CHAPTER 54 (ang muling pagkikita)

279 6 0
                                    

Isang sulat ang iniwan ni Jessica sa kanya, mula ng iwan siya nito kasama ang Ninang Jessie niya at ni Tito David walang araw at gabing binabasa niya ang nilalaman ng sulat umaasa siyang isang araw babalik si Jessica sa piling niya

Bryan,

Sweety sorry kung aalis ako gusto ko munang hanapin ang sarili ko, hindi ako mapapalagay na lumagay sa tahimik na buhay kung palaging nakasunod ang mga sugat na nilikha ng aking nakaraan, patawarin mo ko kung aalis ako pero muli akong magbabalik sa piling mo, At sa pagbabalik ko pinapangako kong buo ko ng maibibigay ang sarili ko .. Patawad kung sa sulat ko lang nagawang magpaalam sayo Mahal na mahal kita...

P.S

Hintayin mo ko sweety, Babalik ako magugulat ka na lang isang araw kakatok ako sa pintuan mo at sana tanggapin mo ako!

I Love You,

Jessica

Tiniklop niya ulit ang binasang sulat, Nang una ay hindi niya matanggap ang pag iwan nito sa kanya hinanap niya ito kung saan saan, nagalit siya ng bigla na lamang itong umalis at iwan siya.. Tatlong taon na pala ang nakakalipas ng umalis ito, hanggang kailan siya maghihintay kailan to muling magbabalik ... Haaaaah habang buhay dahil alam niyang si Jessica lang ang tanging babaeng mamahalin niya habang buhay

"Bryan Anak bumangon ka na dyan? may naghahanap sayo?" sabi ng Mama ni Bryan

"Sino po Mama? si Jessica ba?" tanung niya

"naku iho hindi... lalaki naghahanap sayo, dalian mo at mukhang importante ang sadya" sabi ni Mama

Nanlulumong napaupo siya "Sino daw po?" tanung niya

"hindi ko naitanong Anak pero bumaba ka na at nakakahiya dun sa tao" sabi nito

"sige po susunod na ako" naghilamos at nagtooth brush lang siya...

Matangkad ang lalaking naghahanap sa kanya, bigla ang bilis ng pintig ng puso niya ... Si Tito David nagbalik na ba ito? nasan si Jessica at si Ninang Daisy?

"ayan na pala ang Anak ko?" pukaw ni Mama kay Tito David

"Bryan long time no see" nakipagkamay ito sa kanya

"yeah, its been 3 years.. kasama niyo po ba si Jessica?" tanung niya

"hindi, nagpaiwan sila ng Mama niya sa America..." sabi ni Tito David "nauna ako sakanila, may mga dapat kasi akong asikasuhin .."

"kailan pa po kayo dumating" tanung niya

"magtatatlong linggo na , naisip ko lang na bisitahin ka... Sina Jessica at Daisy ngayon ang flight nila.. susunduin ko sila gusto mo bang sumama?" tanung nito

Naalala niyang may Malaking Kliyente siyang kakausapin ngayong araw na'to, Naging office boy na siya magmula ng umalis sina Jessica pinamahala sa kanya ng kanyang Papa at Mama ang negosyo ng mga ito

"Tito David may mahalaga po akong kakausaping tao, pero susubukan kong sumunod.. kung sakali man na hindi ako makaabot alam ni Jessica kung saan niya ako makikita" sabi ko

"kung ganun hindi na ako magtatagal, baka mahuli ako sa pagsundo sa pamangkin at kapatid ko" pagpapaalam nito sa kanila

------

Gustong sundan ni Bryan si Tito David at sabihing sasama siya magsundo kay Jessica pero dinaig siya ng pagtatampo . Isa pang dahilan dadating si Mam Desiree para iclose ang deal nila kasama ang kaibigan nitong Amerikana ... Kaya kung totoo ang sinabi nito sa sulat magbabalik ito at hahanapin siya para magkaroon ng katuparan ang pag ibig nila... maghihintay siya...

"Mam Desiree" tumayo siya ng makita ito .. Nasa Seafood restaurant sila

"Bryan, kamusta?" tanung nito

"mabuti Mam upo po kayo, yung kasama po ninyo?" tanung niya

"Nag C.R saglit... may jetlag pa kaya C.R agad ang unang hinanap haha" tumatawang wika nito "ah ayan na pala siya"

Paglingon niya Isang magandang babae ang nakita niya punong puno ng confident sa katawan, halos lahat ng taong kumakain sa naturang restaurant ay napalingon sa angkin nitong kagandahan.. Maiksi ang buhok nito at naka red na dress na hapit sa katawan,.. Bumilis ang tibok ng puso niya

"May space pa ba para sakin" tanung nito sa pagkakatulala niya

"saan?" tanung niya

"sa puso mo" sagot nito

Bigla ang pagtayong ginawa niya at walang pangingiming niyakap ang bagong dating na babae "Sweety hindi ako makahinga" sabi ni Jessica

Walang pakialam si Bryan sa mga taong nakatingin sa kanila , hinalikan niya si Jessica sa harap ng maraming tao, tumugon naman ito... Nagpalakpakan ang mga tao kaya nagbitiw sila pero patuloy pa din ang pagyakap sa kanya ni Bryan

"tatanggapin mo na ba ang kasal na inaaalok ko, over due na yun?" tanung nito

"oo na, nagbalik na ako.. this time alam ko na ang sagot sa tanung mo di na ko papayag na iwan kang muli" sabi ko

"lalong di na ko papayag na iwan mong muli kung kinakailangan 24 oras na bantayan ka gagawin ko wag ka lang mawala sa paningin ko" madamdaming saad ni Bryan

-------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now