naupo siya sa upuan at naupo din ako sa harapan niya at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Tell me, Is there something wrong?"

Umiling siya at ngumiti. "I come here to give you this."

Hinubad niya ang sing sing na binigay ko sa kanya kahapon. Nagulat ako. Bakit? and the question actually came out from my mouth.

"Bakit?"

Ngumiti si Amber pero masakit ang ngiting yon. "I love you Julian and--"

"I love you too. You know it very well."

"Yes, I know, you gave your every love you can and I couldn't accept it knowing na-- pinag-isipan ko na ito kagabi pa Julian. Masaya akong kasama ka. You made me happy at nakita kong lahat binigay mo.

"But hindi ako magiging masaya totally, knowing that you are thinking about her while you're with me."

I gave a little sound but no words came out to me.

"I know Julian. I know sinubukan mo. All those years you loved me. At naka-usap ko siya kagabi. Pinili mo ako. Knowing that ako na ang pinaka-masayang babae sa mundo pero hindi ako magiging masaya kung ang lalaking pinakama-mahal ko ay hindi magiging masaya beside me."

Umiiyak na siya. Gusto ko siyang yakapin but she gesture me to stay.

"Umuwi na siya sa pad, Julian. This was the most painful part that I will do to myself Julian. Sana, my effort's not to be waisted. She once told you this and sasabihin ko din sayo."

Tumayo siya. She's crying but she's smiling. "Do the right thing. Pinakawalan mo na siya noon. Don't let her go this time."

Niyakap niya ako at bago siya tuluyang tumakbo palabas ng bahay nilingon niya ako.

"Don't go and look for me. I'll cancel my leave."

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon