CHAPTER 45: The Gift [EDITED]

42K 742 27
                                    


MILES


"Mine, you're kidding, right?" sambit ni Nate makalipas ang ilang minutong katahimikan.


Seeing his stunned face right now, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nate, how I wish I'm just kidding, I muttered to myself.


I miss him so bad. Nang makita ko siya kanina habang nakaupo at nakatingala sa kalangitan, pinigilan ko ang sarili kong takbuhin siya at yakapin nang mahigpit. Dahil oras na gawin ko iyon, hindi ko na magagawa ang dapat kong gawin. Kinakailangan kong isipin ang makakabuti saming dalawa. Ayokong magpaka-selfish dahil lang sa pagmamahal ko sa kanya.


"Biro lang 'yang sinabi mo, di ba? Sasabihin mo sakin na na-wow mali mo ko," muling sabi niya saka pilit na ngumiti. "Sige na. Sabihin mo na yun. Nakita mo naman ang reaction ko, di ba? Muntik mo na kong mapaniwala sa joke mong 'yan."


"I'm not kidding. I'm serious. Definitely serious," mariing pahayag ko.


Pilit siyang tumawa. "No, Mine. You've got to be kidding me. Itigil mo na ang pagbibiro mo, okay? Hindi na nakakatuwa. If it's your way of saying sorry to me dahil iniiwasan mo ko nitong mga nakaraang araw, then fine. I'm already forgiving you. Hindi ako nagagalit sayo." Based on his reaction, para bang hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang mga sinasabi ko.


"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Nate. Kung magbibiro man ako, hindi tungkol dito. I'm breaking up with you. Wala nang patutunguhan ang relasyon natin kaya itigil na natin 'to."


Ilang minuto rin siyang tulala lang at hindi nagsalita. Few minutes later, "H-hindi 'yan totoo, Mine. H-hindi ko kayang tanggapin 'yan," naiiling na pahayag niya. "B-bakit? G-galit ka ba sakin? S-sobrang galit ka ba para magdesisyon na makipaghiwalay sakin? May nagawa ba ako na hindi mo ko kayang patawarin? S-sabihin mo sakin. Hihingi ako ng tawad sayo. H-huwag ganito. A-ayusin natin 'to, Mine," dagdag pa niya.


Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga at lakas-loob na sinalubong ang mga mata niya. Ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kaseryosong makipaghiwalay sa kanya. Kahit nahihirapan at nanghihina na ko dahil sa hitsura niya, kinakailangan ko pa ring magpakatatag. Hindi ako pwedeng bumigay ngayon. "Hindi pa ba malinaw sayo, Nate? Ayoko na. Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa ang relasyon natin. Tapusin na natin 'to ngayon."


"Imposible. Ang saya-saya mo noong last monthsary natin. Ang sweet mo no'n at tinawag mo pa ko sa endearment na gusto kong itawag mo sakin. Tapos, sasabihin mo sakin na ayaw mo na? Na hindi mo na kayang makipagrelasyon sakin?"


"Nagpapaalam na ko sayo no'n. At pinilit kong maging masaya nang araw na 'yon."


"No. Hindi ako naniniwala sayo," mariing pahayag niya habang umiiling-iling pa. "Anong dahilan mo? Sabihin mo sakin ang totoong dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sakin," dugtong niya.


Napapikit ako at naikuyom ang mga kamay. Akala ko, sabihin ko lang na ayoko na at gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya ay wala nang tanong-tanong pa. Pero, hindi ko akalain na magiging ganito pala kahirap sa amin ang lahat. "Totoong dahilan? Simple lang. Hindi kita mahal."

Miss Number 1 in My Heart (EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon