Chapter 44: Just the Girl

72 5 0
                                    


Elian

Pagsapit ng gabi, nag-stay na lang kami sa harap ng bonfire. Nagkukwentuhan lang 'yung mga kaibigan. Hindi naman kami maka-relate ni Amy dahil ngayon lang naman namin sila nakasama. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong sumama. Hindi naman talaga ako sasama kung hindi lang din naman ako pinilit ni Amy. Nahihiya raw kasi siyang tumanggi kila Karl. Lalo na't kay Cheska pa pala nanggaling ang invitation.

Sa totoo lang, wala na talaga akong mood na humarap pa sa kanilang lahat dahil hindi ko kinaya 'yung nangyari sa akin kanina. Parang mas gusto ko na nga lang magkulong sa loob ng CR kanina. Hindi ko alam kung bakit naisipan akong sunduin ni Millicent. Medyo kumalma naman ako nang makausap ako ni Millicent. Wala naman siya masyadong sinabi, pero gumaan talaga ang pakiramdam ko nang makita ko siya. Ewan ko, pero parang naiintindihan niya ako.

Hindi naman hinahayaan ni Karl na ma-OP kami sa kanilang magkakaibigan. Kahit sila Josef ay kinakausap naman kami at pinaparamdam na welcome kami sa kanila. Okay naman sila para sa akin. Kaya lang baka simulan na naman ito ng issue. Hindi malayong hindi makarating sa ibang tao ang tungkol sa outing na 'to. Baka kung ano na naman ang sabihin ng iba dahil sa pagdikit namin kila Karl. Kailangan ko na bang masanay o kailangan ko na talagang lumayo? Akala ko nga ay magtutuloy-tuloy na ang hindi namin pag-uusap ni Karl, eh.

"Okay pa kayo?" nakangiting tanong ni Josef.

"Oo naman," sagot ni Amy. Buti na lang at kasama 'tong si Amy. Kahit papaano may kasama akong makapal ang mukha at game na game makipagsabayan sa mga kasama namin.

"Ikaw, Elian, okay ka pa?" tanong ulit ni Josef at tumango naman ako. "Sabihin niyo lang kung kailangan niyo ng maiinom o makakain, ha. 'Wag kayong mahiya."

"True. Ituring niyo na rin kaming kaibigan niyo. Tutal, you're friends with my brother naman na," sabi naman ni Cheska.

"Wow. Ikaw ba talaga 'yan, Ches?" pagbibiro ni Karl kaya naman natawa kaming lahat. "Grabe. Hindi ko alam na friendly ka na pala ngayon."

"Don't start with me, Karl. Maganda ang mood ko ngayon," sagot ni Cheska sa kapatid niya. "Baka nga mas gugustuhin pa ni Elian na makipagkaibigan sa akin kaysa sayo, eh. 'Di ba, Elian?" Biglang tingin sa akin si Cheska.

"Ha? Ano. Cool naman akong makipagkaibigan kahit kanino," nakangiting sagot ko. Hindi naman ako choosy sa kaibigan. Sadyang alam ko lang kung sino ang mga dapat kaibiganin. Malakas kasi akong makaramdam kung hindi ko type ang ugali ng isang tao. Akala ko nga ay hindi kami magkakasundo ni Cheska dahil magkaibang-magkaiba kaming dalawa. Buti na lang at medyo nagbago na nga siya. May pagkamaldita pa rin, pero mas nangingibabaw ang pagiging friendly niya.

"It's too boring, don't you think? Put your hands up if you want me to sing," sabi ni Karl at tanging si Amy lang ang nagtaas ng kamay. Dalawang kamay pa. "Kaibigan ko ba talaga kayo?" tanong niya sa mga kaibigan niyang hindi man lang nagtaas ng kamay.

"Maganda kasi ang panahon. Baka biglang bumagyo," pang-aasar ni Froi. Hindi ko alam na sanay pala siyang mang-asar. Para kasing napakatahimik niya at chill-chill lang.

"Sana pala we bring Lenard along," singit ni Cheska.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Josef.

"Wala lang. Mas okay kasi kapag may pinagkakaisahan tayo, eh."

"Babe, ang mean mo na naman sa kaibigan ko. 'Di ba good girl ka na?" paglalambing ni Josef sa girlfriend niya, sabay halik pa niya sa pisngi nito. "Sige. Sa susunod, isasama ko siya para may clown tayo."

Love Hate: Keep Loving MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon