CHAPTER 31 (romantic date)

279 5 0
                                    

Nakaligo at nakapagbihis na ng pantulog si Jessica ng tumawag si Bryan

"hello sweety, daanan kita ngayon" tanung nito

"akala ko ba pupunta ka dito sa bahay?" tanung ko

"hmmmm, i change my plan... gusto ko sanang kumain tayo sa labas" sabi nito

"ngayon na ba?" nagtataka kong tanung

"after 20 mins. nandyan na ko bye i Love you" at binaba na nito ang tawag

Nagpalit ako ng maong na pantalon at damit na Navy blue half shoulder

------

"ganda talaga ng sweety ko" humalik at yumakap agad si Bryan pagkakita nito sa akin

"san ba tayo pupunta?, at nagbago ang isip mo na sa bahay kumain" pangungulit ko

"gusto ko lang maging espesyal ang araw na'to dahil ikaw ang kasama ko" sabi nitong nakangiti

"hanggang ngayon nagagawa mo pa din akong bolahin, okay lang sana kung birthday mo" sabi ko sa pabirong tono

"exactly, kaya nga niyaya kitang kumain ngayon para icelebrate natin ang birthday ko" sabi nito

"hindi ka nagbibiro? seryoso ka ba?" sabi ko

"oo naman, hindi ko nga lang nasabi sayo kanina dahil maski ako nakalimutan kong birthday ko pala" tumatawang sabi nito

"Happy birthday sweety, wala man lang ako regalo" hinalikan ko ng matiim si Bryan na ginantihan nito kung hindi pa sila nasa byahe baka kung saan napunta ang paglalambingan nilang iyon

"naregalo mo na sweety, and embrace yourself,..mamaya kukunin ko ulit sayo" kumindat pa ito sa akin

Kinapamula ko pa rin ang sinabi nito kahit ilang beses na nilang naramdam ang langit sa isat isa

------

Nang makarating kami sa restaurant na pinareserve nito, punong puno ng butil ng roses sa bawat dinadaanan namin, May isang grupo ang tumutugtog ng love song... at sa pagkagulat ko hawak na ni Bryan ang isang pumpon ng bulaklak binigay nito sa akin at iginiya ako sa lamesang kami lamang ang espesyal na panauhin... Muntik na tuloy akong maiyak sa sorpresang binigay nito sa akin, ngayon ako naniniwalang sinadya nito na hindi ipaalam sa akin na kaarawan nito para ako ang masorpresa sa hinandang date nito

"do you like it?" tanung nito

"is this real" , naluluhang tanung kong hindi makapaniwala

"oo naman, ganyan kalaki ang pagmamahal ko sayo, kung maaring gawin ko palagi ito para makita ko ang kasayahan sa mukha mo, gagawin ko" naluluhang saad nito

"kawawa ka naman kung aaraw arawin mo to, malaking pera ang ginastos mo" natatawang maluha luhang wika ko

"kahit mamulubi ako basta ang importante napapasaya kita" sabi nito

humiling ako sa balikat nito"mamaya may price ka sakin sweety kapag uwi natin ng bahay" nang aakit kong sabi

"excited na ko" tugon nito na kinatawa nila ng sabay

Ginawa nilang espesyal ang araw na yun, tawanan at paglalambingan ang maririnig sa kanilang dalawa

---------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now