CHAPTER 8 (pangalawang misyon)

426 8 0
                                    

Tumunog ang alarm clock hudyat na para tapusin ko ang pangalawang mission iniatang sa akin

Gumayak ako suot ang all over na itim na damit ... mala catwoman ang dating , pinili ko talaga ang damit na'to para hindi ako mapansin ng mga taong gising pa sa oras na yun

Mabilis akong nakaakyat sa bahay nina Nhandee, Sa kilos at galaw ko daig ko pa ang pusa sa tahimik na paglalakad nito. Tatlo ang kwarto sa bahay nina Nhandee , pero tiyak ko ang kwartong bubuksan ko... Bumungad sa akin ang target na himbing na himbing sa pagtulog.. Pumasok ako sa kwarto at sinara ko ang pinto... Nilabas ko ang gagamitin kong weapon sa pagpatay dito... Isasaksak ko na ang patalim na hawak ko ng hinawan nito ang kamay ko

"sino ka? bakit gusto mo akong patayin" awat nito sa mga kamay ko

"ako, ako lang ang papatay sayo... salot ka..." suntok sa katawan at mukha ang binigay ko dito.. pero pinilit pa din nitong tumayo at lumaban... Malakas si Nhandee ngunit mas malakas ako, kaya natalo ko 'to.. "Pinahirapan mo pa ako" nakangiwing sabi ko.. At tuluyan ko ng pinatahimik si Nhandee

Pagkatapos kong iwanan ang ibang ebidensyang nakalap ko sa taong ito ay umalis na ako.. Dahan dahan akong lumakad hanggang makalabas ng bahay, wala ni isa man lang ang nakapansin sa akin.. Successful na naman ang aking pangalawang mission

----

Kinabukasan laman ng balita sa pahayagan ang kahindik hindik na pagkamatay ni Nhandee

"Sir may lead na ba kayo sa gumawa nito" tanung ng reporter

"wala pa kaming lead.. pero tinitignan din namin kung may kinalaman ang droga sa pagkamatay nito" pagsasalita ni Bryan

Napakislot siya at napatuwid ng upo, habang nakikinig ng balita.. Di yata kay Bryan pa pinaiimbestigahan ang pangyayari.. Sinubukan kong kontakin ito

"excuse me my caller ako" pagpapaalam ni Bryan sa mga reporter

"hello Bryan" nanginginig na sabi ko... "Natatakot ako, marami palang nagkalat ngayon na mamamatay tao" arte kong iyak dito na walang luhang lumalabas

"Nasaan ka?Hindi ka dapat matakot, ayon sa report na nakuha ko ang pinapatay ay yung mga taong may ginagawang illegal... gusto mong puntahan kita" tanung nito

"hmmmm wag na .. alam kong busy ka ngayon.." pagdadahilan ko narinig kong nagbuntong hininga ito "pero kung gusto mo mamayang gabi magkita tayo"

Narinig kong sumigaw ito ng Yes.. Masaya ang tono nito ng nagpaalam sa cellphone

"Sir pinagtanungan na namin ang mga kapit bahay.. pero wala daw po silang napansin na may pumasok sa bahay ni Nhandee, lahat naman ng Cctv sira kaya hindi din nakuhanan.. Isa lang ang nasisiguro ko sinadyang patayin si Nhandee" sabi ng kasamahang pulis ni Bryan

"kaya nga , tignan niyo ang lahat ng detalye na makakapagbigay ng lead sa kaso.. Isa na nakikita ko dito ang Droga.. Maaaring ang sindikatong kinabibilangan nito ang pumatay dito" Seryosong sabi ni Bryan

"Yes Sir" saludo pa ng kasamaang pulis

4 na oras kinuhanan ng litrato si Nhandee , pati ang lugar na pinangyarihan... bago ito dinala sa punenarya ng mga kamag anak

----

to be continue...

Simula pa lamang na higit na pagkabahala ng mga pulis sa pamumuno ni Bryan na siyang may hawak ng kaso sunod sunod na pagkamatay ng mga taong sangkot sa illegal na gawain

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon