Chapter 29

34 3 0
                                    

Hindi ako bumangon para kumain. Hindi ko din namalayan na naka-tulog na pala ako at halos hapon na ako nagising.

Minulat ko ang mata ko at hindi ako bumangon agad for a moment para akong bata na inisip ko na panaginip lang ang lahat ng nangyari pero hindi.

Hanggang ngayon ay masakit pa din. May katok akong narinig at sinabi ko na 'pasok'.

Sumilip don si Kuya Ellie at pumasok. Nakangiti siya sa akin at naupo sa kama ni Kuya James na katapat ng kama ni Kuya Reg na naka-tulugan ko.

Naupo ako ng maayos paharap sa kanya.

"Kumusta?" sabi sa akin ni Kuya Ellie.

Alam kong gusto niya akong tanungin kung bakit ako narito pero hindi niya ako diniretso.

"Ok lang--"

"Hindi halata." sabi niya na ngumiti pa ulit.

"Alam ko kung bakit ka narito. Tumawag si Peige sa akin at nagulat ako sa mga sinabi niya." tumungo ako.

Ayaw ko ng marinig pa. Ayaw ko ng ulit ulitin ang buong katotohanan. Pero hindi ko din maiwasang magtanong.

"Nabanggit ba niya si Amber? Ok lang daw ba si Amber?"

Matagal bago ako sinagot ni Kuya Ellie. "Ok lang siya. Sinundo na siya ng kapatid niya kina Piege." tama ako na don didiretso si Amber. Nagsalita pa ulit si Kuya Li.

"Didn't realize Ms. Slang's happen to be my youngest cousin but I was more shock was in your story."

Hindi nagtagal si Kuya Ellie sa kwarto ko. Tumayo siya at tinapik ako sa balikat.

"You are most welcome to this place as long time you want Julian. This is your home too. Our. Take alot of time keeping yourself alone as long as you want. Just make sure you eat."

Tiningnan ko siya at nakatingin siya ay sa pagkain na hindi ko nagalaw. At bago siya lumabas.

"And when your most ready, I think this time put down your ego. You need your bestfriend. She's just right beside my room."

Muntik ko na makalimutan na umuwi rin nga pala si Loise. Nahiga ulit ako. Lumabas lang ako ng kwarto para pumunta sa resort at ipaalam kina Tita Daisy na narito ako sa Resort nila.

Pero after non bumalik din ako agad sa kwarto. Gusto ko mapag isa. Hindi ako bumababa para kumakain.

Matiyaga naman akong dalhan ni Maricris at ang huli niyang hatid ng pagkain sa akin ay binanggit ko yon para magpa-salamat.

Ang ilang araw ay naging linggo at naka ilang beses na din akong tumawag sa Tatay ko. Wala akong mapag-labasan ng sama ng loob sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kung sana ay narito pa ang Nanay ko, sana may yumayakap sa akin para ipaliwanag na everything will be ok.

Matanda na ang Tatay ko at hindi ko siya pinayagang lumuwas ng Manila para lang puntahan ako.

Binilin ko na siya sa mga Tita ko na kapatid ng Nanay ko. Naisip kong lumabas muna sa tabing dagat ng mga bandang eleven ng gabi. Wala ng tao sa resort masiyado non kaya mas malaya akong mapag isa.

Hindi pinapayagan ng gaurd na lumapit ang kahit sino sa tabing dagat ng ganong oras kaya nakaupo lang ako sa may puno ng niyog na tina-tambayan namin.

Nakaupo ako don at naka-patong ang baba ko sa dalawang kamay ko na naka-patong naman sa tuhod ko.

Nakatitig ako sa bonfire na ginawa ko. Sumasayaw ang apoy sa saliw ng hangin. Orange ang kulay nito at may ilang halong asul sa paligid nito.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon