CHAPTER 35 (ang pagtanggi)

247 5 0
                                    

Hindi makatulog si Jessica sa kwartong inihanda ng Mama ni Bryan sa kanya, hindi pumayag ang Mama nito na magtabi sila ng higaan hanggat hindi sila nakakasal.. Malaki ang takot nito sa Diyos

Sa pagmumuni ko, nagbalik sa akong isipan ang pagkamatay ng aking pamilya , walang patid ang mata ko sa pagluha at pagkikiskisan ng aking ngipin... Ngayon pa lamang ay natitiyak kong nagpapakasaya si Melancio ang akala nito ay walang nakasaksi sa pagpapatay nito sa aking pamilya.. Malapit na tayong mag tuos Melancio at sa araw na yun, ipamumukha ko sayo ang ginawa mo sa Pamilya ko.... sa isiping yun unti unti na kong ginapi ng antok

Madaling araw ng magising ako na may kumakatok sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ko... Naging kalmado ako at sinilip ang taong nambubulahaw ng tulog

Nang makilala ko si Bryan ang taong iyon, binuksan ko ang pinto ... mabilis akong hinalikan at niyakap nito... Nakapasok ng kwarto si Bryan at pinindot ang seradura ng pintuan... Nang makapasok na sa loob, hiniga ako ni Bryan pero pinigilan ko 'to

"anu ka ba? baka malaman ng Mama mo ang ginagawa mo dito sa kwarto, bumalik ka na sa kwarto mo" hindi kumbinsidong sabi ko, dahil patuloy pa din sa paghalik si Bryan , nagawa nitong gapiin ang konting natitirang patitimpi ko sa katawan.. Gumanti ako ng yakap at halik...

"hindi ako makatulog, iniisip kita... gusto kitang makasama" putol nito sa pagitan ng paghalik sa akin

Muli ay dinama nila ang kahubdan ng bawat isa... Naging mapagbigay si Jessica kay Bryan at sumayaw sila sa tugtog na sila lamang ang nakakarinig ... Mahihinang ungol at pagbanggit sa pangalan ng bawat isa ang namutawi sa bibig nina Bryan at Jessica sa apat na sulok ng kwartong kanilang pinagsasaluhan

Nang matapos sila, humiga sa tabi ni Jessica si Bryan

"pakasal na tayo" putol ni Bryan sa katahimikan ni Jessica

Lalong nanahimik si Jessica sa tinuran nito "uulitin ko na naman ba ang sagot ko"

"bakit ba ayaw mong magpakasal sakin?, hindi na ko sanay na wala ka sa tabi ko" pagmamakaawa nito

"isang papel lang yun, anung diperensya nun nagkikita at nagsasama naman tayo" pangangatwiran ko

"pero kulang, walang basbas.. hindi ko natitiyak kung ano ako sayo" madiin na wika nito

"kung gusto mong tumagal tayo, wag mo kong hanapan ng bagay na hindi ko kayang ibigay" nauubusang pasensyang saad ko

"hindi ko pa din maintindihan" tumayo na si Bryan, nagbihis at tuluyan ng lumabas ng kwarto

Habang ako naman ay walang patid ang pagluha.. kung hindi lang sa poot at galit laban sa taong malapit dito, at ang aking nalalapit na paghihiganti.. hindi sana ganito kasakit ang nararamdaman ko.... Sana ay masaya ako sa piling nito at bumubuo ng isang masayang pamilya

--------

to be continue

Hanggang san kayang panindigan ni Jessica ang pagtanggi sa alok na kasal ni Bryan... at paano kung muli silang magkalayo? Makakayanan kaya nilang mawalay kahit ang mga puso ay kapwa umibig ng lubos sa Isa't isa.

My GIRLFRIEND IS ASSASSINWhere stories live. Discover now