Chapter 9

38 3 0
                                    

Maaga akong gumising. Nilinis ko ang sasakyang gamit ko. Yon ang service namin ni Amber ang Innova, ang panira sa image ko.

Paano kasi carnation pink ang kulay. Kulang na lang mag drawing don ng Hello Kitty. Pagkatapos ko ay kumain na ako ng umagahan at naligo.

Ihahatid ko si Amber at nine o'clock pa ang schedule niya. Naalala ko naman na wala ring pasok si Loise kaya naisip kong tawagan.

Jin Dial...

dial...

dial...

Nakakailang dial na ako hindi niya sinasagot ang phone niya ano kayang nangyari don. Isang buwan ko na din siyang hindi nakikita or kahit reply sa text at tawag ko wala.

Pumasok ako sa kwarto ni Amber at siguro ay nasa shower pa siya dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig.

Kinuha ko ang mga gamit niya. Her room was a mess, hindi 'ata niya kayang ayusin manlang ang higaan bago umalis.

Lumabas na ako at bumaba. Ilang saglit pa at bumaba na siya. Narinig ko na tinatawag siya ni Nanay Margaret ang yaya niya.

Mukhang hindi pa nagu-umagahan ang brat na ito. Ngumiti siya sa akin at sabi niya. "Daan tayo sa Jollibee drive tru huh?" 

Nagkibit balikat naman ako at nag order siya. Fries, Mango Pie at Sundae.

"Ang aga aga kumakain ka ng Ice cream."

Tumingin siya sa akin habang kinukuha niya ang fries.

"Yes, I love Ice cream but who told you that I'm eating this?" sabi pa niya at nilingon ko siya sandali.

She dip the fries to the Ice cream. Napailing ako.

Pagkahatid ko sa kanya plano kong dumiretso sa pad ni Loise masiyado na akong maraming utang sa kanya. 

Pero bago yon ay dumaan muna ako sa grocery para bumili ng iluluto. Nang makabili na ako hindi ko sinasadyang makita sa grocery si Angelie.

Hindi ko siya pinansin dahil hindi naman niya ako kilala pero nagulat ako ng binati niya ako.

"Hi! You're Peige's friend right?" she stop at ngumiti siya sa akin.

"Oo. Er-- Kumusta?"

"Never better, I guess."

Wala naman akong maisip na pwedeng pag-usapan kaya naman si Derrek ang naisip ko.

"Er-- Kumusta nga pala si Erick?"

"Oh--" sabi niya na medyo lumungkot ang hitsura niya.

"--his getting worse but his fine. Actually-- his Ahm, his ready." her voice broke pero ngumiti siya. "Anyway I have to go." sabi pa niya.

"Oh, go ahead."  sabi ko at nawala na siya sa harap ko.

Dumiretso na ako sa pad. Pinagluto ko si Loise ng mac and cheese. I usually put bacon and ham. I oven it at ilang minuto akong tumigil muna.

One o'clock P.M. pa ang schedule ko kay Dra. Beth at isang oras pa yon. Kinakabahan talaga ako. Sana lang maging ok ang lahat. 

Bago ako umalis nag iwan ako ng note sa mesa ni Loise baka kasi hindi niya alam na iniwan ko sa naka off na oven ang mac and cheese na ginawa ko.

'I'm sorry if it takes weeks before I made my promise. Sana magustuhan mo. Miss na kita Jin.'

Nasa Hospital na ako at hinihintay ko na lang ang result ng mga laboratory na ginawa sa akin.

Maya maya pa pumasok na ng office niya si Dra. Beth.

"Mr. Cruz? I suggest you to under go ECG?"

Nagulat naman ako. Hindi ko binanggit sa kanya ang sakit ko. Sa totoo lang kasi ang importante lang naman sa medical na kailangan ko ay kung nag da-drugs ba ako, nag-iinom at nag smoke. Well if I'm fit.

