CHAPTER 2 (ang pagpapamulat)

683 12 0
                                    

Lumipas ang anim na buwan mahusay na natutunan lahat ni Jessica ang dapat nyang malaman bilang Assassin

"Eto na ang huling pagsasanay natin Jessica ngunit my tatlong bagay kang dapat na tandaan upang maging isang ganap na Assassin" nakaupo sila sa bangkuhan na yari sa bakal

"anu yun Tito David?" tanung ko, tumitig ako sa mga mata nito, tanda ng pagtanggap ko sa nais nito

"makinig kang mabuti eto ang magiging gabay mo para mapagtagumpayan mo ang paghihiganti mo , Una kailangan mo munang isantabi ang sarili mong misyon, Pangalawa kailangan mong kotrolin ang galit sa puso mo at tanggalin ang awa na bumabalot sa pagkatao mo, Pangatlo bawal kang umibig dahil magiging hadlang yan sa paghihiganti mo" Seryosong sabi nito, nakipagsukatan pa ito ng tingin sa kanya

"wala pong problema sakin ang pangalawa't pangatlo pero Tito David gusto ko ng makaharap si Melancio" Giit ko dito

"Hindi pa sa ngayon Jessica, kung may tiwala ka sa akin hindi pa ngayon..." Seryosong sabi nito

"kung ganun anung misyon ang ibibigay mo sa akin?" seryoso ko ding tanung

Nilapag nito ang isang folder sa harap ko

"nakasulat sa folder ang lahat ng detalyeng dapat mong malaman... pag aralan mong mabuti dahil gusto ko sa loob ng isang linggo tapos na ang misyon na ibinigay ko sayo" Tito David

"ano ang naging atraso ng taong papatayin ko Tito David" tanung ko

"maraming kababaihan ang nirape at pinatay ng taong yan .. matagal na dapat namin pinatahimik yan , kaya lang ngayon lang may nagpatunay na siya nga ang taong walang awang gumahasa sa mga kabataang babae.. nakikita mo ang dalagang nakaupo sa banda roon? isa siya sa biniktima ng hayop na yun.. Nakatakas sya sa kamay nito dala ang Video na kinuhanan ng suspek" galit na sabi ni Tito David.. Pinindot nito ang Dvd player kitang kita kung papaanong pahirapan ang babae ng lalaki.. Sipa, Sampal, Tadyak, at bugbog ang dinanas ng babae sa lalaki... Halos ay hindi nya makilala ito sa dami ng pasa sa mukha at katawan...

"dapat sa mga taong ito pinapatay, pati mga inosenteng bata nakakaranas ng kalupitan sa mga kamay ng mga ito... Marapat lamang na ako ang pumatay sa kanila" gigil na lamukos ko sa papel na hawak

"kaya ang una mong misyon patayin mo si Alvin para mabigyan sila ng katarungan" Tito David

Nasa kusina siya ng mga sandaling iyon, iniisip niya ang kwento ni Tito David sa kanya "nakakalungkot ang dinanas ng babae sa lalaki" natanaw niya ang babae sa labas malungkot na nakataw ito sa malayo at patuloy lang sa tahimik na pag iyak

Naglakad siya papalapit dito... Napag alam niya niyang Noemie ang pangalan ng babae "anung ginagawa mo dito?" anas nito sa ginagawa niyang paglapit "lumayo ka sa akin, sasaktan mo din ba ako?" nahihintakutang tanung nito

Humakbang pa siya palapit dito, mas lalong naging alerto ang galaw nito "sinabi ng h'wag kang lumapit, lumayo ka sa akin sisigaw ako" nagsimula na itong magpanic

"h'wag ka magpanic pasensya na kung natakot kita,isa akong kaibigan , napansin ko na nag iisa ka kaya lumapit ako" paliwanag niya kay Noemie

"hindi kita kailangan lumayo ka sakin" sigaw nito

"naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero gusto kong pagkatiwalaan mo ako" sabi niya

"nagtiwala din ako kay Alvin pero ginahasa niya ako, isa akong maruming babae" sinimulan nitong saktan ang sarili

Lumapit siya dito at hinawakan ang mga kamay nito "tama na hindi mo dapat saktan ang sarili mo, hindi ka dapat makaranas ng ganyang kalupitan" mahinahon niyang sabi

Napatigil ito sa pagwawala, tumingin ito sa kanya puno ng luha ang mga mata nito"gusto niya akong patayin, natatakot ako" wala na sa boses nito ang paangil na pananalita pero nanginginig pa din ito sa takot

"hindi mangyayari yun dahil nasa pangangalaga ka namin" sabi niya sa babae " ang kailangan mo lang magtiwala sakin"

"pero hindi kita kilala" nakasubsob ang dalawang kamay nito sa mukha "natatakot ako paano kung malaman niyang buhay pa ako, baka pati ang pamilya ko patayin niya" umiiyak pa ding tugon nito

"h'wag kang mag alala ngayon na nandito ka at nasa pangangalaga namin mabibigyan ng katarungan ang sinapit mo sa lalaking iyon" madiing sabi nito

"tutulungan mo ako?" tumingin ito sa mga mata niya

"oo nandito ako para tulungan ka"saad niya

"paano mo ako matutulungan isa ka ding babae... mahina ka,!!!!" giit nito

"hindi lang ako isang babae, ako ang nakatakdang magbigay ng katarungan sa sinapit mo" sabi niya

"kung ganun anu ang dapat kong gawin?" sabi nito

"wala kang dapat gawin kundi magpagaling at paghilumin ang sugat na nilikha nito sayo"

"ano ang magiging kabayaran ng pagtulong mo" tanung ulit nito

"wala akong hinihinging kahit na anung kapalit" sagot niya, tumalikod na siya

"teka----- ano ang pangalan mo?" pahabol na tanung nito

"tawagin mo kong Jessica" nagpatuloy na siya sa paglalakad

"Jessica maraming salamat, sana muli ko ng makita ang pamilya ko... Gusto ko na silang makasama" umiiyak pa ding sabi nito

Naiyak siya sa sinabi nito, mabuti pa ito may pamilya pang babalikan sa pag alis sa poder ni Tito David samantalang siya eto na ang kanyang piniling buhay--- Ag maging Assassin---- Ang mabigyan ng katarungan ang mga naaapi laban sa mga masasamang tao!!! Hindi siya dapat mabigo....

-----

to be continue..

Nagustuhan niyo ba ang kwento? pls. vote and follow me for more updates

Matupad kaya ni Jessica ang unang misyon nito? subaybayan natin...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINDonde viven las historias. Descúbrelo ahora