CHAPTER 6 (ang pakikipagkilala)

472 9 0
                                    

Pagkatapos kong magreport kay Tito David .. umalis agad ako ng bahay at pumunta sa building ng pagmamay ari ni Melancio gusto kong malaman ang mga galaw nito..

"Ouch" >>> Jessica

"Sorry Miss nasaktan ka ba?" sabi ng lalaking nakabunggo sa akin

"halata ba? nakita mong ang laki ng katawan mo" inis na sabi ko

"its you" sabi ng lalaking nakabangga sakin, nasa mukha nito ang kasiyahan na makita ako

Tinaas ko ang ulo ko at nabigla ako na ang lalaking nakabunggo sakin ay walang iba kundi ang lalaking nagligtas sakin sa mga bastos na lalaki sa food court ng Sm mall .

"Hi, kamusta ka na? bigla ka na lang nawala .. hindi tuloy nasampahan ng kaso yung mga lalaking nambastos sayo" sabi ni Bryan

"hello, hmmmm pasensya ka na, nagmamadali kasi ako nun... ayaw ko na din madamay sa mga ganung problema.. okay lang din naman ako hindi naman nila ako nasaktan" nahihiyang sabi ko dito

"kumain ka na ba? pwede ka bang maimbitahan?" hindi maalis alis ang tingin na tanung ni Bryan

"ku-kumain na ako, sa su-sunod na lang siguro.. si-sige aalis na ako" nauutal ako sa pagkakatitig nito

"ganun ba? Ako nga pala si Bryan ikaw anung pangalan mo?" lahad nito ng kamay

Hindi ko alam kung tama ba na makilala pa ako nito at sabihin ang tunay na pangalan ko.. nagdadalawang isip ako (bahala na) wala naman siguro itong kinalaman sa magiging misyon ko

"Jessica " tanggap ko ng pakikipagkamay

"nice name, for a beautiful lady" papuring sabi ni Bryan

"ang kamay ko, mauuna na ako" nagmamadaling sabi ko

"wait.... here's my calling card just in case na may nanggulo sayo tawagan mo ako darating agad ako" lumabas ang magkabilang dimple ni Bryan sa pagkakangiti

"salamat" >>>bahagyang tumango ako

-----

Sa dami ng lugar bakit dito ko pa siya nakita sa building ng pinakamasama kong kaaway hindi naman 'to mukhang nagttrabaho sa gusali, Anu na kayang ginagawa ng halimaw na si Melancio . Naputol ang aking pag iisip ng batiin ng matandang lalaki si Bryan

"Bryan napasyal ka? mukhang sinadya mo pa ako dito pagkatapos ng trabaho mo, ayan nga at nakauniform ka pa " pagkagulat at pagkatuwa ang bumakas sa mukha ng matandang lalaki

"Ninong Melancio" galak na sabi ni Bryan na nagpaigtad sa akin.. Ibig sabihin si Bryan pala ay malapit sa pamilya ng mortal kong kaaway.. Ibig sabihin isa ito sa mga hadlang sa gagawin kong pagpatay kay Melancio.. <sh*t hindi maaari>

"Ayaw niyo po ba na daanan at bisitahin ko kayo?" mahuhulimigan dito ang pagtatampo

"Aba at yan ang hindi mangyayari, paboritong inaanak yata kita at parang anak ko na din" Marahan nitong pagtawa

Tumalilis akong paalis ng lugar ng hindi napapansin ng dalawa ang pagdaan ko sa harap nila

"lalo kang pumogi ngayon Bryan, don't tell me may napupusuan ka na? Ipakilala mo na sa amin ng Ninang mo" pagpapatuloy ni Melancio

"Si Ninong naman , pareho kayo ni Ninang kinukulit na akong mag asawa .. Ayaw niyo na ba sakin" >>> Bryan

"hindi naman sa ganun iho, Sayang naman ang lahi mo kung hindi magagamit ikaw din ... Nakita mo ako, gusto ko man magkaanak pero hindi pupwede.." >>> Melancio

"Ninong ayan na naman tayo... kaya nga Ako na lang ang anak ninyo ni Ninang tapos kinukulit niyo pa ako na mag asawa na" pilit na pinasaya ni Bryan ang tono ng boses, upang h'wag na nilang mapag usapan ang pagiging baog nito

"sana lang... para may lalaking anak ako na katulad mo, nakakainggit ang Ama mo.. tatlo kayong magkakapatid na puro lalaki" pagpapatuloy ni Melancio

"tama na yan Ninong baka malungkot ka pa.. pupunta nga pala ako sa bahay niyo mamaya ni Ninang magdadala ako ng alak, uminom tayo" >>> Bryan

"yan ang maganda mong sinabi iho, aasahan ko yan.. hihintayin ka namin ng Ninang mo.. Namimiss ko na din ang bonding natin" nakangiti ng sabi nito

"Paano Ninong aalis na ako, kita na lang tayo mamaya" paalam ni Bryan dito

Muli nagyakap ang MagNinong at umalis na si Bryan

-----

to be continue

Ano ang magiging papel ni Bryan sa buhay ni Jessica? maging sagabal kaya ito sa kanyang paghihiganti?

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now