CHAPTER 50 (ang pagbunyag)

250 5 0
                                    

"Anung ginagawa ng babaeng iyan sa pamamahay ko Jessie, paalisin mo yan ngayon din baka hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan ko ang dahilan ng pagkakasakit ng pamangkin ko" dumadagundong sa buong kabahayan ang galit na boses ni Melancio

"Melancio, wag mong gawin iyan .. Girlfriend siya ni Bryan at nagmamahalan sila hindi mo pwedeng diktahan kung sino ang dapat nilang mahalin" awat ni Jessie sa pananalita nito

Matatalim na titig ang binigay ko kay Melancio

"wag kang makialam dito Jessie kung ayaw mong masaktan" sinampal nito si Jessie na kinagulat niya, tumingin si Melancio sa akin ng nakita nitong tumayo ako..

Matigas ang aura ng mukha ko ng tumingin dito.. Puno ng pagkasuklam ang akinh mga mata, bumaling ito "Umalis ka dito babae, ang kapal ng mukha mong tumuntong sa pamamahay ko" sigaw ni Melancio

"ikaw ang makapal ang mukha ... mahinang tao lang ang kaya mong labanan, bakit hindi mo subukang ako ang kalabanin mo" sigaw ko sa galit na boses

Tumawa ito "ikaw eh mukhang mas mahina ka pa sa babaeng ito" tinuro nito si Jessie, nang uuyam ang tono ng pananalita nito

"wag Melancio maawa ka..." pagmamakaawa ni Jessie "pls. Jessica umalis ka na" nakikiusap ang titig nito sa akin

"h'wag mong maliitin ang kakayahan ko Melancio hindi ako aalis dito hangga't nabubuhay pa ang taong may kagagawan sa pagkamatay ng pamilya ko" matatag na sabi ko

"anung ibig mong sabihin" tanung ni Jessie

"nasisiraan na din yata ng ulo yang babaeng yan katulad ng pamangkin ko, mahilig pala sa siraulo si Bryan" pagpaparinig nito sa kanya "hoy babae kung anu man yang sinasabi mo hindi mo mahahanap yan sa bahay ko kaya umalis ka na" tumatawang sabi ni Melancio

"eto naaalala mo" sabay tutok ng baril kay Melancio "tumatanda ka na Melancio, ipapaala ko sayo ang lahat mula umpisa hanggang wakas , para matandaan mong may isa kang pamilyang sinira at may isang batang naulila ng dahil sa kawalangyaan mo"

Hindi nakasagot si Melancio sa sinabi niya, naramdaman kong natakot ito ng tinutok ko ang hawak na baril sa dibdib nito <ganyan nga Melancio matakot ka>

Sinimulan kong ikwento ang lahat lahat

"13 years ago, may Isang pamilyang walang awa mong pinapatay .. At pagkatapos mong ipapatay hindi ka pa nasiyahan at nakuntento pinasunog mo pa ang bahay at bangkay ng mga ito,.. Kitang kita ko kung papaanong pahirapan ng mga inutusan mong tao ang pamilyang pinapatay mo, Wala kang awa lahat sila pinatay mo!!! Sinigurado niyo pa ni isa walang nabuhay pero nagkamali ka Melancio dahil ang batang ninakawan mo ng pamilya ang siyang maghihiganti sayo!" nagsimulang pumatak ang luha sa mata ko "Ako Melancio ang batang iyon, ako si Jessica ang bunsong anak ni Abel at Maring"

"ikaw? hindi maaari.. patay na ang batang iyon, sinigurado iyon ng mga tauhan ko sakin" nahihintakutang saad ni Melancio

"nagkakamali sila Melancio, dahil nagawa akong itago ni Nanay Maring sa ilalim ng kama na tinakpan ng makakapal na puting kumot, Niloko ka ng mga tauhan mo piping saksi ako sa lahat ng nangyari walang araw at gabing binabalikan ako ng ala alang iyon kaya ginawa ko ang lahat para maging isang Assassin para pag nagkaharap tayo ako mismo ang papatay sayo.." sabi ko sa maigting na boses, nagpatuloy ako sa pagsasalita "Ikaw Melancio nakakatulog ka ba ng mahimbing sa gabi?" tanung ko sa matigas na boses

"kung alam ko lang na nabuhay ka pa, ako mismo ang papatay sayo" sigaw ni Melancio

"matapang ka pa din Melancio, hawak ko ang buhay mo at ng asawa mo, papatayin ko kayo" sigaw niya

Unti unting lumapit si Melancio kay Jessie "sige gawin mo yan, pero bago mo ko patayin, ang Mama mo muna" hinigpitan nito ang hawak sa leeg ni Jessie

"anung ibig mong sabihin?" tanung ko

"Bobo ka Jessica, Isa kang Assassin pero hindi mo man lang inalam ang dahilan kung bakit gusto kong ipapatay ang pamilya mo" tumatawang saad nito "Itong babaeng ito ang Mama mo, siya ang dahilan kaya pinapatay ko ang kinamulatan mong pamilya"

"hindi totoo yan,, Si Nanay Maring ang Nanay ko" sigaw kong hindi makapaniwala "hindi mo ako malilinlang"

"Sige iputok mo, patayin mo si Jessie..."sigaw nito sa akin

Biglang sumulpot si Tito David sa pintuan

"Jessica ibaba mo yan, wag mong patayin ang sarili mong Ina" pigil nito sakin

"Tito David" gulat ang rumehistro sa mukha ko ng makita ko ito

"totoo ang sinabi ni Melancio, si Jessie ang biological mother mo" pagpapatuloy ni Tito David

"sinungaling, hindi siya Mama ko.. si Nanay Maring lang Nanay ko, sinasabi mo lang yan para wag kong idamay sa paghihiganti ang kapatid mo" sigaw ko kay Tito David

"totoo ang sinasabi ko Jessica, alam ko na din na kapatid ko si Jessie kaya nagsagawa ako ng pagiimbestiga sa kanya at lumalabas sa nakalap kong impormasyon na siya ang totoo mong Ina" sabi ni Tito David

"Anak ko, ikaw ang anak ko?" lumuluhang saad ni Jessie "Si Maring ang matalik kong kaibigan, at si Abel ang lalaking minahal ko"

"hindi ako naniniwala sa inyo, tumigil na kayo" naguguluhang saad ko

"patawarin mo ako anak, ninais ko lang na mailayo ka para mabuhay ka ... Nagkaroon kami ng isang lihim na relasyon ni Abel, wala pang tatlong buwan buhat ng magpakasal kami ni Melancio, tandang tanda ko pa ang lahat bago ako natuntong sa Manila para hanapin ang nawawala kong kapatid" panimula ni Jessie

------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now