CHAPTER 51 (ang malapit na katapusan)

248 6 0
                                    

"Ilang taon bago muling nanumbalik ang ala ala ko, kinausap ko si Mama Rainne na bumalik ng Batangas para hanapin ang kapatid ko.. may nakapagsabi samin matagal ng umalis si Kuya David sa lugar na iyon at hindi nila alam kung nasaan ito... Ilang araw bago ko napagpasyahan lumuwas ng Manila nagbabakasakaling matagpuan ko ang kapatid ko... Duon ay may mag asawang kumupkop sakin, ang akala ko tutulungan nila akong hanapin ang kapatid ko yun pala balak akong ibenta sa isang hapon... Nang malaman ko ang plano nila umalis ako sa poder nila, hindi ko alam kung saan ako pupunta takot na takot ako Hanggang isang araw naging singer ako ng isang club.. duon ko nakilala si Melancio, inalok ako nitong maging Asawa pero paulit ulit kong tinanggihan" patuloy nito sa pagkkwento

"Dinahas ko siya para mapasaakin siya, walang nagawa si Jessie kundi pumayag na magpakasal sakin" tumatawang sigaw ni Melancio

"walangya ka.. pinangakuan mo ako na hahanapin mo ang kapatid ko kaya pumayag ako na magpakasal sayo" sabi ni Jessie sa patuloy na pagluha

"dahil walangya kang Asawa niloko niyo ako ni Abel" sigaw din nito

"dahil hindi kita mahal niloko mo din ako ... Nang makilala ko si Abel tumigil ang mundo ko, sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal at pagaalala.. unti unting nahulog ang loob ko sa kanya, kaya nagkaroon kami ng lihim na relasyon at nagbunga ito, sa takot namin na malaman ni Melancio binalak namin na tumakas" pagpapatuloy ni Jessie

"pero natunugan ko ang gagawin nilang pagtakas, kaya pinuntahan ko sila at binalak kong patayin si Abel pero nakatakas siya.. Ang walangyang Abel na yun" gigil na saad nito

"nakiusap ako kay Melancio na alang alang sa pinagbubuntis ko pakawalan niya na kami ni Abel, pero hindi siya pumayag kaya pinaalis ko si Abel dahil nagsimula ng magsidatingan ang mga tauhan ni Melancio siguradong papatayin nila si Abel" muling pagpapatuloy ni Jessie

"pero hindi Jessie ang pangalan ng kapatid ni Tito David" sabi kong naguguluhan

"Daisy ang totoo kong pangalan, ibinigay ko lang ang pangalang Jessie dahil yun ang pangalang ibinigay ng baklang nagpasok sakin sa club" sagot ni Jessie

Natahimik ang lahat kaya nagpatuloy sa pagkkwento si Jessie

"Ilang araw at buwan na hindi nagpakita si Abel, naging mahigpit ang pagbabantay sakin ng mga tauhan ni Melancio, hindi niya napilit na ipalaglag ko ang anak ko kaya hinintay niya ang araw na makapanganak ako para wala akong lakas na labanan siya, ang akala ni Melancio hindi ko alam ang balak niya kaya kinausap ko si Maring na itakas niya ang anak ko bago pa makaalis sina Maring at anak ko dumating si Abel para itakas kami pero natakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa anak ko dahil nasisigurado kong hindi titigil si Melancio na hanapin at patayin kami kaya nakiusap ako sa kanila na lumayo na sila at isama ang anak ko, kakayanin kong malayo siya sakin para mabuhay" umiiyak na sabi ni Jessie

"Hindi ako tanga Jessie dahil nalaman ko din na pinatakas mo ang anak mo kasama si Abel, kaya pinapatay ko ito kasama si Maring at ang anak nito" sabi ni Melancio

"may kapatid ako, kung totoong si Tatay Abel ang lalaking minahal mo.. ibig sabihin niloko mo si Nanay Maring dahil may anak sila na mas matanda sakin" nagagalit natanung ko

"hindi ....si Sofie ay anak ni Maring sa pagkadalaga"sagot ni Jessie "anak maniwala ka sakin, mahal kita kaya nagawa kong ipatakas ka"

"hindi ako naniniwala sa inyo, lahat kayo manloloko" sigaw ko "kaya papatayin ko kayo" tinutok niya ang hawak na baril kay Melancio

"H-U-W-A-G" sigaw ni Bryan na kinalinga ni Jessica, yun naman ang hinantay na pagkakataon ni Melancio para agawin ang baril kay Jessica.. itinutok nito ang baril kay Jessica

"mga loko loko ... papatayin ko kayong lahat" sigaw ni Melancio

"Ninong ibaba mo yan.. pag usapan natin to" sabi ni Bryan

"Isa ka pa, maaangkin ko sana ang kayamanan ni Charice kung pumayag ka lang na magpakasal sa pamangkin ko"tinutok nito ang baril kay Bryan

Dinamba ni Tito David si Melancio at nagpagulong gulong.. Parehong malakas ang dalawang lalaki... Isang putok ang kumawala at parehong bumagsak sa lupa ang dalawa

-----

to be continue

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon