Chapter 19: Past Tense

70 5 0
                                    


Elian

Abala ako sa pagkanta ng Hotel Ceiling by Rixton nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Akala ko kung ano na ang umistorbo sa pagsa-soundtrip ko. May nag-text lang pala. No'ng una ay binaliwala ko lang dahil sino ba ang magte-text sa akin? Malamang sa GM lang iyon o kaya scam. Tuloy lang ako sa pagkanta dahil wala akong magawa. Nakakapagod din pala 'yung laging nakaupo o kaya laging natutulog. Wala na naman kasi kaming klase. Wala na naman 'yung prof naming masipag, kaya heto, nganga lang ako sa bahay.

Hininto ko na ang pagkanta nang may nag-text na naman. Wala na akong nagawa, kung hindi tingnan kung sino ba ang nang-iistorbo sa pag-co-concert ko. Napairap pa ako nang makita kong galing kay Amy ang isang text. Ang galing talaga niyang t-um-iming. Alam naman niyang ayaw kong naiistorbo kapag walang klase, kasi pahinga day nga. Hindi ba niya alam 'yung pahinga?

Amy: Watchudoin?

Me: Nanood ka na naman ng Phineas and Ferb, 'no?

Pagka-reply ko kay Amy, sunod ko nang tiningnan ang isa pang text. Akala mo namang ang daming nagte-text sa akin. Marami na ang tatlong text sa isang araw. Madalas ay puro GM lang talaga. Minsan, sila Mama, para sabihing isilong na ang sinampay dahil baka abutan pa ng lamig sa gabi. Anyways, medyo napanganga na lang ako nang makita ko kung kanino galing ang isang text.

Prince: Hey. :)

Wow. After 24342 years, ngayon na lang ulit siya nag-text. Well, hindi naman talaga gano'n katagal kasi kung gano'n nga, baka hindi na kami nag-e-exist ngayon at hindi ko na nabasa pa ang text niya. Nakakapagtaka tuloy dahil sobrang tagal naman ng reply niya. Nawalan ba siya ng load? Walang signal? Akala ko pa naman naka-line siya kasi ang lakas niyang mambwisit no'n. Dahil wala nga akong magawa, naisipan kong mag-reply.

Me: Hey ka rin.

Wala pang ilang segundo ay nag-vibrate na naman ang phone ko. Excited pa ako nang basahin ko ang text. Galing lang pala kay Amy. Eh, bakit ako disappointed? Weird.

Amy: Parang ikaw hindi. Btw, ano? Pupunta ka sa reunion niyo?

Me: Duh. Today is Rixton day. Kung pupunta ako? Hindi ko pa alam, eh. Ano ba sa tingin mo?

Amy: Sa tingin ko? Dapat kang pumunta. Reunion nga, eh. Ikaw ang president ng section niyo. Hindi p'wedeng hindi ka pumunta. Malay mo, baka do'n mo na makita ang 'The One' mo. >:)

Me: Grabe ka. Parang sinabi mo na rin na pupunta lang ako do'n para magharot. Pag-iisipan ko pa. Wala nga akong damit na susuotin, eh.

Amy: Hello? Matagal pa naman 'yun. Makakapag-isip ka pa kung gaano kamahal na damit ang susuotin mo. I'll help you, okay?

Me: Okay. Okay. Now, stop bothering me.

Amy: Bakit? May ka-text ka bang iba? Wow. Asa kang may magte-text sayo. :D

Me: Wow. Kapag mayro'n, ano'ng gagawin ko sayo?

Amy: Eh, 'di masaya. Hindi ka na loner.

Me: K.

Ang lakas talaga niyang mang-asar. Kapag nagkaroon lang ako ng alas sa kanya, hindi ko siya tatantanan. Papaiyakin ko siya sa sobrang inis. Pero, syempre, hindi ko gagawin iyon dahil mabait akong kaibigan. Gantihan ko man siya, hindi gano'n ka-hard, slight lang.

Speaking of reunion. Hindi ko alam kung pupunta ako dahil hindi ko pa alam kung wala akong gagawing importante no'n. May three weeks pa naman ako para mag-decide. Hindi naman kasi grand reunion iyon. Parang trip-trip lang ng batch namin. At do'n sa dating school namin gagawin, which is hindi naman kalayuan sa bahay namin. Kinukulit na nga ako nila Anton dahil sila, sure na. Halos lahat ng classmates ko no'ng highschool ay pupunta. Parang ako nga lang yata ang nagdadalawang-isip. Hindi ko alam kung bakit. Pero, baka alam ko kung bakit ayaw ko lang aminin. Whatever.

Love Hate: Keep Loving MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon