CHAPTER 168

4.5M 82.8K 310K
                                    

DEIB'S POV

Naalimpungatan ako at dahan dahang iminulat ang mga mata ko. Naramdaman ko agad ang saya sa dibdib ko kaya naman dahan dahan akong bumaling patalikod upang makita lamang na WALA si Taguro sa kama niya!

Daglian akong napabangon at agad siyang hinanap ng mga mata ko sa kabuuan ng kwarto!

Nasaan na ang puso ko!

Bumangon agad ako at naligo. Pagkabihis ko ay doon ko lamang kinuha ang cellphone ko upang tawagan siya.

Pero nakailang tawag na ako, hindi niya pa rin ito sinasagot.

"Busy'ng busy? Tch!" bulong ko pa. Sinulyapan ko ang relos ko at alas onse na ng umaga. Idinial ko ang number ni Lee. "Hello, Lee? Nasaan kayo?"

"Nandito kami sa harap ng dagat, bumaba ka na, nandito kaming lahat. Grabe ka matulog! Anong ginawa mo kagabi, ha?"

"Tch! Loko!"

"Hahahaha! Ikaw, ah!"

"Tigilan mo ko! Wala akong puso ngayon! Sasaktan kita!"

"Hahaha! You're so gay, Deib. Hihintayin ka namin dito."

"Sige." tsaka ko ibinaba ang linya. Sinulyapan ko pang muli ang kama ni Taguro. "Wala talaga siya?" tiningnan ko pa ang ilalim ng kama pero wala talaga siya! "Tsk! Saan ka nagsuot--BABE!" nakabusangot talagang sigaw ko! "Tsk! Namimiss pa naman kita! Ilang oras rin kitang hindi nakita dahil natulog ako, ah!" bulong ko pa matapos lumabas ng kwarto.

Tsk! Dapat talaga ay hindi ako natulog, eh! Para walang oras na hindi ko siya makikita! Hahahahaha! I'm so in love with this girl!

"Good morning, Sir!" bati elevator boy sa'kin at tinanguan ko naman siya. "What floor, Sir?"

"Ground floor, please." tugon ko at agad nitong pinindot iyon.

"Yeah, and I believe that their family is very rich! Ikaw na ang magmay-ari ng mga Hotels sa Manila, 'di ba?" dinig kong sabi ng nasa likuran ko.

"Rich and famous! I envy her!" tugon naman ng kasama nito.

~TING!~

"Thank you." sambit ko pa sa elevator boy tsaka lumabas ng Hotel. Agad akong sinalubong nila Mommy't Daddy. "Good morning, wonderful people!"

"Hey, son. Late ka na yatang nagising?"

"Mm, napasarap ang tulog ko, Dad. Nakita niyo po ba si Taguro?"

"She went somewhere."

"W-Where? Bakit hindi siya nagpaalam sa'kin?"

"Yiieee! I told you, she's sweet! Dati pa man ay hinahayaan ka lang niyang matulog!" nanunuksong ani Mommy at hinalikan ko naman ang noo niya.

"Anong sweet don, Mom?" nakangiwing tanong ko. "Mas gugustohin kong mapuyat makita ko lang ang mukha niyang hindi naman sobrang ganda, bwahahahahahahaha--"

"Kasama niya si Randall--"

"What!?" pigil ko agad kay Mommy.

"Yes, baby? Why?"

"M-Mom? Bakit siya sumama don? At hindi pa siya nagpaalam sa'kin! Kanina tinatawagan ko siya at hindi niya pa sinasagot!" nakabusangot talagang singhal ko! "Kagabi ay ilang beses niyang sinabi sa'kin na hiwalayan ko na siya--tapos kasama niya na naman si Randall ngayon? I-Ito ba 'yung sinasabi niyang pagmamahal!" wala sa sariling naiusal ko at natawa naman sila. "Tch! Saan ba siya nagsusuot! Akala ko pa naman ay makakasama ko siya dito magdamag!" inis talagang dagdag ko.

HE'S INTO HER Season 2Where stories live. Discover now