CHAPTER 28 (ang pag iisip)

260 6 0
                                    

Matapos niyang managinip ay hindi na siya dinalaw ng antok... Kahit na nasa tabi lamang niya si Bryan para payapain ang kalooban niya ay hindi pa din mawala sa isip niya si Melancio... Pumikit na lamang siya upang akalain ni Bryan na tuluyan na siyang nakatulog, pero ang totoo ay gising na gising ang kanyang diwa...

Alam kong may mali sa pagitan namin ni Bryan, at mukhang tama ang Tito David si Bryan ang magiging hadlang sa akin, dahil tuluyan ng nahuli nito ang puso ko pero ang taong nagkasala sa akin ay hindi ko maaaring kalimutan , papatayin ko ito kahit na si Bryan pa ang maging hadlang...

-------

"goodmorning sleepy head" sabi ni Bryan sa akin

"nakabihis ka na.. aalis ka ba?" tanung ko

"oo, may aasikasuhin ako... naaalala mo yung babaeng sinabi ko na maaaring tumestigo sa kasong hawak ko, maaari na daw magbigay ng statement sabi ni Doctor" sabi nito sa pagitan ng pag aayos ng kwelyo

"ganun ba? sa tingin mo... nakita niya ba ang nangyari?" tanung ko kunwari, malamang na kahit na anung piga ng mga ito sa babae ay hindi siya namukhaan nito dahil sa suot na maskara "mag iingat ka"

"i always will... ikaw din sweety, nagluto ako ng breakfast, pag alis ko kumain ka na agad" sabi nito

"opo, mukhang tataba ako nito" napasibangot na turan ko na kinatawa nito

"gusto ko palagi kang busog hindi lang sa pagkain kundi lalo na sa pagmamahal ko" pinisil pa nito ang tungki ng ilong ko

"sige na umalis ka na at baka kailangan ka na dun" isa pang halik ang ginawad nito

"parang ayoko ng umalis" nang aasar na wika nito "inaakit mo ko" tumatawang sabi nito

"puro ka kalokohan, ikaw din kapag hindi ka pa umalis ngayon... natitiyak ko baka bukas o sa makalawa wala ka ng trabaho" pinagbuti ko pa ang pang aakit

kaya napakanta na lang ito "o tukso layuan mo ako" at tuluyan na itong lumabas ng bahay,.. Ako naman ay tumayo na sa kinahihigaan at nagsimula na ng routine ko twing umaga...

Habang kumakain ng pagkain na hinanda ni Bryan sa akin ay hinahanda ko na ang sarili sa gagawing misyon, malilit na pinutol putol ko ng kutsilyo ang ham na nakaahin sa lamesa at mabilis na nginuya ito hanggang sa wala ng natira

-------

to be continue ...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now