CHAPTER 21 (ang nakaraan ni Tito David)

311 6 0
                                    

Pagkatapos umuwi ni Bryan sa bahay nito. Sinubukan ko namang mag halungkat ng gamit na makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa nawawalang kapatid ni Tito David gusto kong tumulong sa paghahanap.. Kung tama ang hula ko, dito nanirahan ang magkapatid nung mga bata pa ang mga ito bago lumipat ng batangas... Nakakita ako ng larawan ng babae at lalaking magkaakbay, ang sumunod pang larawan ay nasa beach ang dalawa nagsasabuyan ng tubig larawan ito ng masaya at nagmamahalang tao... eto na kaya ang bunsong kapatid ni Tito David, napakaganda niya... kung pagbabasehan sa mukha nakakasigurado kong eto nga ang nawawalang kapatid nito... Binuksan ko ang folder na hawak , ang laman nun ay iba pang detalyeng naglalaman ng mahahalagang impormasyon sa magkapatid kung bakit ginusto ni Tito David na maging assassin at ang pagkawala ng kapatid nitong si Daisy..

PAGLALARAWAN

Excited ang magkapatid na David at Daisy sa pagbisita sa bahay na pinagawa ng kanilang magulang sa batangas... Habang nasa byahe ang pamilya, masayang naghaharutan ang magkapatid, si David sa edad na 7 at si Daisy sa edad na 4... Naging napakabilis ng byahe kaya ang dalawang bata ay mabilis na tumakbo malapit sa dalampasigan, tuwang tuwa ang mga ito sa magasul ngasul na dagat at sa magandang pag alon ng tubig.. Nagsasabuyan ng tubig ang magkapatid, hindi napigilan ng mag asawang kuhanan ng litrato ang magandang eksena nakikita nila... Napakaganda ng kanilang pagpapalaki sa magkapatid kahit na pinanganak ni Seniora Danielle na may ginintuang kutsara sa bibig ang mga anak ay napalaki nya pa rin ang mga ito na may malaking respeto at pagpapahalaga sa maliliit na bagay,..

"Mga anak mamaya na yan, kumain muna tayo naghanda ng makakain natin si Manang" tukoy ni Seniora Danielle sa katiwala ng bahay

"opo Mama" sabay na sambit ng magkapatid, mabilis na tumayo ang mga ito at lumapit sa kanila

Masayang nagsalo salo ang pamilya sa masarap na putaheng nakahain sa kanilang harapan...

"Manang hindi po nagbago ang luto niyo, napakasarap ng mga inihanda niyo" papuri ni Senior Ismael

"maraming salamat po.. marami pong tumulong sakin sa pagluluto para makapaghain po kami ng masarap na pagkain sa mga espesyal na pamilyang katulad ninyo" yumuko pa ang matandang babae

"halika na po kayo at sumalo na kayo samin sa pagkain Manang" yaya ni Seniora Danielle

"huwag na po, para po talaga sa inyo ang pagkain na hinanda namin" Pagtanggi ni Manang

Nang matapos kumain ang magkapatid, sabay pang nagpasalamat ang dalawang bata kay Manang...

-------

"Manang may ipapakiusap po sana ako tungkol sa dalawang bata, napagusapan kasi namin sa darating na pasukan na dito namin sila pag aaralin" panimula ni Senior Ismael

"Siya nga po Sir? nakalulugod pong malaman na may titira na po sa bahay ninyo" nasa mukha ni Manang ang katuwaan

"kaya po kung maaari ay kayo ang pumili ng mga taong maaari naming mapagkatiwalaan bilang katiwala" pagpapatuloy ni Senior Ismael

"makakaasa po kayo Senior.. malaki po ang utang na loob ng pamilya namin sa inyo, kung hindi po sa tulong niyo hanggang ngayon puno pa din ng takot ang mga tagarito" sabi ni Manang

"wala sa kin yun, marapat lamang talaga na paalisin ang mga tulisan dito na nagpagsimula ng kagulahan at pananakot sa mga tao dito, at hindi ko na mapapayagan bumalot ang takot sa lugar na ito" matatag na sabi ni Senior Ismael

"lubos po kaming nagpapasalamat, naging tahimik ang lugar namin.. isang taon na din po ang nakakalipas ng magsialis ang mga tulisan at hindi na nanggulo" nakangiting saad ni Manang

"sa isang linggo po ay magsisimula na kaming magayos ng iba pang kakailanganin sa bahay, sana po kayo ang umagabay samin at ang mga tauhan na mapipili ninyo" sabi ni Senior Ismael

"sige po Senior, sa darating na sabado kakausapin ko na ang mga taong kakailanganin ninyo" sabi ni Manang

-------

Linggo ng umaga ng magsimula na silang ayusin ang bahay

"Mama, Papa dito na po ba tayo titira?" tanung ni David

"oo anak, pansamantala lamang pagbalik ng Ama ninyo galing sa Australia ay babalik tayo ulit sa Manila" sagot ni Seniora Danielle

"aalis ka Papa" tanung ni Daisy

"oo mga anak, kailangan kong asikasuhin ang lahat ng mga negosyong naiwan natin sa Australia, sa pagbabalik ko dito hindi na tayo maghihiwalay hiwalay" sagot ni Senior Ismael sa mga anak

"matatagalan po ba kayo?" nangingilid ang luha ng magkapatid

"mabilis naman lilipas ang tatlong taon anak, tatawag tawagan ko kayo palagi, kaya alagaan niyo ang Mama ninyo para sakin at kayong magkapatid wag kayong magaaway mahalin niyo ang isa't isa"habilin ni Senior Ismael sa magkapatid

"tama na yan, magkakaiyakan pa tayo , halika na at magpahinga na tayo sa taas ng kwarto" pasimpleng pinunasan nito ang luhang nagbabadyang pumatak

Habang paakyat ng kwarto, masuyong inakbayan ni Senior Ismael si Seniora Danielle

"Nakita ko yun honey, walang iiyak.." sabi ni Senior Ismael sa Asawa na lalong nagpangilid ng luha nito "kapag mabilis kong naayos ang negosyo natin dun , babalik agad ako...ginagawa ko lahat ng ito para sa future ng mga anak natin" pangungumbinsi pa lalo ni Senior Ismael

"opo, wala naman akong tanggi kaya lamang ay mamimiss ka namin ng mga anak mo" yumakap pa ng mahigpit si Seniora sa Asawa

"ganun din naman ako, kaya madalas ko kayong tatawagan" sabi ni Senior Ismael

"Mama, Papa maaari po ba tayong lumangoy mamaya sa dagat" excited na bungad ni David sa kwarto ng Mag asawa

"oo naman anak, magpapahanda ako ng makakain natin mamaya, gusto niyo ba na mag ihaw tayo?" alam na alam ni Seniora Danielle na paborito ng mga anak ang barbQ palibhasa madalang pa sa ulan kung pakainin niya ang mga ito ng galing sa inihaw

"talaga Mama? wala na pong bawian yan" sabay pa naglulundag ang magkapatid

"okay pangako ko yan sa inyo kung magpapakabait kayo" kundisyon ni Seniora Danielle

Sabay na nagkatinginan ang magkapatid "opo, magpapakabait kami"

--------

to be continue...

Anung masalimuot ang pagdadaanan ng Pamilya ni David sa mga taong tulisan

Abangan....

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now