Chapter 7

52 3 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon kasi ang punta ko sa Alabang. Pupunta ako sa mga Evans ngayon ko kasi malalaman kung anong trabaho ang ibibigay ni Mr. Evans sa akin.  

Nasa bus na ako at text ng text si Loise wala lang naman, message lang. Nasa pictorial siya ngayon kaya ayaw ko siya abalahin.

May gig kami mamaya sa Cowboy Grills kaya kailangan ko umaga baka mamaya hindi pala ganon kadali ang ibibigay sa akin na trabaho at makasira sa schedule ko.

Isa pa yan, sa pinagma-maktol ni Loise she wanted to watch kaya lang may mga schedule siya hanggang mamayang nine o'clock P.M.

Sa wakas narito na ako. Tiningala ko ang mataas nilang gate bago ako nag doorbell. Madalas akong magsuot ng sombrero. Kahit sa mga gig namin pero ngayon naka bonet lang ako.

Dumiretso na ako sa office ni Mr. Evans. Malinis ang office niya simple lang palibot yon ng bookshelf at doon lang ako nakatingin.

Ang sarap siguro magtambay dito. Napatingin ako ay sa isang libro na may title 'My Autobiography' ang author, A. Evans. Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Please sit down."

Agad naman akong naupo at inalis ko ang bonet ko. Tinanggal ko din ang bag sa likod ko at inayos ang buhok ko.

"Good morning Professor Evans."

"Sir Antonin, kapag wala tayo sa school Julian."

Ngumiti siya sa akin at nagsalita ulit. "I see you're enjoying your first week? I've seen your schedules at mukhang hindi naman ako mahihirapan. Kung sakaling mapasama ka sa Varsity, one hour of training every afternoon and Thursday-- which I know wala kang pasok, is enough. Tama lang sa schedule ni Amber."

Medyo nagtaka ako kung bakit napasama ang schedule ni Amber pero bago ko pa maitanong na ayaw ko talaga gawin ay nagsalita ulit siya.

"Four ang out mo sa last subject mo and Amber is six, so may two hours ka para gawin ang training. I pressume you have any idea what will be your job?"

"Er--" umiling ako.

"Oh, I'm sorry, you will be Amber's Body Gaurd 24/7 kung maaari, and--"

"But sir--"

Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko ng biglang may pumasok ng walang katok-katok. Lumapit ito kay Mr. Evans at humalik

"Hey, you wish to see me?" sabay tingin sa akin.

She cross her arm. Uh-oh! I guess I already knew what 'something' about her na hindi ko makita agad. My rule No. 10.

"I assume you know Julian?"

"Yeah! His the one giving authographs at school and hanging around with that 'Looser'."

I bit my lower lip. How can I exactly deal with this kind of girl na alam ko naman sa sarili ko na iniiwasan ko talaga ang mga tulad niya.

"Amber?--" sabi ni Mr. Evans.

Sa palagay ko lang naman mukhang hindi naman tulad ni Mr. Evans ang sinusunod ni Amber. Nagpatuloy ito sa pagsalita.

"--Sit down sweetheart." sabi pa ni Mr. Evans sa anak niya. Naupo naman si Amber sa malapit na sofa.

"He will be your driver, Body Gaurd 24/7 so I'm looking forward that you are not messing it up. And you'll behave yourself."

Miss PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon