CHAPTER 49 (ang katotohanan)

258 6 0
                                    

Gusto ng matapos ni Jessica ang lahat ng paghihirap niya... mahal niya si Bryan, at ang taong pinakamalapit naman dito ang kailangan niyang patayin para tuluyan na siyang matahimik...

Apat na araw na buhat ng nakalabas ng hospital si Bryan at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay ng magulang...Minabuti kong umuwi ng bahay para maisagawa na ang akinh huling paghihiganti

"Sorry Tito David ang pamilya ni Melancio ang sumira sa pamilya ko, kaya papatayin ko sila" hingi ko ng patawad sa isipan ko "hindi dapat malaman ni Tito David ang binabalak ko"

"Melancio oras na ng pagtutuos, oras na ng paghaharap, oras na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa pamilya ko.. wawasakin din kita katulad ng pagwasak mo samin" diing sabi ko "hindi ako makakapayag na may humadlang sa pagpatay ko sayo"

Pagkatapos nito kung sakali mang mabuhay at magtagumpay ako, babalikan ko ang pag ibig ni Bryan at magbabagong buhay sa piling nito kasama ang bubuuin nilang pamilya

SANA MATUPAD NIYA ANG PANGAKONG HINDI NIYA IIWAN SI BRYAN .... SANA....

------

TOKTOKTOK

"Jessica, pasok ka iha.. naku excited akong muling makita ka sa katunayan nagpahanda ako ng masarap na putahe ng sinabi mong bibisita ka" tuwang tuwa salubong ni Jessie sa akin

"Nandyan po ba si Tito Melancio Ngayon?" tanung ko

"oo, nandun sa study room niya ... busy yun kaya hindi basta basta maiistorbo at saka may alitan pa din sila ni Bryan" magiliw na sabi nito

"pwede ko ba siyang makausap, tungkol po kay Bryan gusto ko na magkaayos sila bago magbirthday ang Mama ni Bryan" sabi ko

"susubukan natin iha, kapag kasi nasa study room yun, hindi mo pwedeng kausapin.. pero susubukan ko pa din" tanung nito

"salamat po, gusto ko pa din pong humingi ng sorry sa kanya" giit ko sa pagpayag nito

"sige iha, titignan ko ang magagawa ko, teka at ipagtitimpla kita ng juice" sabi ni Jessie

-------

Nainip na si Bryan kakahintay kay Jessica na bumalik ito, kaya kahit hindi pa ganung naghihilom ang sugat niya, pumunta siya sa town house ni Jessica para sopresahin ito maghahanda siya ng dinner para sa kanilang dalawa .. At muli susubukan niya na ayain ng magpakasal si Jessica hindi talaga siya mapalagay hanggat hindi sila nakakasal....

Pagpasok niya ng bahay nito wala ang bakas na masasabing nandito si Jessica, ang mga nakita niya lang ay ang makapal na folder na naiwan ni Jessica. Oo nga pala sa tagal na din ng pagkakakilala niya kay Jessica wala man lang ito nababanggit tungkol sa pamilya nito basta ang alam niya lang , may Papa ito na kasalukuyang nagpapagaling sa ibang bansa...

Gusto niyang sopresahin si Jessica kapag magaling na siya sasadyain niya ang Papa nito sa America para hingin ang basbas nito na magpakasal sila si Jessica baka sakaling kapag ang Papa na nito ang kumausap kay Jessica ay pumayag na itong magpakasal sa kanya.. Binuksan niya ang laman ng Sobre

"anu ito? hindi maaari" kung inaakala niyang si Jessica ang masosopresa niya nagkakamali siya dahil siya ang nasopresa sa mga impormasyon na nakalagay sa folder, Inisa isa niya ang mga larawan sa likod nakasulat Mission Accomplish "bakit meron siya nito?" hinalughog niya ang lahat ng gamit nito sa loob ng kwarto, nanghihinang napatingin siya sa mga larawan ... bakit lahat ng mga ebidensya meron ito? Sino ba talaga si Jessica?

Sa paghalughog ng gamit ni Jessica, nakita niya ang larawan ni Ninong Melancio

"Devil your the next" basa niya sa likod ng larawan ni Melancio

Muling nagflash back sa kanya ang mga sunod sunod na patayan, Ngayon niya lang napagtanto na nagsinungaling si Jessica sa kanya ng sabihin nitong hindi ito nagpunta sa Fairview at sa Tondo kung saan nangyari ang patayan ... Isang Assassin ang girlfriend niya, niloko siya nito.... at ang balak nitong sunod na patayin ay si Ninong Melancio kailangan niyang mapigilan ito...

Mabilis siyang pumunta sa bahay ni Ninong Melancio.... Natatakot siyang may mapahamak sa dalawang taong mahalaga sa kanya .. kailangan niya itong mapigilan bago mahuli ang lahat..

-------

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now