"Bakit po may problema po ba?"

Nakita ko sa mukha niya ang medyo pagkagulat. Naupo siya at maya maya ay nagsalita ulit

"Do you feel sometimes of shortness of breath, Palpitations, faster heartbeat, weakness or dizziness, nausea, sweating--"

Tinitingnan niya akong mabuti. Teka simple laboratory lang naman ang ginawa sa akin? Hindi nakikita ang sakit ko not unless--

Nagsalita ulit siya.

"I know your father. Ako ang nag-assist sa pag anak ng mother mo at alam ko ang sakit mo. That day kasi dalawa silang pasiyenteng pina-anak ng araw na yon."

Nagulat ako at nagpatuloy pa ulit siya.

"I'm sorry to say but this sport you are intending to enter into will not fit into your heart condition."

"Doctora baka naman po pu-pwedeng--"

"Julian, kaya ng katawan mo. Physicaly fit ka naman at kaya mo talagang maglaro kaya lang ang inaalala ko, baka ito ang maging sanhi ng kapahamakan mo."

"Please po--"

"I know hindi makikita sa result na ito ang sakit mo not unless you under go ECG pero Julian I'm saying this.. wala akong pananagutan sa lahat ng ito. You must sign this waiver for liability."

Binasa ko yon. Kailangan kong gawin 'to para makapasok sa Varsity. I did sign the waiver. Sasabay ako kay Red sa pagpasa nito.

Matapos ko mag pasalamat ay tumayo na ako. Nilingon ko si Dra. Mihjares ng magsalita siya.

"I suggest you take aspirin if ever na makaramdam ka ng sakit. Aspirin reduces the risk of heart attack in people with known coronary artery disease, CAD, like yours. It is also lowers the risk of having symptoms for people who have a higher risk for the disease." sabi pa niya habang tinatabi ang folder na pinirmahan ko.

Nagsalita pa siya. "Hindi ko akalain na lalaki ka ng kamukha ng father mo."

"Kilala niyo po ang Tatay ko?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Nabanggit sa akin ni Nanay noon na namatay daw ang Nanay ko sa panga-nganak sa akin kaya naman napunta ako sa kanila pero hindi ko akalain na may Tatay pala ako.

Buong buhay ko kasi wala akong narinig na tungkol sa kanya at hindi na din ako nagtanong dahil sapat na ang magulang na meron ako.

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Doctora. Siguro ay nabigla lang siya na sabihin yon. Not intended to.

"Ahm, what I mean is, I've seen your Mum and wala kang nakuha sa kanya."

Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya pero hindi na ako nagtanong. Pagbalik ko sa Academy para hintayin si Amber hindi naalis sa akin ang sinabi ni Dra. Mihjares.

Ano kaya ang alam niya tungkol sa magulang ko. Kahit minsan hindi ako nagtanong ng tungkol sa kanila.

My Mum died giving me birth and end of my story. Binigay lang daw kasi ako ng Doctor na nagpa-anak sa kanya.

Wait, 'I know your father. Ako ang nag-assist sa pag anak ng mother mo at alam ko ang sakit mo. That day kasi dalawa silang pasiyenteng pina-anak ng araw na yon.' siya ang doctor na nag-pamigay sa akin. Tama.

Pero sinong father ko ang kilala niya. Is she meant Tatay or my real father? Grabe masiyadong gumugulo ang utak ko.

Kailangan kong malaman kung sino ang Doctor na nagpa-anak sa Nanay ko para malaman ko kung kilala din niya ang Tatay ko gaya ni Dra. Beth.

Bakit ba ang daming dumarating na isipin sa akin? Bakit ngayon pa? and to think, private ang Hospital na yon. Kaya ba ng magulang ko, ng tunay kong magulang ang magpa-anak don?

I shake my head. No matter I don't care. This is so unnerving. Hindi ko kaya alamin dahil ngayon pa lang shock na ang nakikita ko. 

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon