Chapter 33

33 3 0
                                    

Nakatingin lang si Eloise sa akin. I'm expecting her to cry pero gaya kanina hindi pa din siya umiiyak. Umiiyak siya non pero madalas kapag sobra lang kaming nag-tampuhan at nag-sorry ako sa kanya at may ginawa akong isang bagay na sobra sa expectations niya.

But most of the time she never let me see she cries. Sabagay kapag umiiyak siya hindi ko alam kung anong pinag-kaiba niya kay Amber, Mommy at Ate Peige pero iba talaga kapag siya ang umiiyak.

"--kung hindi kita hinayaang magpaliwanag non. Ikaw ang unang babaeng minahal ko. Ang akala ko pagkatapos ng nangyari tayo na pero nasaktan ako ng--"

"I know."

Pinutol niya ang sasabihin ko. Tumingin lang ako sa mug na naka-patong sa mesa at nagsalita pa ulit siya.

"I tried to get along. Sinubukan kong makipag-date sa iba't ibang lalaki na hindi ko alam kung ano bang gusto ko. 

"Pero it end up that I'm always looking for you at them, na kahit anong gawin ko lagi ko silang hinahanapan ng ugali na meron ka, na alam ko simula pa lang na hindi mangyayari na makikita kita sa kanila."

Tumayo siya at lumapit sa may malapit na terrace sa pagitan ng sala at pinto ng kwarto niya. Nilipad ng hangin ang mahaba niyang buhok.

"Sabi ko sa sarili ko, you just need time. Kapag handa kana, mapapa-tawad mo din ako."

"Pero hindi ko nagawa. Hindi kita binigyan ng--" sabi ko pero parang hindi niya ako narinig at nagpa-tuloy siya.

"Naghintay ako, masakit makitang, you and Amber getting along with each other. Akala ko nong una hindi mo siya magu-gustuhan dahil lahat ng rules na ayaw mo nasa kanya na. Na, babalikan mo din ako kasi hindi ka mapapa-lagay na hindi tayo nag-uusap gaya ng dati

"Pero mali ulit ako. Nagbago ka, hindi na ikaw yong Julian na masungit, snabero, konting mali mapanita, at hindi na ikaw yon Julian na laging nasa tabi ko kapag umiiyak na ako."

Tumingin ulit ako sa kanya dahil this time I'm expecting na iiyak na siya pero wala pa din. Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas.

"Madalas kana napapalibutan ng mga fans mo and never even try to hide from them. And one thing na napansin ko nag tumugtogtog kayo nila Kuya--"

Naisip ko kung kailan yon pero wala akong maalala na nanood siya ng gig mula ng mag-away kami.

"--hindi na masaya ang mga kanta mo. Wala ng laman lahat ng damdamin mo. Naisip ko siguro pagod na pagod ka lang. Trabaho, school, gig, practice, idagdag mo pa ang schedule mo na finals and championship.

"Madalas ako manood, halos ipa-re-set ko ang schedule ko lagi mapanood lang kita, makita lang kita. Pero madalas nasa gilid lang ako nagtatago na may makakita.

"Then, nakita ko kayo ni Amber sa seven eleven. Brix, the guy you saw with me before your last game? yon ang huli naming pagkikita. He actually asked me why nakikipag-break ako samantalang wala naman kaming problema

"He was confuse of course, kasi sa totoo lang sa lahat ng naging boyfriend ko siya yon down to earth. Loner din kagaya mo, mahilig din umiwas sa mga fans. Sobrang bait pero sinabi ko sa kanya ang tunay na dahilan. Nagkataon na kaibigan niya si Lora?"

Inisip ko kung sino si Brix hinahanap siya ng utak ko at Oo ang modelo na kasama niya sa game at Lora siya ang classmate ko Ancient History na girlfriend ni Stanley Alejandro. 

"Nabanggit niya kay Brix ng nanonood kami na magpo-propose ka nga daw kay Amber. Nang marinig ko yon, agad akong nakapag-desisyon to gave you up. Bakit pa ako aasa na babalikan mo ako eh it's been two years.

