CHAPTER 30 (ang sulat)

253 5 0
                                    

Narinig kong may tumawag sa akin, boses ni Bryan.. kaya mabilis akong umalis sa lugar ng hindi lumilingon

Sigurado naman si Bryan na si Jessica ang nakita niya, pero anung ginagawa nito sa lugar na'to... at bakit hindi siya nilingon nito.. Sayang nga lang at hindi niya nahabol ito sa dami ng tao

Tinawagan na lamang niya ito para alamin kung ano ang ginagawa ni Jessica sa lugar na ito

"hello sweety nasan ka? tanung nito

"nasa bahay, bakit sweety may problema ba" tanung ko na may pagtataka sa boses

"ah, wala akala ko kasi nandito ka sa Labas ng Fairview... may nangyari kasi dito" sabi nito

"anu namang gagawin ko dyan?" tanung ko

"yun nga din ang iniisip ko, siguro namalikmata lang ako... sige maya magkita tayo sa bahay mo, I love you sweety" sabi nito

" okay I Love you too" mabilis ko ng pinaandar ang sasakyan

Hindi na lamang pinansin ni Bryan ang nakita kanina, siguro nga ay imahinasyon niya lang, miss na miss na niya si Jessica dahil buhat ng umalis siya ng bahay nito kaninang umaga ay hindi niya pa ito nakikita Napangiti siya sa isiping makakasama niya ulit ito pagkatapos ng trabaho

------

Bago umuwi si Jessica, pinuntahan niya muna si Tito David sa bahay nito para ibalita ang ginawa niya kay Emerson ngunit napag alaman niyang umalis ito at nag iwan ng isang sulat sa kanya

Jessica,

Sa ngayon ay hindi muna na tayo magkikita, may mahalaga akong dapat na asikasuhin tungkol ito sa nawawala kong kapatid. Ang hiling ko lang ay palagi mong pag iingatan ang sarili mo lalo na ang iyong pagdedesiyon , siguraduhin mo na sa bawat hakbang na gagawin mo ay hindi ka mapapahamak... Magkikita pa tayo, pangako..

Tito David

Nang matapos kong mabasa ang sulat ay dali na akong umalis ng bahay nito. Alam kong tutuparin nito ang pangakong binitawan nito sa kanya

-------

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now