Chapter 54: See You

65 4 5
                                    


This is for you, @angelchris3572 Thank you for the support! :)

---

Elian

Sayang hindi nakasama si Amy. Bigla kasi silang nagkalakad ng family niya. Gusto ko na rin sana na maging close siya sa high school friends ko. Inaya rin kasi ni Zel 'yung iba pa naming magkaibigan. Sinundo ako ni Zel sa bahay dahil siya naman ang may kotse sa aming magkakabarkada. Kasabay namin sa kotse sila Anton at ilan ko pang kaibigan na ipinagkasya sa loob ng kotse.

Nasa biyahe na kami nang malaman kong open pala sa lahat 'yung party. Muntik na akong mag-back out dahil ayaw ko nga nang maraming tao. Wala na akong nagawa dahil malayo na ang narating namin no'ng sinabi ni Zel 'yun. Naisip naming mag-stay do'n hanggang Sunday ng gabi para naman sulit ang alis namin. Sa isang inn na lang daw kami matulog para hindi malaki ang gastos. Buti na lang talaga at nakahingi rin ako ng pocket money kay Papa.

Malapit nang maggabi nang makarating kami sa beach kung saan gaganapin ang party. Nag-check in muna kami sa isang inn at nagpalit ng damit para makapaligo sa dagat bago mag-start ang party. Hindi ko hilig ang mag-swimming sa dagat dahil takot akong malunod kahit pa sanay naman akong lumangoy. Hindi ko lang talaga trip ang tubig-alat na masakit sa mata at mga buhanging dumidikit sa katawan ko.

Wala naman akong arte pagdating sa mga ganitong outing. Babae rin naman ako kaya nagsusuot din ako ng bikini. Naka-shorts nga lang at minsan ay may see-through din. Hindi naman bastusin ang katawan ko kaya okay lang. Hindi naman kasi ako gano'ng ka-sexy para pagtinginan ng mga lalaki sa tabi-tabi. At saka, nakakahiya naman sa mga kasama ko kung ako lang ang balot na balot habang naliligo.

"OMG! I'm so excited. Wala pa ako sa dagat, pero giniginaw na kaagad ako," natutuwang sabi ni Zel.

"Kumusta naman 'yung suot ko?" biro ko pa. Sabagay, ito ngang mga kaibigan kong lalaki ay puro naka-boardshorts lang, eh. Pero, naniniwala akong mas makapal ang balat nila kaysa sa akin.

Hinawakan na ako sa kamay ni Zel at sabay kaming naglakad papunta sa dagat. May liwanag pa naman kaya hindi pa kami natatakot mag-swimming. Delikado kasi sa dagat kapag gabi, eh. Hindi rin naman tantsado ang lakas ng alon kaya doble ingat kaming magkakaibigan. Hindi rin naman ako magtatagal sa paliligo dahil sabi ko nga, hindi kami close ni dagat.

Panay harutan lang kaming magkakaibigan habang hinintay naming magsimula ang party. Medyo dumarami na rin ang mga taong naliligo, na mukhang 'yung party din ang ipinunta. Sana nga't magdilang-anghel si Amy. Sabi niya kasi ay ito na 'yung time ko para makapag-relax. Kalimutan ko raw muna ang mga problema ko at mag-enjoy. Sayang talaga at wala siya. Ang sarap niya sanang lunurin sa dagat. Joke.

"So, kumusta ka naman, love?" tanong sa akin ni Zel. Love kasi ang tawagan naming dalawa.

"Okay naman," sagot ko. "Wala namang bago."

"Hindi mo pa rin pinatulan 'yung Karl?"

"Ah. Si Karl? May girlfriend na 'yun. 'Yung babaeng kasama niya no'ng nakita natin siya 'yung girlfriend niya."

"Ang bilis naman. Sabagay, nasa itsura naman niya ang pagiging playboy, eh. Hayaan mo na. Marami pa namang iba d'yan," sabi pa niya. "Malay mo ako pala."

Kung nasa malalim lang kami, baka nilunod ko na siya. "Gaga ka. Hindi tayo talo," natatawang sabi ko.

Natawa na lang din siya. "Tara. Ahon na tayo para mauna tayong makap'westo malapit sa bonfire. Hayaan muna nating maglunuran sila Anton," pag-aaya niya.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now