CHAPTER 7 (ang pagtatapat)

450 9 0
                                    

"kamusta ang nilakad mo?" Pagbubukas ng paksa ni Tito David sa pagkakatulala ko, Iniisip ko pa din ang tagpong nakita kanina

"mabuti naman .. Bukas ay uunahin ko ng tapusin si Nhandee, pinagpplanuhan ko ng mabuti ang gagawin sa kanya" >>> Jessica

"sige, kung may kailangan ka lumapit ka lang sakin, we are team.. kailangan mong magtiwala sakin" >>> Tito David

Napansin ko na parang may nalalaman ito, mabilis akong kumilatis ng tao kung may tinutumbok ito... Alam ko na hinhintay lang nito na magsalita ako...

hindi na ako nakatiis kaya bago tumalikod ito "Tito may sasabihin ako" >>> Jessica

"okey makikinig ako?" >>> Umupo si Tito David sa sofa habang ako ay nakatayo at hindi mapalagay

"Alam kong magagalit ka sa ginawa ko pero gusto kong malaman mo na pumunta ako sa building ng pagmamay ari ni Melancio" Panimula ko dito

"alam ko na .. Simula ng subaybayan mo siya, alam ko ng gagawin mo yun kaya hinayaan kita, alam kong hindi kita mapipigilan pero bakit hindi ka mapakali.. may nangyari ba?" tanung ni Tito David

"wala, wala naman .. gusto ko lang na malaman mo ang totoo, hindi ko po mapigil na kumalap ng impormasyon ukol sa kanya" Matigas kong sabi

"naiintindihan ko.. ngunit may mga dapat kang unahin bilang assassin, hindi ka dapat magpadaig sa iyong emosyon dahil yan ang maaari mong ikatalo sa labanan, kung gusto mong humarap kay Melancio at sa pamilya nito dapat ay handa ka na at buo ang loob mo" nakakaunawang sabi ni Tito David

"Maraming salamat Tito, nakikiusap po ako na hayaan niyo ako gumawa ng ibang hakbang para wasakin si Melancio.. Wag kang mag alala hindi ko siya papatayin tulad ng nais mo, may tamang oras at panahon para sa pag hihiganti.. Hihintayin ko ang araw ng pagtutuos namin, at pagsisihan nya na pinapatay nya ang pamilya ko" >>> Jessica

"kung papayagan kita..anu ang pinaplano mo? hindi ba yan makakasira sa ating organisasyon at mattrabaho mo ng walang problema ang mga misyon na nakaatang sayo?" tanung nito ng sunud sunod

"titiyakin kong aral ang bawat galaw at kilos ko... mapapanatili ko ang sekreto ng samahan walang makakaalam na isa akong Assassin" naninigurong sabi ko

"may isa pa akong tanung na hindi mo pa sinasagot .. anu ang pinaplano mo?" >>> Tito David.

"makikipaglapit ako sa pamilya ni Melancio... Si Bryan ang inaanak ni Melancio , Paiibigin ko ito at kapag nahulog na ito sa bitag ko saka ko ito pahihirapan" >>> Jessica

"delikado ang larong gagawin mo, baka ikaw ang mapaso sa huli" >>> Tito David

"hindi mangyayari yun" siguradong sabi ko dito

"kung ganun na sayo ang basbas ko, pero kailangan mo ng trabahuhin ang Misyon mo baka makalabas pa sila ng bansa, mas mahihirapan tayo" >>> Tito David

Patalikod na sana ito ng muling magsalita

"kung may kailangan ka tawagan mo ako, yung pera dineposit ko na sa account mo" >>> Tito David

"Salamat po ulit" >>> Jessica

-------

Sa kwarto habang nag iisa.. Pinag iisipan ko ang gagawing pakikipaglapit kay Bryan . Paiibigin ko ito at wawasakin ang pamilya ni Melancio... Nakita ko kanina na mahal ito ng Ninong nito at kung pagbabasehan ko ang tagpo ng una ko 'tong makita kasama ang Ninang nito ay masasabing matindi ang attachment ni Bryan sa mag asawa ... Kinapa ko ang calling card na binigay nito.. Sinubukan ko idial ang numero ...

5 Ring ng cellphone nito bago sinagot ang tawag niya..

"Hello">>> Nangingiming sabi ko

"Sino to?" sagot ng nasa kabilang linya

"hmmmmm Si Jessica to, yung babaeng niligtas mo..at binigyan mo ng calling card kanina?" pagpapakilala ko

"Hey... kamusta? may problema bang nangyari?" napaunat sa pagkakahiga si Bryan

"wala naman, gusto ko lang ulit magpasalamat, salamat ulit sa pagliligtas mo kanina, pasensya ka na din at tinanggihan ko ang paanyaya mo" niyakap ko ang hawak na unan

"wala yun, marami pa namang nexttime... ok lang ba na imbitahan kita bukas kumain?" masaya ang tono ng boses nito

"a e.. hindi ako ppwede" nauutal kong sabi, may kilig akong naramdaman na hindi ko dapat maramdaman, dahil eto ang gagamitin kong kasangkapan sa gagawing pagpatay kay Melancio "Kung gusto mo next week saturday, medyo busy ang schedule ko this week... kung okay lang sayo"

"sure, anytime ... eto ba ang no. mo pwede ko bang isave?" tanung nito

"yup..ah sige baka nakakaistorbo na ako matulog ka na past 12 na pala" mungkahi ko dito

"hmmmm okey lang baka ikaw ang mapuyat .. ikaw din baka mabawasan ang ganda mo" tonong nagbibiro ito

"Goodnight and sweetdreams" nakapikit na ang aking mga mata

"Goodnight .. see you in my dreams... And see you on saturday" tapos ay hinang na ni Bryan ang cellphone

-----

to be continue

Matupad kaya ni Jessica ang pinangakong hindi iibig sa kaaway

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now