Chapter 19

34 3 0
                                    

Hinarap ko siya at tiningnan.

"Oo. Well, no, according to you." sabi ko.

Binaba ko ang gamit ko sa isang malapit na upuan katabi ng mesa.

"Ano bang ine-expect mo Amber? Malaking bahay? Mahirap lang ako. Kung gusto mo umuwi kana."

Dahan dahan naman siyang pumasok sa loob at sinilip ang kwarto. Inunahan ko na siya.

"Isa lang ang kwarto dito wag kang mag-alala dito ako matutulog sa labas."

"No." she mumble like I almost didn't hear what she said. "I don't want to sleep alone in your room. You can provide sleeping bag beside that bed."

Tinuro niya sa kama ko and I roll my eyes nagsimula na akong magpa-apoy ng lutuan. Uling lang ang gamit ko. Si Amber nasa kwarto na.

Iniisip ko siya. Ayaw kong maging matigas sa kanya pero ayaw ko din naman na maging mahina siya lalo na sa ganitong sitwasyon. Maldita si Amber pero hindi siya kagaya ni Loise.

Si Loise kasi malakas ang loob. Napailing naman ako sa naisip ko. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-kumpara tuwing may mga bagay na pwedeng pag-kumparahin.

Umuubo si Amber na lumabas ng kwarto.

"What was that? Is there a fire?"

"Wala lumabas ka muna ng pinto mausok talaga kapag uling ang gamit."

Lumabas naman siya, hindi siya pwedeng mag-complain kasi babarahin at babarahin ko lang siya hanggang matuto siyang makisama.

Pritong itlog at talong lang ang niluto ko. Yon lang kasi ang meron sa tindahan ni Aling Amparo.

"What are this?"

Sinasabi ko na nga ba. She will complain.

"Pagkain." sabi ko ng makatapos akong maligo naghain na ako at kumain.

Nakataas ang isa kong paa sa bangko at naka-kamay ako. Na-miss ko 'to. She looked at the food with deep disgust.

"Kung ayaw mong kumain sige. Mamaya tingnan ko lang kung hindi ka magutom. Wag mo ko gigisingin huh?"

Napilitan din siyang kumain. Pagkatapos ay naghugas ako ng plato.

"I'll take a shower." she announced.

Hindi naman ako nagsalita. Binuksan ko ang gripo sa banyo at lumabas na siya.

"Stand by ok. Don't leave while I'm taking a shower. But don't you there do anything wrong."

Napailing ako. Like gusto ko naman siyang silipan at pumasok na siya at nilusot niya ang ulo niya sa naka-awang na pinto.

"The water's cold is there any heater?"

"Heater-in mo mukha mo. Nakita mo diba kahit gas stove wala ako hahanapan mo ko ng heater, kung gusto mo ng mainit na tubig magpa-apoy ka at mag-init muna ng tubig."

Pinagtaasan niya ako ng kilay at pumasok na sa banyo.

***

Nakahiga ako sa malamig at matigas na semento ng bahay ko. Tatlong araw na ang lumipas simula ng dumating kami dito. Masakit na ang katawan ko at tatlong araw na din akong hindi nakaka pasok.

Ayaw naman pumasok ni Amber, hindi ko naman siya pwedeng iwan sa ganitong klaseng lugar.

Bahala na si Sir Antonin gumawa ng paraan para ipaliwanag ang lahat. Araw araw din ang tawag ni Red sa akin and he complained.

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon