CHAPTER 9 (ang paglalahad)

378 7 0
                                    

Tinawagan ako ni Bryan habang nasa byahe ito.. Nakikipagkita ito sa akin sa Binondo Yellowcab, Nagayos at nagpaganda ako ng mabuti.. Sisimulan ko na ang pang aakit ko dito sa paraang hindi nito napapansin

Sakto sa oras lamang ang dating ko, nakita ko siyang nakaupo sa dalawahang upuan sa dulo... Sa Malayo pa lang tanaw ko na ang kakisigan nito.. Muntikan ng bumuway ang paglalakad ko sa malawak nitong pag ngiti

"kanina ka pa?" buti at hindi ako nautal sa sinabi ko

"medyo lang.. pagkatapos ko kasing tapusin ang trabaho , umuwi at nagpalit na ako ng damit saka ako dumiretso dito.. Ayaw ko kasing paghintayin ang pinakamagandang binibining nakilala ko" pinaghila siya ng upan nito

"bolero ka pala.." halukipkip kong sabi na nagpangiti sa akin "ikaw din baka maniwala ako.. nangangagat ako" pabiro ko ditong sabi

"don't worry willing ako magpabiktima sayo" tinawag nito ang Waiter "anung gusto mong orderin?"

"ikaw?" mahinhin kong sabi

"maraming tao dito.. wag dito" nagbibirong sabi nito

Nang una ay hindi ko napansin ang biro nito pero ng tumawa ito napatawa na din ako sa sinabi nito.. "ikaw ahhh mabiro ka pala, ganyan ba talaga karamihan ng mga pulis"

"may mga oras lang na hindi naman palaging seryoso may biruan din kung minsan" sabi pa din ni Bryan na tumatawa

"oo nga,, mukha ngang masayahin ka" nakatungong sabi ko

Nagsimula na silang kumain at nagpatuloy ang kanilang masarap na kwentuhan..

"may Bf ka na ba?" tanung nito sa akin, na nagpatigil ng pagkain ko sa pizza "baka kasi may bigla na lang sumuntok sakin dito" pangangatwiran nito

"hmmmm wala .. ikaw? ilan ang girlfriend mo? baka kasi may biglang sumabunot sakin" dirediretso kong sabi dito

"grabe ganun ba tingin mo sakin.. nangongoleksyon ng babae? wooooh... ouch naman... wala akong girlfriend sa ngayon.. pero sana soon magkaroon na... yun ay kung papayag yung babaeng balak kong ligawan" tingin nito ng matiim sa akin

Naging uneasy ako sa tingin nito.. Alam ko na ako ang pinatutungkulan nito pero hindi ako nagpahalata.. "Siguradong papayag ang babaeng liligawan mo"

"kung ikaw ang liligawan ko papayag ka ba?" diretsong tanung nito

"hmmm seryoso ka ba dyan o joke lang ulit?" tumatawang sabi ko "Hindi kasi ako sanay ligawan ng lalaki kaya hindi ko alam kung anung sasabihin ko"

"say yes at hindi ka magsisisi" pangungulit nito

"Natatakot akong masaktan at umasa" pag amin ko dito

"hindi kita sasaktan..nangangako ako" nagtaas pa ito ng kanang kamay na nagpangiti sa kanya "Mas cute ka kapag palagi kang nakangiti" papuri nito

"sige na pumapayag na ako na manligaw ka" sa dulo ng aking isipan (sige lang ikaw ang lumapit sakin, pagsisisihan mo ang araw na nakilala mo ako, tumutugma ang lahat ng pinaplano ko laban dito)

"talaga wala ng bawian yan" tanung nito

"oo" nakatungong sagot ko

-------

Pagkatapos kumain, nagyaya si Bryan na mamasyal.. At katulad ng gusto kong mangyari pinaunlakan ko ang paanyaya nito. 3 oras pa lang kami namamasyal ay nagring ang cellphone nito

"hello Sir kailangan po namin kayo ngayon sa quarters.." sabi ng kasamahan nitong pulis

"ok pupunta na ako" pabuntonghiningang sabi nito "Sorry Jessica but i need to go, may importante akong tawag sa quarters" Babawi ako nexttime"

"No .. its ok.. you dont need to explain... I really understand... lets go, kailangan ko na din kasing umuwi" nakakaunawang sabi ko dito

Naghiwalay na ang daan namin ni Bryan .. kailangan ko pang pag aralan ang susunod kong Misyon... Diretso akong umuwi ng bahay

-----

to be continue...

Nagsimula na ang panliligaw ni Bryan kay Jessica ... Nakahanda na din ang planong hinarang niya sa pagitan nila ni Bryan

pls vote ang share ...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now