Chapter 14

30 3 0
                                    

Maaga akong nagising. Inihanda ko na ang gamit ko at lumipat ako sa kwarto ni Abigail. Maaga pa at tulog pa siya.

Naligo na ako pagkatapos at ginising ko na si Abby para siya naman ang maka paligo.

"Diyan siya natulog?" tanong ni Manang Dolor dahil papaliguan na niya si Abby.

"Opo eh. Sige po kayo na ang bahala, bababa na ako sa kitchen."

Bumaba na ako para ipaghanda ng baon si Abby. Naghanda na din ako ng breakfast para sa amin. Naluto na yon ni Manang at inilipat ko na lang sa plato.

Ilang saglit pa naka ngiting bumaba si Abby. Lumapit siya sa akin to kiss me good morning.

"Good Morning Julian." sabi niya at naupo na para kumain.

Natapos ang umagahan at ihahatid ko na siya sa school niya.

"Oh, hintayin mo ako mamaya huh? Sa play ground lang kita pupuntahan." sabi ko sa kanya ng makapasok ang sasakyan ko sa school nila.

Sa EMAP nag-aaral si Abby not like me. Ang Mitchel kasi Colleges lang.

"Hope you pick me up early, I'll asked teacher Ada if we can make my homeworks na in my tutorial period so you can continue your story."

She smiled at me at humalik na siya sa akin bago bumaba. "See you later Julian."

"Yeah. Enjoy your day Sweety. I love you!"

"I love you too."

Sigaw niya na hindi lumingon. Inabot niya sa isang staff ng school ang bag niya at saka pa lang ulit tumingin sa akin at kumaway.

Dumiretso naman ako sa Academy at sinalubong ako ng maraming trabaho. May floor plan na para sa Foundation.

Kompleto na din ang twenty candidates for Mr. and Ms. Mitchellian. May nakita na din ako sa list na pinasa sa akin na mga programs na hinanda ng bawat Department.

Hindi naman namin ito basta ginagawa ng kami lang marami kaming katulong oh sabihin na natin na lahat ng students ay may participation.

For examples: Nursing students prepare the clinic for ramdom accident or simpleng over fatigue.

H.R.M. sila ang nakatoka para sa catering, Architectural para sa stage na gagamitin additional na ang mga gagawa ng stage play.

Ang mga Journalism may project sila na gawan ng news at the same time magazine ang magaganap na activity.

May mga kanya-kanya silang toka at lahat sila sa nakikita ko ay nagpaparticipate ng maayos.

Isang buong linggo magaganap ito kasama na ang Acquaintance Party na magaganap sa last night ng activity-ng ito. 

Ok na lahat at pinirmahan ko na ang request for budget na gagamitin. It was just like the old times when I was in my second year.

***

My last couple of months in my first year was a disaster. Gaya nga ng sabi ni Red sa akin habang nagpapalit kami ng damit sa locker.

"Dude, hayaan mo na. Just remember your three D's. You said you'll keep distance because she's just so Disappointed, Devastated and Disaster. Isa pa, that was really awkward for both of you if you both stay in one place. Dude, mind you, don't go get even to Salcedo now. Makakasira yan sa laro natin." sabi niya na tinatali ang sintas ng sapatos niya.

"Gusto kong basagin ang mukha niya." sabi ko at tumayo si Red.

"Tara na. It's not Salcedo's fault na siya ang boyfriend ni Eloise. It's your bestfriend's choice ok. Though I admit his just as jerk as the other. Kung pwede nga lang patalsikin siya sa team eh. Mas may K pa si Alejandro. Bilis matuto sayo." sabi pa niya.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon