Chapter 13

32 3 0
                                    

Naramdaman ko ang braso ni Loise coiling to my neck at ang isang kamay ko ay nakahawak na sa bewang niya.

Napalunok ako ng bigla akong humiwalay sa kanya. Nagka-titigan ulit kami. I wanted to say I'm sorry pero bakit?

Para saan ang sorry ko eh gusto ko ang ginawa ko? Masaya ako sa nararamdaman ko. Kapag nag-sorry ako parang sinabi ko na din kay Loise na wala lang yon ginawa ko.

She's my bestfriend at hinding hindi ko siya kayang saktan ng ganon. Isa pa that kiss was something.

Hinawakan ko ang mukha niya ng dalawa kong kamay at hinalikan ko ang noo niya. All I know, na gusto ko pang gawin mula ng makita ko siya ay ang yakapin siya ng matagal.

I hug her at amoy ko ang aroma sa buhok niya.

"I miss you!" I murmur.

"Didn't I tell you that I miss you too?"

Magkayakap lang kami ng ilang minuto. Maya maya nagsalita ako.

"Matulog kana at may pasok pa tayo bukas."

Tumayo naman siya at ngumiti. Akala ko tatalikod na siya pero kinuha niya ang unan niya at ang unan ko.

"Tara, tulog na tayo." sabi niya.

Tumayo naman ako. In the second thought, I stop. Natatakot ako. Baka kung anong magawa ko. Lagot ako sa banda.

Pero sinunod ko ulit ang nauna sa utak ko. Sa kwarto ako ni Loise natulog. Magka-yakap lang kami buong magdamag. Promise natulog lang talaga kami.

***

Titig na titig sa akin si Abby.

"Why are you looking at me like that?"

She laugh. "Nothing. In way of your story, you are so defensive." 

"I know what you're thinking." sabi ko at tumayo.

"Ikukuha muna kita ng meriyenda. It's getting late Abby."

"Ok." at nahiga siya sa kama ko.

Lumabas naman ako para ikuha siya ng sandwich at gatas. Nakita ko si Sticker na mahimbing na natutulog sa higaan niya. Umakyat ako at naabutan ko si Abby. Tulog na.

Tinabi ko ang pagkain sa gilid ng mesa at kinumutan si Abby. Tinabihan ko siya at napapangiti ako.

Reminding me the romance between me and Jin was the most happy thing happened to me. Pero we end up to nothing. Kinabukasan kasi pag gising ko masaya kaming sabay pumasok. I almost text her that I love her. Alam kong mali na isipin kong kami na dahil masiyadong mabilis.

But I'm planning to court her. Araw araw pa kahit kami na. But in the end of the same day. Galing kami ni Red sa library.

Pinaguusapan namin ang birthday ko. At plano niya sa birthday niya sa July, magpapa-party siya sa bahay nila at nakiusap siya na dalhin ko ang buong banda.  

Along the corridor nakita ko si Loise may kasama siya. Malayo pa sila pero mukhang classmate niya ito dahil pareho sila ng uniform na suot.

Ang nakatawag pansin sa akin ay ang lalaki. Naka-akbay siya kay Loise. Binilisan ko ang lakad ko at tahimik namang sumunod sa akin si Red siguro ay alam na niya ang nasa isip ko.

Nang makalapit kami nakita ko si Miguel Salcedo ang kasama niya. Alam kong nagulat si Loise sa pagkakita sa akin at tinanggal niya ang pagkaka-akbay sa kanya ni Migs.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon