Chapter 39: Let Me

68 4 2
                                    



Karl

Hindi nagtagal, bumuhos na ang malakas na ulan. Mag-sa-summer na, humabol pa ng ulan? Hindi ko gets ang panahon. Masyado yatang moody. Kagaya nitong kasama ko. Akala ko galit siya sa akin no'ng paglabas niya ng cafeteria. Pero, no'ng nagkaharap naman kami, parang wala naman siyang problema sa akin. Paranoid lang ba ako? Muntik na rin siyang masagasaan kanina dahil sa akin. Na-bad trip pa ako do'n sa driver dahil hindi narinig ni Elian ang sinabi ko. Pero, buti na lang din talaga at hindi niya narinig. Baka kasi kung ano pa ang isipin niya at bigla na lang siyang lumayo sa akin.

Sasandali palang kami magkasama ngayon, pero ang dami ko nang natutunan. I don't know. It seems like she already faced a lot of problems to say such things. Siguro nga't magkaiba talaga kami ng mundo. Kung siya napapalampas niya lang ang maliliit na bagay, ako naman ay hindi. Hindi kasi ako sanay nang binabaliwala ang maliliit na pagkakamali dahil alam kong p'wedeng maulit at baka lumaki pa. Kung hindi nga lang nag-react ng gano'n si Elian at kung hindi niya pinaalis kaagad 'yung lalaki, baka nasapak ko na 'yun, eh.

Kanina ko pa pinapanood si Elian habang nakatingin siya sa labas na para bang pinapanood niya ang pagpatak ng ulan. Parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya, pero mukhang mas gusto na lang niyang manahimik habang naghihintay. Sa totoo lang, ang tagal na naming naghihintay. Tuloy pa ba sila? Minsan na nga lang ako makisabit sa ibang lakad, mukhang hindi pa matutuloy.

Nagulat ako nang biglang tumingin sa akin si Elian. Binawi ko naman kaagad ang tingin ko para hindi niya malamang kanina ko pa siya tinitingnan. Kunwari ay nakatingin na lang din ako sa labas.

"Karl," pagtawag niya sa akin kaya nilingon ko ulit siya. "May load ka ba?"

Kinabahan ako. Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. "Oo naman. Bakit?" Naka-line ako kaya malamang sa may load ako. Oo, ako na ang rich kid.

"Pa-text naman, oh."

Bigla kong naalala na wala nga pala siyang phone. Paano niya malalaman kung tuloy pa sila o hindi. Baka mamaya kanina pa pala nando'n ang mga kaibigan niya. Inabot ko na sa kanya ang phone ko para mai-text na niya ang kaibigan niya.

"Naki-text lang kasi ako kay Amy kanina. Baka mamaya nando'n na pala sila," sabi niya habang nagta-type sa phone ko. Buti pa siya sanay mag-multitask.

Kailan kaya siya ulit magkaka-cellphone? Bilhan ko kaya siya at palabasin na napanalunan niya lang? Pero, paano siya mananalo kung wala naman siyang sinasalihang kung anu-ano. Kapag kasi binigyan ko siya ng phone, malamang sa hindi niya tanggapin. Kailangan niya rin kasi ang phone in-case of emergency.

Binalik niya sa akin ang phone ko pagkatapos niyang maki-text. Ibabalik ko sana sa bulsa ko ang phone nang bigla naman itong nag-ring. Dahil sanay na ak, nasagot ko kaagad 'yung tawag. "Hello?" sabi ko.

"Si Elian?" sagot ng lalaki sa kabilang linya.

Tiningnan ko ang screen ng phone ko at hindi nga naka-save sa akin 'yung number ng tumawag. "Para sayo yata," sabi ko at saka ko inabot kay Elian ang phone ko. Lalaki ang kikitain niya? Nakita ko na kaya 'yun no'ng reunion nila?

Sinagot na niya ang tawag na mukhang para sa kanya naman talaga. "Gano'n ba? Sige sige. Pupunta na kami d'yan. Okay. Salamat," sabi niya sa kausap niya. Pagkababa ng tawag, inabot niya ulit sa akin ang phone ko. "Nando'n na pala sila. Medyo kanina pa. Wala kasi akong phone kaya hindi nila ako ma-text. Mukhang naghintay lang talaga tayo nang matagal. Pasensya ka na, ha."

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now