Chapter 10

38 3 0
                                    

Hindi nawala sa isip ko ang tungkol sa sinabi ni Dra. Mihjares. Loise's not texting me or even answering my phone calls but I'm making sure na lagi akong nag-iiwan ng message.

Nagpunta ulit ako ng pad niya at pinagluto siya ng Crab Cream Soup. Saturday at dahil pakiramdam ko iniiwasan niya ako, kaya ako na ang pumunta dito kaya lang wala din siya.

Saturday na nga lang kami maraming time para sa isa't isa. Nabanggit ko din sa grupo last weekend na mukhang nagtatampo si Loise.

"Hayaan mo lang siya, kapag na-miss ka non siya ang gagawa ng sorpresa para sayo." sabi ni Kuya Li na katulong ni Kuya Reg sa pagtakid ng mga wire.

"Paula pakikuha nga ng isa pang wire sa may bulsa ng bag!"

Sigaw niya kay Paula na nagbabasa sa may gilid ng mesa. Kami naman ay naghahanda ng mga gamit dahil tutogtog kami. Nilingon ko si Kuya Reg na nagsalita.

"Alam mo bunso, ang mga babae lambingin lang yan ok na. Gusto kasi nila lahat ng oras nasa kanila. Minsan kasi mga kulang yan sa mga pansin eh."

"Paano nga mangyayari yon eh 24/7 ang trabaho niya. Ay bunso alam ko na--" sabi ni Kuya Li na tumayo mula sa may ilalim ng drum.

"--selos si sis kay Ms. Slang."

Napalingon kami ni Kuya Li kay Paula na hinagis ang wire pabagsak sa harap ni Kuya Li at nakatingin sa akin.

Naka-simangot siya at pinulot naman yon ni Kuya Li.

"Problema mo?" tanong niya kay Paula.

Nagsalita naman ako bago pa mapalayo ang usapan.

"Imposible naman yon lagi nga kami magka-away ni Amber eh at isa pa bestfriend lang kami ni Jin bakit may mga selos pa."

Nilingon ko si Kuya Ja-mes na tinotono ang gitara niya.

"Napaka-simple ng problema. Bestfriend, girlfriend, pareho lang yan kung hindi kayo parehong lalaki or babae. Lahat yan dumaraan sa ganyan. Kilala namin si Eloise bunso, bukod sayo eh bunsong kapatid na namin yon eh."

Tumayo siya at lumapit sa akin. Tinapik ako sa balikat.

"Ja-mes, kung tinutulad mo sayo, iba talaga. Maybe Julian and Eloise are bound to be bestfriends, not like you of course gusto mo na talaga si Peige bago kayo maging BFF." sabi pa ni Kuya Reg at binato siya ni Kuya James ng pic at nilingon ako.

"Suyuin mo lang tama si Li, kapag na-miss ka non siya mismo gagawa ng paraan para makita ka. Ang sunod mong lutuin Crab Cream Soup."

"Gusto ko rin non. Ipagluto mo rin ako non huh?" sabi naman ni Paul at ngumiti ako sa kanya.

"Sige kapag may marami na akong time ipagluluto kita."

"Talaga huh? Hindi ko akalimutan yon. Apagluto ta (kita) rin marunong din akong magluto ay." sabi pa niya at nilingon namin si Kuya Li.

"Don ka na nga Paula, don sa malayo, nakakairita ka kasing mag salita tagal mo na dito sa Manila eh. Mag-english kana lang mas ok pa."

Naka-simangot na sabi nito. Hindi ko masisisi si Paula kung hindi siya makatagal kay Kuya Li.

Kanina lang ok naman sila. Tumawa kami ni Kuya James ng binatukan ni Kuya Ellie si Kuya Reg dahil sa sinabi nito.

"Wala ka talaga Ellie eh no? Lika dito Paul wag kang lumayo. Wag mo pansinin yang nagme-menopose na yan. Masahihin mo ko."

"Panay ka pam-bababae eh no. Tigilan mo si Paula."

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon