Chapter 55: Just Met Her

53 5 2
                                    


Karl

Sa sobrang init ng ulo ko, bumalik ako sa hotel. Wala na sana akong balak pang lumabas kung hindi ko lang nakasalubong ang mga kaibigan ko. Sasabihin ko na sana kanina kung ano 'yung nangyari kaya lang biglang sumulpot si Mich. Napilitan na akong sumama sa kanila. Pare-pareho na kaming nagpunta kung saan nagaganap 'yung party. Habang naglalakad, gusto kong sabayan sila Froi, pero kung makakapit naman kasi sa akin si Mich ay parang alam niyang iiwan ko siya. Hindi tuloy kami magkaroon ng boys time ng mga kaibigan ko.

Pagkarating namin sa party, nakakita kaagad sila Cheska ng p'wedeng p'westuhan sa harap ng bonfire. Nakita ko na kaagad ang grupo nila Elian at katabi pa rin niya 'yung lalaki. Sana naman ay 'wag na lang mag-react ang mga kaibigan ko kapag nakita nila si Elian. Wala na akong pakialam kung mapansin din nila si Jerson. Ang mahalaga, 'wag lang makilala ni Mich si Elian.

Pagkaupong-pagkaupo namin, biglang may kumalabit sa akin. Si Froi pala dahil sa tabi ko siya naupo. "Bakit?" tanong ko at ngumuso siya kung nasaan si Elian. "I know," mahinang sagot ko.

"Naiihi ako. CR muna tayo, mga bro," biglang pag-aaya ni Josef. Mukhang nakuha rin naman ni Froi ang nais iparating ng kapatid niya kaya tumayo na siya.

"I'll be right back," sabi ko kay Mich. Hinalikan pa niya ako sa pisngi bago niya ako tuluyang pinakawalan.

Sabay-sabay na kaming lumayo ng mga kaibigan ko. Dumiretso kami kung saan kami p'wedeng mag-usap. Sa lugar kung saan hindi kami mapupuntahan ni Mich. Sana lang ay pigilan siya nila Cheska kapag naisipan niyang sundan kami. Hindi talaga imposible kay Mich na pati sa CR ay sundan ako para lang makasigurado siyang hindi ko siya iiwanan.

Nagulat ako nang bigla akong pabirong itinulak ni Josef. "Bro, nakita mo 'yun? Si Elian may boyfriend na yata. Ang hina mo naman, bro," pang-aasar ni Josef.

"Froi, p'wede ko bang batukan ang kapatid mo?" tanong ko kay Froi at tumango naman siya. Akmang babatukan ko na si Josef, pero hindi ko na tinuloy. Tama naman kasi ang sinabi niya. "Kanina ko pa alam na nandito siya. Nagkita na kami. Bad trip nga, eh. Inakala ko pang ibang babae siya. Muntik na akong duma-moves."

"Once a playboy, always a playboy," sabi ni Josef. "So, boyfriend ba niya 'yung katabi niya? Bro, pare-pareho tayong lalaki, pero siguro naman napansin niyong gwapo ang kasama niya."

"Hindi ko alam. Basta, kung makadikit 'yung lalaki kay Elian, wagas. Hindi ko naman matanong dahil hindi ko alam kung paano. At saka, sa tingin ko okay na rin na may iba siya. At least, kahit papaano p'wede ko nang bawasan ang pag-iisip ko sa kanya at saka para na rin mailayo ko siya kay Mich," paliwanag ko. "Pero, tangina talaga 'yung lalaki, eh. Hindi ko malaman kung seryoso ba o nanggagago lang, eh."

"Bakit hindi ka ba sanay kumilatis ng kapwa mo?" natatawang sabi na naman ni Josef.

"Enough, Josef," saway sa kanya ng kapatid niyang si Froi. "Alam naman naming nasasaktan ka kahit hindi mo aminin. Aminin nga lang na mahal mo na si Elian, hindi mo magawa, eh. Aminin pa kayang nagseselos ka?"

"Oo na. Siguro nga mahal ko na siya. Pero, kahit pa gaano ko siya kamahal, hindi na p'wede kasi kasama ko na si Mich. I've given Elian a chance to tell me how she feels about me, but she said she doesn't know. Sabi nila Mommy, confused si Elian at hindi ko ma-gets kung bakit siya confused."

"May pinagdaraanan nga, 'di ba? Fresh pa 'yung wounds na iniwan no'ng Luke. Hindi naman gano'n kadaling maka-move on kung sobrang minahal mo talaga 'yung tao. Kapag naranasan mo na, saka mo lang malalaman kung bakit gano'n si Elian," paliwanag ni Froi. Ang dami talaga niyang alam sa pag-ibig. Hindi ko tuloy malaman kung nakailang girlfriend na siya.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now