CHAPTER 40 (ang hinala)

241 5 0
                                    

Nakakuha na ako ng impormasyon sa dalawang magkapatid na Ramos, hindi naman naging mahirap sa akin ang pagkalap ng ebidensyang sangkot ang mga ito sa kidnap for ransom gang.... Magpapalipas muna ako ng isang linggo bago pagpplanuhan ang susunod kong hakbang...

Habang iniisa isa at hinihimay ni Jessica ang gagawing plano sa pakikipaglapit sa magkapatid na Ramos, patuloy naman ang pagpatak ng aking luha

dalawang linggo na simula ng lumipat ako ng bahay ni Tito David upang tuluyang iwasan si Bryan, masakit man sa kalooban ko ... mananatiling buo ang pasya kong kalimutan ito... pati ang cellphone no. ay pinalitan ko na din...

Sa libreng oras ni Jessica inisa isa niya ang mga larawang nasa kwarto ni Tito David, binigyan siya ng karapatan nito na maghalungkat ng mga gamit nito, upang makatulong sa paghahanap ng kapatid nito... Ilang larawan pa ang nakita niya na kasama nito ang kapatid at ang magulang... muli niyang binalikan ang larawan ng Ina nito... may nahahawig ang babae, hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita... at ang mga mata nito malaabo na parang laging nangungusap ang mas lalong nakaagaw ng pansin sa kanya...

<Hindi maaari> sigaw ng aking isipan , parang nakita ko sa ina ni Tito David ang Ninang ni Bryan... hindi ako maaaring magkamali, ang babaeng nasa litrato ay kahawig ni Jessie ang asawa ng mortal kong kaaway...

Kailangan ko munang mapatunayan kung totoo ang hinala ko na si Jessie at Daisy ay iisa... Hindi dapat malaman ni Tito David ang aking hinala ...

------

Bisita ng gabing iyon si Jessica ng mag asawang Melancio at Jessie, inanyayahan ako ng mag asawa na sumalo sa pagkain ng mga ito....

"halika iha, sumalo ka samin, bakit nga pala hindi mo kasama si Bryan?" tanung ni Jessie

"po?, medyo busy sa trabaho si Bryan" sagot ko

"ganun talaga ang inaanak kong yun, palaging busy sa trabaho... teka at may linaw na ba ang mga kasong hinahawakan nito" tanung ni Melancio

"hindi po namin napag uusapan ang tungkol sa trabaho niya" pagsisinungaling ko

"teka lang at may kukunin lang ako sa kusina" paalam ni Melancio

"kamusta ka na iha, lalo kang gumanda...." puri ni Jessie sa akin

"mabuti naman po, teka lang Ninang may white hair kayo tanggalin ko po ah nakatayo kasi" hindi ko na hinintay ang pagsagot nito binubot ko ang isang piraso ng buhok nito at mabilis kong sinilid sa bulsa

"nakakahiya naman iha, hindi mo na sana ginawa yun" sabi nitong nahihiya

"wala pa yun, ang ganda ganda niyo po" puri ko dito para maiba ang usapan

"salamat, ngayon lang ako muling binati ng iba, kadalasan kasi si Bryan ang palaging nagsasabi sakin nun" at sinabayan nito ng mahinang tawa

"Ninang mauuna na po kailangan ko po kasing umuwi ng bahay,.. nagtext ang Papa ko may inuutos sakin" pagpapaalam ko

"teka lamang" pigil nito sa akin "hindi ka na ba mapipigilan" hawak nito sa aking kamay

"pasensya na po pero kailangan ko ng umalis" nagmamadaling sabi ko

"oh, aalis ka na" tanung ng kababalik ni Melancio

"yes, pasensya na... babalik na lang ako sa ibang araw" paghingi ko ng paumanhin

"kung hindi ka na talaga mapipigilan, ihahatid ka na namin sa labas" sabi nito

"salamat po" at sabay sabay na silang lumabas...

Mabilis akong nakasakay ng taxi, may ngiting namutawi sa aking labi... Nagtagumpay akong makakuha ng sample ng buhok nito.. Ang kailangan na lamang ay makakuha din ako kay Tito David at ma pa Dna ang mga ito... Kailangan kong malaman sa lalong madaling panahon

------

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon