CHAPTER 20 (ang paanyaya)

305 7 0
                                    


Bago umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa bahay ni Tito David. Nakita kong nakatanaw ito sa malayo, mukhang napakalayo ng iniisip


"Tito David" pukaw ko sa malalim na pag iisip nito

"Jessica ikaw pala, mukhang may maganda kang ibabalita sakin" napansin kong nangayayat ito

"may sakit ka ba Tito, ang laki ng pinayat mo" pagpuna ko dito , nakita kong nag iwas ito ng tingin


"wala ito... ang gusto kong malaman kung anung nangyari sa misyon mo" pagiiba ni Tito David ng usapan


"napatay ko na si Elliot" pagsagot ko sa tanung nito


"mabuti kung ganun, alam kong simula pa lang ito ng pakikipagsapalaran mo ng buhay sa mga kaaway natin, ang kalahati ng katawan mo ay nakalubog sa hukay, kaya magpakatatag ka sa mga susunod na misyon mo" pagpapaalala ni Tito David

"Naiintindihan ko.. pero sana ay intindihin mo din ang sarili mo Tito David., hindi ako magtatagumpay kung may isang taong mahalaga sakin ang mawawala" pagpaparinig ko dito, alam kong may dinaramdam ito kung anuman yun hindi ako papayag na mawala ito, ang pangalawang amang itinuring ko


"wag kang mag alala sakin Jessica, hindi pa ako mamatay kung yun ang iniisip mo, meron lang akong dapat na hanaping tao na maaaring makatulong sakin sa paghahanap sa nawawala kong kapatid" pagpapalubag loob ni Tito David sakin


Yumakap ako ng mahigpit dito hindi na ako muling nagtanung dahil bukas ang kwento ng buhay nito sa aming mga Assassin kaya natutong lumaban ito, dama ko sa yakap nito ang pagmamahal ng isang ama sa anak

-------


Nakauwi na ako ng bahay, sinigurado kong bago umalis ng bahay ni Tito David ay pinainom ko muna ito ng pampatulog , ayon sa mga kasama nito, Ilang gabi ng hindi ito makatulog, may isang tao daw na tumawag at nagbigay ng impormasyon na ang kapatid na matagal na nitong hinahanap ay buhay pa

Alas 8 ng umaga ng mabungaran ko si Bryan na nakahiga sa aking tabi, di ko napansin ang pagdating nito, siguro dahil na rin sa pagod at kakulangan ng tulog..


"anung oras ka dumating?" tanung ko kay Bryan


"mga 7, halos kadarating ko lang kani kanina.. hindi na kita ginising alam ko naman na napagod kita ng husto" kumindat pa si Bryan sakin

"panu ka nakapasok? sinigurado kong nakasarado ang pintuan at bintana" pinisil ko ang ilong nito

Tinaas ng isang kamay nito ang hawak na susi "kinuha ko yung spare key sa kabinet, baka pagtaguan mo na naman ako kaya sinigurado kong may hawak akong susi bago umalis ng bahay" hinuli nito ang kamay ko na pumipisil sa ilong nito


"so may balak ka na palang tumira dito" pagtataray ko kunwari


"kung okay lang sayo bakit hindi, willing naman ako maging slave mo sweety" hinalikan ako nito sa pisngi


"ooooops wala sa usapan natin yan hindi porket may nangyari na sa atin ay payag na kong tumira ka sa bahay ko" awat ko sa paghalik nito

"e di magpakasal na tayo para may karapatan na ako sayo" sabi ni Bryan

"naloloko ka na ba? halos mag iisang buwan pa lang tayo nagkakilala inaalok mo na ako magpakasal" pinigil kong mainis


"anung masama? mahal natin ang isat isa , at may nangyari na satin... diba dapat lamang na panagutan kita " hindi sumusukong sabi ni Bryan


"manatili na lang tayo kung anung meron satin ngayon.. wag mo kong pilitin ibigay ang gusto mo" titig na titig ako sa mukha nito

"ibig mong sabihin, balewala lang sayo ang nangyari satin" nakipagtitigan din ito sa akin


"mahal kita pero ayokong pilitin mo kong magpakasal, maari mong makuha sakin ang gusto mo pero mananatili lang ang relasyon natin dun dahil kapag pinili mong ipilit ang gusto mo malaya ka ng umalis sa buhay ko" sabi ko dito


malungkot itong tumanaw sa malayo "kung yan ang gusto mo, basta ipangako mong hindi ka na lalayo at iiwas sakin" pagsuko ni Bryan sakin


Kusa na akong yumakap dito, pinili kong hwag ng sumagot sa sinabi nito ang importante lang ay ang ngayon kasama ko ito... Muli naging simula ng aming pagniniig ang malalim na paghahalikan..


------
to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now