CHAPTER 44 (ang paghayag)

253 5 0
                                    

Ngayon ang araw na malalaman ni Jessica ang resulta ng Dna test na pinagawa niya sa St. Lukes, habang naglalakad sa pasilyo ng hospital balot ng pangamba ang nararamdaman ni Jessica

"miss saan makikita si Doctor Ignacio?" tanung ko sa Nurse Assistant nito

"Mam kayo po pala, kanina pa kayo hinihintay ni Doc sa loob" mabilis na saad nito "pasok na po kayo"

"Salamat" wika ko

"Kamusta na Jasmine" bati nito sa akin, hindi ko binigay ang tunay kong pangalan ..

"Mabuti Doc, pwede ko na bang malaman ang resulta ng Dna ng Tito at Tita ko" katulad ng kasinungalungang tinahi ko upang pumayag si Doctor Santos na isagawa ang Dna ni Tito David at ni Jessie.. gumawa ako ng pekeng consent na magpapatunay na pumapayag ang mga ito sa gagawing Dna

"bweno iha, eto ang resulta" inabot nito ang resulta ng Dna

Mabilis kong binuksan ang brown na sobreng inabot nito...

"99.8%" napabulalas kong sabi "anung ibig sabihin nito Doc"

"ayon sa resulta, .2% lang ang maaaring magkamali na sila ay magkapatid at 99.8% ang siguradong magkapatid sila" pagpapaliwanag nito

"sigurado ba kayo Doc? baka naman napalitan lang ng ibang buhok yung mga binigay ko sa inyo" di pa ding makapaniwalang saad ko

"hindi kami maaaring magkamali iha, dahil ng binigay mo ang mga sample hair nilagay namin agad sa laboratory.." tugon nito

"aalis na ako, salamat Doc" habang naglalakad ay hindi pa din siya makapaniwala na totoo ang hinala niyang si Tito David at ang Ninang ni Bryan ay magkapatid "hindi maaaring malaman ni Tito David na si Jessie ang nawawalang kapatid nito, kahit ito pa ang ikasasakit ng kalooban nito, patawarin mo ako Tito David pero hindi ko maibibigay ang makakapagpaligaya sayo" umiiyak na bulong ng aking isipan

-------

Nang dahil sa nalaman, minabuti ko muna na hindi magpakita kay Tito David para hindi ito magtanung sa akin ... Bumalik ako sa bahay nito sa Makati , duon ay masusi kong pinag aralan ang magkapatid na Ramos.. gusto ko ng tapusin ang misyon ko sa mga ito para makapagtuos na kami ni Melancio, Mata sa mata, ngipin sa ngipin...

Nakakailang missed called na si Tito David sa akin, hindi maiwasan na mag alala ito sapagkat hindi ako nagpaalam na uuwi sa Townhouse nito... kaya naman ng muli itong tumawag sinagot ko na ang tawag nito

"bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko, may problema ba" pag aalang tanung nito

"wala Tito David, nandito ako sa Townhouse sa makati... pinag aaralan ko ang susunod kong misyon, hindi muna ako uuwi dyan" saad ko

"okay, mag iingat ka" at nagpaalam na ito

Saka lamang nakahinga si Jessica ng ibaba na ni Tito David ang cellphone, hindi niya gustong lokohin ito pero yun lang ang naiisip niyang paraan para hindi ito maghinala na may nalalaman na siya

------

Pagkatapos maligo, pinagpasyahan kong pumunta sa Mall kung saan una kaming nagkita ni Bryan... Hindi ko gustong makita ito pero gusto ko pa ding balikan ang araw ng una kong masilayan ang gwapong mukha nito...

Binunggo ako ng babaeng nakasalubong, naramdaman ko ang sakit sa balikat na tinamaan nito "ang tanga mo hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo" mataas ang tono ng boses nito na kinairita ko

Bigla ang taas ng mukha ko upang ipamukha dito na ito ang tangang bumangga sa akin "ikaw....."

"yes, its me.... tanga ka ba talaga?" ulit nito

Tama ito nga si Charice

"Hindi ko napansin na masikip na pala ang daanan ngayon...kaya hindi mo din napansin ang dinadaanan mo" parunggit niya sa panduduro nito

"bobo ka talaga... wala kang kasing tanga, ganyan ba talaga ang mga katulad mong mababa ang uri" panunuya pang lalo nito

"at ikaw anu ang uri mo mas mababa pa ba sa uri ko?" nakangiting wika ko

"malandi ka" saad nito, sinampal ako nito na mabilis konh sinangga ng kamay

sinampal ko ito ng dalawang beses "yan ang para sa pagbangga mo at pang eeskandalo sakin" isa pang sampal ang binigay niya "at yan naman ang para sa panggugulo mo samin ni Bryan"

"walangya ka wala kang karapatang sampalin ako.... ikaw ang nanggugulo, ikaw ang nang aagaw ikakasal na kami ni Bryan kaya layuan mo siya" sigaw nito

Lumapit ang gwardya at inawat sila bago tuluyang magkasakitan

"hindi totoo yang sinasabi mo" hindi makapaniwalang saad ko

"bakit hindi pa ba nasasabi sayo ni Bryan na magpapakasal na kami? kawawa ka naman hindi ka pala imbitado, look at this bigay ni Bryan sakin Engagement ring namin at kung may balak kang maghabol sorry ka na lang dahil ako na ang mahal niya at 8 months time magkakaanak na kami" humalakhak pa ito

Tinalikuran ko na si Charice ayaw ko ng marinig ang iba pang sasabihin nito... At si Bryan tama lang na nilayuan ko siya... Bigla ang bilis ng pagluha ng aking mga mata...

-------

to be continue...

Tuluyan na kayang mawasak ni Charice ang pagmamahalan ni Bryan at Jessica

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon