Chapter 47: Love is So Complicated

69 4 5
                                    



Elian

Bago kami tuluyang bumalik sa van, inaya pa ako nila Millicent na mag-picture dahil kaunti lang daw ang picture nilang kasama ako. Wala naman akong nagawa, kung 'di sakyan ang trip nila. Bigla na lang umalis sila Froi kanina no'ng nawala si Karl kaya hindi na rin sila nakasama sa picture. Hindi na rin namin sila hinintay pang balikan kami. Iniwan na lang namin ang gamit nila at iba pang gamit na sila lang ang may kayang magdala.

Pagkalipas ng halos kalahating oras, dumating na 'yung mga lalaki. Dala na nila 'yung mga iniwan naming gamit at isa-isa naman nila iyong nilagay sa dapat paglagyan. Nauna na kaming pum'westo ni Amy kung saan kami nakaupo no'ng papunta palang kami. Katabi ko no'n si Karl, pero ngayon, do'n na siya naupo sa passenger seat.

"Good to go?" tanong ni Karl habang nakatingin lang siya sa harap.

"Yep," sagot ni Cheska.

Nag-drive na si Manong Driver kaya naman sumandal na ako para makabuo ng tulog. Kanina ko pa gustong matulog dahil antok na antok na ako. Hindi ako makapikit dahil wala pa nga sila Karl. Ito na ang pagkakataon ko para makabawi ng tulog.

"Tulog lang ako, ha," paalam ko kay Amy at tumango naman siya. Alam naman kasi niya ang pagkasabik ko sa tulog sa mga panahong ganito.

Kakapikit ko lang nang biglang may nagpatugtog ng malakas. Napadilat tuloy ako at nagising ang buong pagkatao ko. Narinig ko na lang na sinisita ni Cheska ang kapatid niya dahil sa sobrang lakas niyang pagpapatugtog. Sinubukan pahinaan ni Cheska ang tugtog, pero sinabayan pa ni Karl ang kanta na parang walang nagrereklamo. Imbis na sawayin nila Froi si Karl, nakisabay na rin sila sa tugtog at trip ng kaibigan nila. Ang ending, bangag ako.

Pinakinggan ko na lang ang buong magkakabarkada habang kinakanta nila ang Accidentally in Love. Si Amy ay nakikisabay na rin dahil alam niya 'yung kanta. Alam ko rin naman 'yung kanta, pero baka masira pa ng boses ko ang jamming nila kapag sumabay pa ako. At saka, baka bagyuhin pa kami kapag nagkataon. Nanahimik na lang ako habang pinapakinggan sila. Tumingin na lang ako sa bintana para gumawa ng music video sa isip ko. Joke. Masyadong maganda ang mood ko para mag-senti.

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang may tumawag kay Karl. Tumahimik ang lahat para makausap niya nang maayos kung sino man 'yung tumawag sa kanya. Pagkababa niya ng tawag, sinabi niyang ang Daddy pala niya iyon at inaaya ang lahat ng mag-lunch sa kanila. Magwewelga palang sana ako para sabihing gusto ko nang umuwi para makatulog naman ako nang biglang um-oo si Amy. Bilang mahiyaing kaibigan, ayaw ko namang hayaan siyang mag-isang sumama sa bahay nila Karl. Baka mamaya kung ano pa ang gawin niya do'n kaya sumama na rin ako.

Pagkarating namin sa bahay nila Cheska, sinalubong kaagad kami ng parents nila. Kaagad naman akong nakilala ng Daddy ni Karl at humingi na naman siya ng paumanhin dahil sa nangyari. Nakailang ulit pa ako ng wala na 'yun sa akin dahil nakalimutan ko na nga, pinaalala niya lang. Kinausap na rin ako ng Mommy nila Karl, para humingi rin ng pasensya. Bakit gano'n? Ang hilig nilang humingi ng sorry kahit hindi naman big deal?

Naka-ready na rin ang lunch kaya 'yung antok ko ay ikinain ko na lang. Hindi naman sumabay sa pagkain sa amin sila Karl. Umakyat siya sa taas kasama si Josef at Froi. Hindi pa naman daw sila gutom kaya maglalaro muna raw sila ng Xbox sa kwarto ni Karl.

"How's the camping, Elian? Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Tita Leigh.

"Opo. Sobra," nakangiting sagot ko. Nag-enjoy naman talaga ako kasi masayang kasama 'yung mga kasama ko. Parang ako nga ang pinaka-KJ, eh. Hindi naman talaga ako KJ, sadyang nasabay lang ang mga trip nila sa pagkawala ng mood ko.

Love Hate: Keep Loving MeWhere stories live. Discover now