"Bakit ko pa hahayaan ang sarili ko na maghintay lagi sa park gabi gabi, hayaan na mabasa ako ng ulan don at umiyak dito sa pad tuwing mag-isa ako kung wala na din pala akong pag-asa na maging ok tayo. Kaya tinanggap ko ang offer sa akin sa Canberra.

"Hindi na din kita nilapitan sa Hospital kasi natatakot akong magbago pa ang isip ko."

Humarap siya ulit sa akin habang naka cross arm na naka-sandal sa gilid ng pinto.

"Wala akong pinag-sabihan na aalis ako. That's why I spent my last two weeks with my family. Hindi na din ako tumanggap pa ng contract sa mga modeling ko. Nang huli natin pag-uusap, don pa lang ako nag-paalam at bumalik ako ng Manila para sa flight ko din ng araw na yon.

"Hindi naging madali ang buhay ko don. There were times that I miss you so much. I did tried not to asked about you to Kuya and the band, though they've giving me so much information.

"Bumalik ako kasi sabi ko, hindi pwedeng lagi na lang akong magtatago sa malayo. Kailangan kitang harapin para tuluyan na kitang maka-limutan. I saw you at the mall at naka-sabay ko din sa flight ko non si Amber hindi niya lang ako napansin.

"Then she called me the night na dumating ako at sinabi niyang she have to talk to me. Nagkita kami sa seven eleven at sinabi niyang iiwan kana niya."

Hinintay ko pa ang sasabihin niya pero tumigil na siya don. Hindi ko alam kung ano pang kulang sa paliwanag niya. Hindi ko din alam ang sasabihin ko.

Sana, kaya ni Amber. Iyakin siya pero alam kong matapang siya. Tumayo ako mula sa pagka-kaupo ko at nilapitan ko si Loise. I hug her.

Magka-yakap lang kami habang para kaming sumasayaw. Malakas pa din ang ulan sa labas at ang kurtina sa may terrace ay nililipad ng malakas na hangin. Sa pagkakataong ito sa palagay ko ako naman ang dapat magpaliwanag.

Yakap ko lang siya at ayaw ko siyang mawala pa sa akin.

"Patawarin mo ako. Nasaktan ako sa nakita ko kaya nilayo ko ang sarili ko. Pilit kong kinalimutan ang lahat ng meron ako dahil galit ako pero hindi pala sapat na mag-patawad lang.

"Ikaw lang ang una at huli kong babaeng minahal. Mahal ko si Amber dahil naging mabuti siya sa akin pero hindi ko akalain na kahit hindi ako nagsasalita at kahit ibigay ko ang lahat mararamdaman niyang iniisip at naaalala pa rin kita." huminga ako ng malalim.

"Jin, ayaw ko ng mawala ka pa ulit. Please marry me." sabi ko na hindi inaalis ang pagkaka-yakap ko sa kanya. Siya naman ay ganon din.

"Have you seen the movie Mr. and Mrs. Smith?" sabi niya at medyo kumunot ang noo ko.

Of course. Sinong hindi maaalala ang movie na yon eh yon ang movie na pina-panoond namin dito mismo sa bahay na ito.

"What's the connection of that in getting married?" tanong ko sa kanya.

Medyo lumayo siya sa akin para makita niya ang mukha ko. Nakangiti siya sa akin.

"I don't want to be like that." sabi niya na halos bulong at sapat para marinig ko.

"It wont be like that."

"We can't be together. We never knew each other. Maraming nagbago and after all this time we really never known each other."

"But they'd learned to get along with each other."

"And what if we don't? We're bestfriend but we never leaned to get along with each other."

"We're not even trying and you--"

"Try. And if we've end into nothing?"

Hindi kami nag-aaway kundi nagpa-palitan lang kami ng usapan na hindi namin alam kung importante pa ba ang pinagu-usapan namin.

Nagbu-bulungan at nakatitig lang kami sa isa't isa habang magka-yakap. I pull and bend her.

"Fine..."

and I kiss her slowly and passionately. We gasp for breath pero hindi kami humiwalay sa isa't isa.

My hand was running into her body and she slowly dragging me to her room. There we shared our moments with love.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon