Chapter 32

33 3 0
                                    

The ring was still in my hand. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tayo at naka-tingin lang sa lugar na pinag lahuan ni Amber.

Nanlalambot ako. Wala akong alam na pwedeng pag-sabihan ng sakit na nara-ramdaman ko.

Wala sila Mommy dinalaw nila si Justin sa U.S.. Saan ako pupunta? Is Amber going to be ok? Nanghihina ako. Bakit ba ang dami kong nasaktan?

Bakit ba lahat na lang mali ang nagiging desisyon ko? Napalingon ako kay Manang Dolor na lumabas ng sala.

She maybe wanted to ask why Amber's crying pero wala siyang sinabi, nilapitan niya lang ako at hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak sa kanya.

Isang linggo after ng break up namin ni Amber wala akong ginawa kung hindi sa bahay lang. Nagfile ako ng emergency leave kaya napilitan si Daddy na umuwi na. 

There were times na naka-katulog na lang ako sa dating kwarto ni Amber. Nakikita ko siyang tulog don at naka nganga.

Minsan, kahit naka leave ako nasa labas ako ng Academy. Hindi ba at dito ang matagal na panahon na mag-kasama kaming dalawa? Lagi kaming magka-away.

Naglakad lakad ako papuntang park at nadaanan ko ang seven eleven. Kapag nakikita ko ang lugar na ito, ito ang magpapa-alala sa akin na hindi ako naging mabuting tao.

Dalawang babae ang nasaktan ko.

It was all my fault so why asking how miserable I am?

Nasa park ako at matagal lang akong nakaupo don. Si Amber ang ini-isip ko pero dito ako nagpunta sa lugar na madalas namin puntahan ni Eloise. Na kahit minsan hindi ko dinala si Amber dito dahil ayaw ko i-share ang mga memories namin ni Loise dito sa iba?

Bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ako umalis, doon lang ako, dito lang ako. Kahit bumagyo pa hindi ako aalis dito.

Pero biglang may payong na tumakip sa ulan na nahuhulog sa ulo ko. Tiningala ko yon. Nakatayo si Loise sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Wala, lagi naman ako dito eh. Araw araw ako dito. Kaya ng dumating ako, dito ako agad pumunta, na-miss ko ang lugar na ito eh."

Naupo siya sa basang bench at tumabi sa akin. "Dito ko huling nakasama ang bestfriend ko kaya ako lagi bumabalik dito lalo na kapag malungkot ako."

Tumayo ako at hinila ko siya. Malapit lang ang pad niya dito at hinila ko siya patakbo don. Baka magka-sakit pa siya kung hahayaan ko siyang mabasa ng ulan. Binigyan niya ako ng ilang mga gamit.

Kilala ko ang mga gamit ko. Hindi pa din niya tinapon ang mga yon. Kailan ba ang huli? Sampong taon na pero maayos at malinis pa din ang mga gamit ko.

Hindi amoy taguan at medyo masikip na sa akin. Naka upo ako sa coach habang nagtitimpla siya ng kape. Lumapit siya sa tabi ko at naupo.

Nakangiti niyang inabot ang kape ko. Pero hindi siya nagsalita. Hindi rin naman ako nagsalita. Ang malakas na ulan sa labas ang tanging ingay na naririnig namin.

"I thought, after all this time, you know what you're doing." mahina niyang sabi.

Nilapag ko sa mesa ang mug ko. "What do you mean?"

"Ang sabi ko sayo non gawin mo ang tama. But how could you proposed to her kung hindi ka pa din sigurado sa nararamdaman mo?"

Tumingin siya sa akin. Tiningnan ko siya na parang ngayon ko lang siya nakita. But true. Ibang iba na siya ngayon.

"Hindi ko siya gustong saktan. Kung pwede lang akong-- kung pwede ko lang ibalik sa dati-- I hate myself. Hindi ko alam ang gagawin ko kasi lahat ginawa niya para sa akin."

Tumawa siya ng mahina at uminom sa kape niya. Ngayon ko lang napansin na may creamer ang kape niya.

Para namang nabasa niya ang nasa isip ko at sumagot.

"Maraming pwedeng magbago. Gaya nitong creamer sa kape ko. Gaya ng ngayon? Hindi na ako gaya ng dati, at napansin ko marunong ka na mag appreciate huh? Tama ka. Amber did everything. She let you go kahit na masakit yon para sa kanya."

"Bakit ikaw, ginawa mo din naman yon ah?"

"Iba ang sitwasyon non. It's just months and-- I just thought letting you go was the right thing to do. You loved her that time--"

Hindi ko na siya pinatapos. Alam ba niya ang sinasabi niya? Bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon? Hindi ba dahil hanggang ngayon hindi ko pa din siya maka-limutan?

"You just thought? May pakiramdam kaba?"

Natanong ko kasi parang wala lang sa kanya ang lahat. Mukhang nagbago na nga talaga siya. 

"Of course I have feelings. Nagbago ako pero hindi ang ugali ko."

"Like what?"

Tiningnan niya ako at tumawa. Umiling at nagsalita. This time it's more emotional than before.

"That's a stupid question."

"Hindi yon katan**han. Gusto ko lang malinawan once and for all. Pakiramdam ko kasi wala ng-- hindi kana-- wala ka ng nararamdaman para sa akin, oh minahal mo rin ba ako oh ako lang ang nag-iisip non.

"Matagal ko ng gustong malaman. Kahit minsan ba naging importante ako sayo-- minahal mo ba ako oh ginawa mo lang akong ta***?"

Tinitigan niya ako.

"For you, and believe me I did not want this because I did have good life before--"

Bagkibit balikat siya at kinuha ang throwpillow sa katabi niyang sofa.

"Well, not good but aleast it was ok, without you, I'm ok, empty actually, but atleast I'm aware how miserable I was, miserable after what happened to us after that night." she pause at huminga ng malalim.

"Where is now, because of you, I'm aware that after all this time, I was completely and totally unhappy I am."

Nag-pakawala ako ng isang tawa ng hindi ko alam kung bakit ako tumatawa. This woman was really unbelievable.

U-ulitin ko ulit itanong sa sarili ko ang tanong ko dati kay Red. Bakit ba ang mga babae hindi na lang nila sabihin na gusto nila ang lalaki, para pwede kong sabihin na gusto ko din siya at siya lang.

I pull her and kiss her torridly. Kiss her with all the love I'm feeling right now. The love that's been missing for so long. The love that I will never ever let go again.

At muli kong naramdaman ang malambot, mainit at basang halik na matagal kong hinanap. Ang tamis at nakakauhaw. I kissed her like there's no tommorow.

After a long minute naghiwalay kami. Parehong habol namin ang paghinga.

"I'm sorry--" sabi ko pero hindi ko binibitawan ang kamay niya.

"Wait, you said sorry, meaning you didn't mean that?" tiningnan ko lang si Abby at nagsalita ulit siya.

"But, she was my Mum."

Nangiti ako sa kanya. "Paano mo naman nasabi na siya ang Mommy mo?"

"Well, like what I've said before, I'm not giving comment to both of Amber and Jin, then I told you that I love them both, but you never asked me whom I wanted to be my Mum?"

"Hindi naman kasi ako nagso-sorry dahil sa ginawa ko."

"Then..?"

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon