Chapter 24

32 3 0
                                    

After a week lumabas na ako ng Hospital at naka tatlong beses akong dinalaw ng mga Evans. They persuaded Amber na sa kanila na kami umuwi para mas maalagaan ako.

"You can't let him stay in his apartment all alone with you. You can't cook or do anything and Julian's here need to take a lot of resting." sabi pa ni Justin.

Sumang-ayon naman ang mag-asawa at napilitan na din si Amber. Sabi niya sa akin ng last night ko sa Hospital tanggap na daw niya na ampon siya at ang priority niya is to find her real family.

Mas mahaba na ang oras namin ni Amber sa isa't isa wala na kasi akong mga practice. Madalas na din tumambay si Amber kasama ko at ni Red sa library.

"What do you think my real parent's would be?"

she murmured while me and Red making our Theory Report in 'Archaeological Theory'. I stop scratching to my notes and lean onto her.

"I'm sure mabait sila at mahal ka nila. They reckon you have heart failure right kaya sila napilitan ipa-ampon ka."

Matagal bago nagsalita si Amber. Pinapaikot-ikot niya ang ballpen niya sa kamay niya at sabi

"Yeah! You have point there. But who do you think is the real Amber?"

I knock the tip of my pen on the table and said.

"Into that, I don't know pero alam kong may tinatago si Dra. Beth."

"Will you stop that?" madiing sabi ni Red pero pabulong at tinigil ko naman ang pagtoktok ko sa mesa.

"Oh, sorry--" nilingon ko ulit si Amber

"Do you have any schedule after your English class?"

"Wala, why?"

"Plano kong puntahan ang Doctor na yon para magmasid."

"What? But--"

"Malakas talaga ang kutob ko sa Doctora na yon."

'SSSuuussssshhhhh!!!!'

Napalingon kami sa likuran at masiyado na pala malakas ang usapan namin ni Amber sa loob ng Library. Natapos ang klase namin ni Amber at nagpunta nga kami sa Hospital.

Alam ko ang office ng Doctor at nasa may labas siya ng pinto, may kausap sa cell phone.

"Nagi-imbestiga na si Antonin, anong gagawin ko, mawawalan ako ng lisensiya kapag nagkataon?"

Nagkatinginan kami ni Amber. Bahagyang tumigil sa pagsalita ang Doctor ng may dumaang isang nurse. Umikot siya patalikod kaya mas malaya kami ni Amber na pagmasdan siya.

"Kinausap ko na ang pamilya ng ampon ni Antonin at hindi ko na pwedeng banggain si Efren Morales, malakas ang kapit niya sa mga Hidalgo."

Efren Morales? Parang narinig ko na ang pangalan na yon, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya narinig or baka nabasa.

At sa palagay ko ay ang Hidalgo na tinutukoy ni Dra. Mijhares ay ang may ari ng HGC. Sila lang naman ang kilala at may impluwensiyang Hidalgo na kilala ko.

So ibig sabihin ang Efren Morales na yon ay may kinalaman din sa pagkaka ampon kay Amber? Hindi kaya siya ang nagpa-anak kay Amber? or sa amin, pwede rin. Or pwedeng siya ang tunay na magulang ni Amber.

Napatingin ako kay Amber at wala akong nabasang mga hinala or naintindihan niyang impormasyon sa lahat ng narinig niya.

Isang matangkad na babaeng naka high heels ang dumaan sa may samin at tumingin na nakataas ang kilay.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon