Chapter 27

29 3 0
                                    

Niyakap ko si Amber. Paano ko sasabihin sa kanya na baka hindi na kami magtagal pa, at malaman niya na minsan sa buhay ko minahal ko ang pinsan niya?

Mahal ko si Amber. Kahit minsan hindi ko pa ginawa ang lahat ng ito sa isang babae kahit kay Loise. Pero bakit ba pakiramdam ko hindi pa din ako makalaya sa damdamin kong para kay Loise.

Masiyado niya akong sinaktan pero ayaw kong masaktan si Amber. Mahal ko siya para paiyakin. Isa pa ayaw ko ng babaeng iyakin. Hindi si Ate Peige alam kong mahirap ang pinagdaanan niya pero ayaw ko na nakakakita ng babaeng umiiyak.

Paano ko ipa-paliwanag na magbabago ang lahat sa isang iglap lang. Ayaw kong masaktan si Amber. Oo, si Loise hindi pa nawawala pero si Amber ang pinili ko at si Amber ang babaeng narito, nandiyan lagi sa tabi ko.

Tiningala niya ako.

"There's something that bothers you. What is it?" sabi niya at humiwalay siya sa akin. "Or should I say, Who is it?"

Seryoso ang mukha niya at kita ko ang sakit na nasa mata niya. Hindi ko man sabihin alam niya ang nasa isip ko.

"I love you." yon lang ang nasabi ko. Niyakap ko ulit siya.

"I know." she murmured.

Sabay buhos ng isang malakas ng ulan. She pull me para ayain akong tumakbo pero hindi ko siya pinakawalan.

"Dito lang tayo, yakapin mo lang ako."

Naramdaman ko ang pagtigil niya sa pag-pumiglas at naramdaman ko ang yakap niya. At kasabay ng malakas na ulan na bumabagsak sa mukha ko ay kasabay ng luha ko.

Bakit ba ako nasasaktan? Si Amber ang pinili ko at mahal ko. Masaya ako na siya ang kasama ko ngayon at alam ko at tanggap ko na, na hindi kami ni Loise pero bakit ang sakit sakit kapag nararamdaman ko ang pagmamahal ni Amber?

The more she's loving me the more it hurts. I hug her more tightly and securely. And I feel her shaking and sobbing. What did I do? Nasasaktan ko na ba siya? Nabasa niya ba ang nasa isip ko?

Inilayo ko siya at pinunas ang luha at ulan sa mukha niya.

"I'm sorry."

Umiling siya. "I'm hurting you."

Umiling ako. "No. You're not. I love you Amber at gusto ko lagi ka lang masaya."

I planted her a kiss, one, two, three, "I love you!"

Hinawakan ko ang mukha niya ng dalawa kong palad.

"Kung pwede lang hindi umikot ang oras. Gusto ko nandito lang tayo, mamahalin mo lang ako at mamahalin lang kita."

Niyakap pa niya ako ng mas mahigpit pa sa yakap niya kanina. Kasabay ng mga hikbi ni Amber at ang patuloy na luhang nalalaglag mula sa aking mata.

Hindi ko alam kung handa na ako. Pero kailangan kong maging handa at matapang para sa babaeng nakayakap sa akin ngayon.

"Why are you crying?"

Nilapitan ko si Abby at pinahid ang luhang pumatak sa mata niya.

"I think I like Amber na."

Tumawa ako ng mahina. "Why?"

"She loves you and I can feel you love her but there is something na you can't predict. I can't guess it too."

"Yeah! I love Amber. Masaya akong nakasama siya. She's one of the best person I ever met."

Basang basa kaming sumakay sa sasakyan. Masama yata ang panahon at halos hindi ko na makita ang daan. Hindi na ako tumuloy sa Alabang at sa apartment na lang ako dumiretso.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon