Chapter 24: The Offer

78 4 0
                                    


Karl

Pagkatapos ng huling klase ko, nakipagkita lang ako sandali kay Froi para balitaan siya tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin. Nagkaroon man kami ng maliit na pagtatalo, alam kong nag-aalala pa rin siya sa akin. Sinabi ko na lang na siya na rin ang bahalang magsabi kila Millicent at Josef na okay lang ako. Si Cheska naman ay updated sa akin dahil madalas niya akong tanungin kung okay lang ako at kung ano ang gagawin ko sa buong maghapon. Parang gusto yata ng kapatid ko na gawin ko siyang personal alalay para alam niya kung ano na ang nangyayari sa akin.

Dahil hindi naman ako p'wedeng mag-drive, nagpa-drive ako sa driver namin para ihatid ako pagpasok at pagpunta sa band rehearsal namin. Alam ko namang isa-suggest nila Daddy na magpa-drive ako kaya inunahan ko na sila. Ako na mismo ang nagsabi sa kanila para maiwasan na rin ang pag-aalala nila sa akin.

Pasakay na sana ako sa backseat ng kotse nang may tumawag sa akin. Kaagad ko naman siyang nilingon at nakita kong tumatakbo si Coach papalapit sa akin. After no'ng game, ngayon ko lang makakaharap si Coach. Wala naman na akong reason para iwasan pa siya.

"Karl," pagtawag niya ulit sa akin kahit na malapit na kami sa isa't isa.

Isinara ko muna ang pinto ng kotse. "Coach," sagot ko naman.

"Gusto lang sana kitang kumustahin. Nabalitaan ko kasing pumapasok ka na ulit kaya inalam ko ang uwi mo ngayon. Buti na lang at naabutan kita."

"Coach, sumasagot na ako ng tawag. Sana tinawagan mo na lang ako. Napagod ka pa tuloy. Baka umatake pa ang arthritis mo dahil sa akin," pagbibiro ko pa.

"Puro ka talaga kalokohan." Sabay tawa niya. "Eh, alam mo namang nag-aalala ako sayo. Hindi ko alam, pero feeling ko, guilty ako sa nangyari sayo. Siguro kung hindi ko tinuloy 'yung game, baka naglalaro ka pa rin hanggang ngayon."

"Ano ka ba, Coach? Wala kang kasalanan sa nangyari kaya 'wag kang ma-guilty. Aksidente ang nangyari. Walang may gusto no'n." Ayaw kong sinisisi nila ang sarili nila dahil sa nangyari sa akin. Malinaw na malinaw naman sa akin na aksidente iyon. Choice ko ang ginawa ko kaya walang may kasalanan, kung hindi ako rin. Baka may purpose lang talaga kung bakit nangyari iyon.

"Nami-miss ka na rin ng mga ka-teammate mo. Tumahimik daw kasi ang court no'ng nawala ka. Wala na raw naninigaw sa kanila sa tuwing tinatamad silang mag-practice. Wala na ring nagde-dirty jokes sa gitna ng practice. Sana bumisita ka pa rin sa locker room kapag free ka. Sayo pa rin ang locker mo at hindi namin ibibigay sa iba iyon."

Itong si Coach gusto pa yatang magpaiyak. "Sa macho kong 'to parang gusto niyo pa akong paiyakin. Bisitahin ang locker room? Why not, but not now. I'm doing a soul-searching kasi," natatawang sabi ko. "What happened traumatized me, Coach. Siguro naman hindi niyo ako masisisi kung medyo iiwas muna ako sa basketball. Hindi ko alam kung dapat ko pang gamiting ang salitang medyo. I already threw my basketball things out of anger and frustration. Seeing things related to basketball might cause me pain again, not physically, but emotionally. You know how much basketball means to me. Parang girlfriend ko na nga ang paglalaro ng basketball, eh."

Matagal na kaming magkakilala ni Coach kaya hindi na ako nahihiyang magsabi sa kanya kung ano man ang gusto kong sabihin. Kilalang-kilala na rin niya ako. Alam niyang once na nag-decide na ako sa isang bagay, wala nang bawian iyon. I'm a man of my words. Para sa akin, wala na silang p'wede pang gawin para mapagbago ang isip ko. Gano'n din naman, eh. I'll love basketball again, and then what? Mag-co-collect na lang ako ng kahit anong bagay na related sa basketball? What I love about basketball is I feel great playing it, not collecting stuff or so.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now