CHAPTER 42 ( ang pagpikot)

245 5 0
                                    

Tulog na tulog si Bryan nang pumasok si Charice sa kwartong inihanda ng Ninong at Ninang niya para dito. Lumapit siya sa kinahihigaan nito, hinimas ni Charice ang braso ni Bryan

"kung ako na lang sana ang minahal mo hindi ka na mahihirapan pa" bulong ni Charice sa tenga niya

Nagising naman si Bryan sa mga haplos ng babaeng nakatunghay sa kanya, natakot ang mukha nito ng makita siya nitong nakatingin "mahal kita" inaakala ni Bryan na nagbalik si Jessie

Wala ng pakialam si Charice kung harapan man banggitin ni Bryan ang babaeng karibal niya sa puso nito, ang mahalaga lang sa kanya ang maging kanya ang lalaki... "mahal din kita" anas niya sa pagitan ng halik nito, dama niya ang pagkahumandig ng pagkalalaki nito

Lalong nagpainit sa katawan ni Bryan ang mga halik ni Charice na inaakala niyang si Jessica, Bago tuluyang makatulog sa kalasingan naramdaman niyang tumabi ito sa kanya

---------

"Good morning lover boy" sabi ni Charice sa pagkakayap sa kanya "hindi ko akalain higit pa sa langit ang ipaparamdam mo sakin"

"anung kalokohan to Charice, anung ginagawa mo dito?" malakas na sigaw niya... tinignan niya ang katawang nababalutan ng kumot, wala silang saplot sa katawan .. Biglang bumukas ang pinto, lumitaw si Melancio at Jessie

"anung kalokohan to Bryan?" matiim na tanung nito, Si Jessie naman ay tikom ang mata sa nakita

"hindi ko alam ang nangyari Ninong, Ninang hindi ko alam kung bakit nasa loob siya ng kwarto" pagpapaliwanag niya

"sinungaling hinila mo ko pinilit mo ko..Tito may nangyari samin, kailangan niya akong panagutan... magagalit ang magulang ko kapag nalaman nila ang nangyaring ito" sabi ni Charice at pumatak ang luha nito

"Bryan hinayaan kitang magmahal nuon ng iba, pero ang kapangahasang angkinin ang pamangkin ko ang hindi ko mapapayagan sa loob ng pamamahay ko, mag usap tayo.. hihintayin kita sa labas" buo ang tono ng boses nito

"halika na iha, magbihis ka na" akag ni Jessie kay Charice... kahit na hindi niya gusto ang pamangkin ni Melancio tinulungan nya pa rin itong magbihis, malamang isa ito sa taktika ng babae para mapunta si Bryan dito, alam niya ang mga kalokohan nito, paulit ulit lang pinagpapasensyahan ni Bryan ito dahil sa pakiusap ni Melancio

Lumabas na si Bryan para kausapin ang Ninong Melancio niya, gusto niyang magpaliwanag na hindi niya alam ang nangyari kagabi .. Hindi niya matandaan na ginawa niya ang binibintang ni Charice sa kanya..

Sa loob ng kwarto, inis na tumingin si Charice kay Jessie "anung tinitingin mo, umalis ka nga sa harapan ko at naalibadbaran ako"

"Charice alam kong ayaw mo sakin, at pareho lang din ng pagkaayaw ko sayo ginagawa ko ito out of respect naaawa kasi ako sayo" napipikang sabi ni Jessie

"aba at ... ang kapal ng mukha mo din magsalita sakin niyan... kung hindi ka lang pinulot ng Tito ko wala ka sa katayuan mo ngayon" hindi patatalong sigaw nito

"sa mababa man nanggaling ang pinanggalingan ko, marunong naman akong rumespeto at respetuhin ng ibang tao, ikaw Charice may rumerespeto ba sayo" gigil na tugon ni Jessie

"respeto? dapat ka bang respetuhin... you bitch! akala mo hindi ko alam na nilawayan ka na ng bodyguard ni Tito, ang kapal nga ng mukha mong manatili dito, hindi ka pa ba sumusuko sa pambubugbog ng Tito ko" pang gigil na sani ni Charice

"atleast mahal ako ni Melancio, hindi ako ang nagpilit ng sarili sa kanya .. at kung may choice lang ako nuon hindi ito ang pamilyang gusto kong piliin" umalis na si Jessie sa harapan ni Charice, alam niyang sa pagkakataon na ito ay naisahan niya si Charice, pagod na siyang manahimik sa tuwing pamumukhaan siya nitong sampid lang siya sa pamilya nito

"youuuuuu bitch" sigaw ni Charice at binato pa nito ang unan na hawak sa pintong pinaglabasan ni Jessie

Naririnig pa din ni Jessie ang pagwawala ni Charice, hinayaan niya na lang ito

"may araw ka din sakin babae ka.. hampaslupa .." patuloy pa din ang pagsigaw ni Charice, ngitngit na ngitngit ang kalooban nito sa pagtalikod ni Jessie sa kanya.

----------

to be continue...

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon