CHAPTER 25 (ang pagtatanung)

281 6 0
                                    

Nang makarating na si David sa bahay nila... Bakas ng kalungkutan ang bahay, wala na ang sigla at tawanan ng pamilyang kanyang kinalakihan, nabalitaan niya na lang na nilibing na ang mga ito, dahil hindi sila nakita magkapatid pinagpalagay na rin na patay na sila..

"magandang gabi po, pwede po ba magtanung?" kumakatok sa bahay si David, eto ang bahay ni Manang ang isa sa kanilang katiwala

Bumukas ang pinto at Gulat ang mukha ni Manang ng makita siya. Mabilis siyang pinapasok ng bahay at niyakap

"anung nangyari sa inyong mag anak nagulat kami ng makita naming wala ng buhay ang iyong magulang, ang usap usapan sa lugar pinatay sila ng mga tulisan at pati kayong mga anak ay pinakain sa mababangis na Leon dahil ang mga damit na lamang ninyo ang nakita namin sa kagubatan" sabi ni Manang. Naalala niyang wala siyang saplot ng ginagamot siya ng matandang Teofilo malamang ay tinapon nito ang suot niyang damit na gulagulanit

"san po nakatira si Ate Rainne?" tanung niya dito

"ang batang yun, hindi na rin nakita ng mga kamag anak niya.. Ang alam ko bago bawihan ng buhay ang Tatay nito ay pupunta sana sa magulang mo at hihingi ng advance na sahod para sa tatay nitong may sakin" sabi ni Manang, kaya pala naroroon ito at nagawa silang iligtas

"pagkatapos na mamatay ang tatay nito, mabilis na umalis si Rainne dala ang mga gamit, hindi na namin alam kung san siya nagpunta" sabi ng matanda

"maraming salamat po, tutuloy na ako" sabi ni David

"kumain ka muna dito, hindi ka pwedeng magtagal sa lugar na ito Anak, maraming tulisan ang naghahanap sa'yo" sabi ni Manang

Biglang may pumasok ng bahay

"Rosie , halika may balita na ako sa dalawang batang anak ni Senior at Seniora" hindi napansin ng bagong dating na nandun si David at nakatago sa likod ng kurtina "Ayon sa nakalap kong balita, tinakas ni Rainne ang dalawang bata pero sa kasamaang palad namatay si Daisy nilapa ng mabangis na Leon at si David ay nakatakbo palayo, nakita na lamang ang suot nitong damit at tsinelas"

Tutop ang bibig na lumabas si David, panay ang tulo ng luha sa pagitan ng mga mata nito... Nagulat ang asawa ni Manang ng makita siya

"totoo po bang patay na ang kapatid ko?" sabi ni David sa pagitan ng pag iyak

"yun ay balita lang iho, hindi pa naman namin nasisigurado" pagpapaliwanag ni Manong Jovel

"hindi po maaaring patay na ang kapatid ko, nakita kong nakaalis sila ni Ate Rainne" umiiyak pa ring sabi ni David

"kung tama ang rinig kong si Rainne ang kasama ni Daisy ng mangyari yun, malamang na tama ang balitang nasagap ko, dahil bago umalis si Rainne ng lugar na ito sinabi niya sa pamilya nito na nilapa daw ang batang si Daisy at ikaw daw ay nakatakbo sa malayo.. Ngayon lang din namin nalaman ang balita at ayaw din magsalita ng pamilya ni Rainne sa takot na balikan ng mga tulisan ang pamilya nito" patuloy na sabi ni Manong Jovel

"buhay pa po ang kapatid ko" mahinang saad niya,kawalan ng pag asa at panghihina ng loob na ang naramdaman ni David sa sandaling yun kung nilapa ang kapatid niya tiyak na hindi niya na makikita pa ang maganda at maamong mukha nito

-------

Malalakas na katok ang nanumbalik sa kasalukuyan ni Tito David. Nabungaran niyang nakatayo si Jessica sa harap niya

"Tito David, may gusto po akong malaman tungkol sa larawang nakita ko" pinakita niya dito ang hawak na larawan

"san mo nakuha ito?" tanung ni Tito David

"sa kabinet po, may inaalungkat akong folder ng mapansin ko ang larawang nahulog, siya po ba ang nawawala niyong kapatid" tanung ko

"ang pinakamamahal kong kapatid, eto na lamang ang tanging alaala na naiwan niya sakin" nakita kong nagpahid ng luha si Tito David

"anung nangyari sa kanya Tito?" tanung ko

"alam kong hindi lingid sayo ang naging buhay ko kaya ako naging Assassin, ang pagkamatay ng pamilya ko ang dahilan kaya ninais kong balikan ang mga tulisang pumatay sa magulang at kapatid ko, katulad mo ang pinagdaanan ko Jessica kaya nararamdaman ko na sa bawat araw na binabangungot ka ang panunumbalik ng malagim na nangyari sa buhay ko" sabi ni Tito David

"kaya po ba nitong huling araw ay napabayaan niyo ang sarili niyo?" tanung ulit niya dito

"may tumawag sakin dito, sinasabi nitong buhay pa ang aking kapatid" sabi ni Tito David

"kung gayun, tama po ang hinala niyo na buhay si Daisy" sabi ni Jessica

"tama, hindi ako tumigil na maghanap sa kanya.. pero ang taong sadyang gustong magtago ay hindi basta basta makikita" sabi nito

"kung ganun po, anung nangyari?"

nagpatuloy sa pagbabalik tanaw si Tito David

-----

to be continue....

pls. vote and share

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now