Chapter 41: Y.O.L.O

68 4 4
                                    



Karl

Hindi maganda ang naging pagpapaalam ko kay Elian dahil sa huling sinabi niya. Alam kong hindi niya sinadyang banggitin o ipaalala iyon, pero iba kasi talaga ang nararamdam ko kapag naaalala ko ang bagay na 'yon. Oo nga't ang tagal nang nakalipas no'n, pero syempre, masakit pa rin kapag nasagi sa isipan. Lalo na't apektado ang lahat ng kaibigan ko.

Tinanggap ko naman ang paghingi niya ng sorry. Nawala na lang talaga ako sa mood. Ewan ko ba? Bakit kasi nagtanong pa ako sa kanya? Bakit kinamusta ko pa ang love life niya? Mas okay na nga 'yung hindi na niya naaalala si Luke, eh. Ang masama do'n, may napaalala siya sa akin at may napaalala ako sa kanya. Ang ibig-sabihin ba nito sabay pa kaming magdadrama ngayong gabi? Sabagay, nakikisama naman ang panahon.

Imbis na magpahatid ako sa bahay, kila Froi ako dumiretso. Alam ko namang gising pa 'yung dalawang 'yon. Kailangan ko lang talaga ng makakausap. Feeling ko kasi ang weird-weird ko na. Napaka-unsual sa akin na kabahan kapag may kaharap na ibang tao. Na-meet ko naman na ang ibang parents ng kaibigan ko, pero hindi naman ako kinabahan nang sobra-sobra no'ng unang pagkikita namin. Pakiramdam ko ay muntik nang sumabok ang dibdib ko dahil sa kaba kanina. First time ko lang kasing na-meet ang Papa ni Elian. Akala ko siya 'yung klase ng Tatay na mahigpit sa anak. In-assume ko tuloy na magagalit siya dahil gabi nang nakauwi ang anak niya. Pero, sabi nga nila, expect the worst.

Pagkarating namin sa harap ng bahay nila Froi, pinauna ko nang umuwi ang driver ko. Makikitulog na lang ako dito. Madalas naman akong matulog dito kapag hindi ko trip sa bahay. Nakakasawa rin kasi talaga ang bunganga ni Cheska. Hindi ko alam kung saan niya pa nakukuha ang kwento niya araw-araw. Alam ko namang sinusulit niya ang mga araw na kasama namin ang parents namin, pero hindi ko na talaga kaya.

Nag-doorbell ako dahil naka-lock ang gate. Nakita ko namang may bukas pang ilaw sa loob ng bahay kaya alam kong hindi pa sila tulog. Hindi naman nagtagal ay lumabas na si Josef at hindi na siya nagulat nang makita niya ako. Sanay na kasi siya sa akin. Minsan nga ay madaling-araw pa akong nagpupunta kapag galing ako sa gimikan. Bihira akong umuwi sa bahay kapag alam kong nakainom ako nang sobra. Hindi naman mahigpit sa akin ang parents ko. Ayaw ko lang na isipin nilang naglalasing ako dahil may pinagdaraanan akong hindi nila alam.

"Umuulan na, nagpunta ka pa dito?" bungad sa akin ni Josef habang pinagbubuksan niya ako ng gate.

Pumasok na ako. "Hindi naman ako galing sa bahay, eh," sagot ko. Bigla niya akong inamoy. "Gago. Hindi ako uminom."

"Namura pa ako." Sabay kamot niya ng ulo. "So, kumusta si Cheska?"

Huminto ako sa paglalakad at napahinto rin siya. "Let's skip the 'How's Cheska' part when we're together for now, okay?" Alam ko namang lagi silang magka-text o magkausap through call. Hindi ko lang ma-gets kung bakit kailangan pang magtanong sa akin nitong si Josef.

Pagkapasok namin sa loob, dumiretso na kami sa taas para puntahan si Froi sa kwarto niya. Oo, daig pa nga namin ang mga babae kapag nakukwentuhan. Simula no'ng umalis si Juan, bihira na kaming maglagay ng alak sa harap namin sa tuwing magkakasama kaming mga lalaki. Hindi ko naman sinabing lasinggero si Juan. Sadyang siya lang talaga ang pasimuno.

Walang anu-ano ay pinasok namin ang kwarto ni Froi. Sakto naman at kakalabas niya lang ng CR. Mukhang kakaligo niya lang dahil tanging towel lang ang suot niya. Naupo si Josef sa sofa at binagsak ko naman ang katawan ko sa kama ni Froi habang hinihintay namin siyang makapagbihis. Mga ilang minuto ring natahimik ang kwarto ni Froi dahil ni-isa sa amin ay walang nagsalita.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now