Chapter 23

34 3 0
                                    

Nagmulat ako ng mata at hindi ito ang clinic sa Academy. Nasa Hospital ako at nakita ko ang isang babaeng nakaputi may sinusulat siya sa clipboard na hawak niya. Pinikit ko ulit ang mata ko.

Teka anong nangyari sa laro? Thirty Seconds at tatlo ang lamang at bigla akong napaupo mula sa pagkakahiga. Ngayon ko lang napansin may oxygen pala ako. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko.

Lumapit sa akin si Amber her face's wet at siguro ay umiiyak siya, malamang diba? She hug me at niyakap ko din siya in return.

Maliwanag na ang mata ko at malinaw na ulit ang lahat. Sa kabilang sofa ng kwarto ng Hospital nakita ko sina Kuya James, Reg at naka-akbay si Kuya Ellie kay Paula.

"Wait, you didn't mention that--"

"Oh yes, I almost forgot. Sila na." sabi ko dahil nakalimutan ko nga naman sabihin na si Kuya Ellie at Paula na.

After that incident at Esmeralda's, nakapag-usap din sila at naging sila din after months and months of waiting.

"Like you always do."

Nakita kong lumapit si Ate Peige at hinaplos sa likod si Amber na hanggang ngayon ay naka-yakap pa din sa akin at umiiyak. Lumapit naman si Kuya Reg at

"Hush now Amber and, would you like to let him go so he can breath more freely."

She let go of me and wipe her eyes and smiling. Naka-akbay si Ate Peige kay Amber at halos sabay na sabay sila ng hawi ng ilang hibla sa buhok at pinaikot yon sa daliri pababa.

May manirism kasi si Ate Peige na ganon. Madalas niya paikutin sa kamay niya ang buhok para lalong pakulutin ang wavy hair niya na napansin ko, ngayon ko lang nakitang ginawa yon ni Amber.

Hindi lang naman ako ang nakakita kundi pati si Kuya James at lahat kami ay tumingin sa dalawa at bago pa magkagulo at may pumuna nakita kong sumilip sa kwarto ang team. Lumabas naman sandali ang banda kasama si Amber at Ate Peige.

Kanya-kanya silang kwento ng nangyari. Kompleto sila. Si Red, Norman, Cholo, Stanley, pati na din si Ajie na may bandage sa braso dahil sa injury niya at ang dalawa pa namin na kasama sina Orly Santos at Paulo Evangelista.

All in all, champion kami at naka-lamang pa kami ng two points.

"Hindi ako nagkamali ng tinuruan." sabi ko at naghifive kami ni Stanley siya ang pumalit sa akin.

"Nag-inarte ka lang yata eh. Pa-oxy-oxygen kapa eh mukhang ang lakas lakas mo ah." biro ni Norman sa akin.

"Kahawa ka lang eh. Buti na lang patapos na ang laban ng si Santos ang mag sab kay Villegas." sabi ni Ajie.

Bago ko pa maitanong kung bakit dahil hindi naman sumasali sa usapan si Red panay lang ang ngiti ay nangulit pa ang iba.

Ilang kulitan at maya maya pa ay nagpaalam na ang team pero nagpaiwan si Red. Bumalik na din ang banda para magpaalam.

"Bunso hindi kita pwedeng pwersahin. Sorry huh? Pero magleave ka muna ng one month. At hindi ka na din muna sasama ngayon sa Marinduque."

"Pero paano ang--" sabi ko.

Ayaw ko naman na pati pagtugtog ay tigilan ko dahil sa lahat ng gusto ko ang banda ang hindi ko pwede ipagpalit.

"Ako na muna ang sasama sa kanila. Uuwi din naman kasi si Eloise. Ang Kuya Ellie mo na muna ang bahala sa iiwan mong instrument."

Uuwi si Eloise? Hindi ko alam kung lalo akong madi-dismaya pero hindi ko na din pinilit. Umalis na sila at lumabas si Red para magyosi.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon